III

42 2 6
                                    

A Day with Him
-

Pagkagising ko kinabukasan ay naabutan ko pang mahimbing na natutulog si Renj kaya pinagmasdan ko muna sya. Sus mukha lang inosente kapag tulog. Natawa nalang ako sa iniisip ko.

Nung magsawa na 'ko sa kakatitig sakanya na inabot rin ng ilang minuto ay umalis na 'ko sa kama at dumiretso sa banyo para umihi at magsipilyo. Pagkatapos ay kumuha ako ng damit sa closet nya at dumiretso sa cr para makaligo na.

Hay ang sarap talagang maligo. Feeling ko ang fresh ko na ulit haha. Nagpatuyo muna ako ng buhok at nang matapos ay dumiretso na sa kusina para makapaghanda ng breakfast namin.

Tinignan ko kung may laman ba ang ref nya at meron naman, puno pa nga eh. Kumuha ako ng 2 eggs, at bacon. Pagkatapos ay humanap rin ako ng tinapay sa cabinet para itoast iyon. Naghalo din ako ng pancake flour at water at binuksan na ang kalan para magluto.

Kasalukuyan akong nagluluto nang may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"Good morning baby." he greeted me using his husky voice, halatang kakagising lang.

"Hmm my baby is cooking for me."
malambing na sabi nya nang makitang nagluluto ako at hinigpitan ang mga brasong nakapulupot sa bewang ko habang hinahalik-halikan ang leeg ko.

Malambing din pala 'tong lalaking to pag bagong gising ah.

Nang maluto na ay pinrepare ko na sa table para makakain na kami.

Agad din kaming natapos kumain, tumakbo ako agad papunta sa sasakyan ko at kinuha ang bag ko doon at umakyat ako sa kwarto para magbihis dahil balak kong puntahan ang pinapagawa kong bahay.

Magpasama kaya ako sakanya? Ay kaso baka may balak na syang gawin ngayong araw. Tatanungin ko nalang nga dahil wala din naman akong kasama at nakakaboring mag-isa.

Parang nakakatamad palang pumunta don maaalikabukan lang ako. Sa susunod ko nalang bibisitahin yung pinapagawa kong bahay or ipapatingin ko nalang sa iba.

Ah alam ko na kung anong pwedeng gawin sa araw na to.

Pagpunta ko sa sala ay naabutan ko si Jiro na nakaupo sa sala at mukhang malalim ang iniisip.

"Tara date?" I asked him out of nowhere. Huli na para mabawi ko ang sinabi ko dahil narinig na nya.

Nabigla ako nang sinugod nya 'ko at isinandal sa pader para halikan. Pero tumugon din naman ako sa mga halik nya at namalayan ko nalang na nakahiga na pala ako sa kama.

"Hoy sabi ko date sa labas hindi date sa kama." hinihingal kong sermon sakanya. Tinantanan nya rin ako sa kakahalik nya at ngumisi.

"Okay then, let's have a date." saad nya at dumiretso sa kwarto nya para siguro maghanda sa magiging date namin. Kaya pumunta na rin ako sa kwarto ko (self-proclaimed na kwarto ko) para makapag-ayos na din. Kaya tinawag ko ng kwarto ko to ay dito ako lagi sa room na 'to nagsstay kapag nasa bahay ako ni Renj tsaka ako lang kase gumagamit dito hihi.

Naligo muna ako ulet dahil feeling ko malagkit na 'ko at di na fresh char hahaha. Habang nagpopowder ay biglang sumagi sa isip ko na first date pala namin to so dapat memorable. Shet! Excited na ko.

Binonggahan ko ang ayos ko para sa magiging first date namin. At nang matapos na 'kong mag-ayos ay nagresearch muna ako ng mga ginagawa 'pag nagdedate dahil wala akong kaalam-alam don at para handa din. Wala lang sinapian yata ako kaya nagiging sweet ako sakanya ngayon.

Nang ready na 'ko ay lumabas nako ng kwarto pero dahil hindi pa yata tapos si Renj ay nagsalamin muna ako sa full length mirror dito sa salas.

Nakasuot ako ngayon ng croptop at fitted jeans na tinernohan ko ng gucci belt. Simple lang dahil naniniwala ako sa kasabihan na 'simplicity is beauty'.

May narinig akong bumukas na pinto kaya naman napalingon ako sa pinanggalingan non at bumungad sakin si Renj na kalalabas lang ng kwarto nya at papalapit na ngayon sa kinatatayuan ko.

Shet! Bakit sobrang gwapo nya ata ngayon? Ay sabagay gwapo naman sya lagi. Ang swerte ko naman na lagi kong nakakasama ang ganito kagwapong nilalang acckk!

Halatang pinaghandaan nya talaga ang magiging date namin kaya pala antagal nya mag-ayos.

He's just wearing a simple black v-neck tshirt partnered with pants but he looks like a fashion model with a mix of greek god on what he wears. Damn.

"Shall we?" tanong nya sabay abot ng kamay sakin na agad kong kinuha at hinawakan. Nung makalapit sya sakin ay sobrang bango nya na parang binuhos nya lahat ng pabango sa katawan nya. Pero hindi matapang ang amoy kaya hindi nakakasakit sa ilong.

"Manonood ng sine yun ang una nating gagawin." sabi ko sakanya habang palabas na kami ng bahay pero tango lang ang tangi nyang sagot.

Bakit parang anlamig ata ng kamay nya? What? Ano to mas kinakabahan pa yata sya kesa saken tangina. Cutie hahaha.

Habang papunta kami sa kinalalagyan ng sasakyan nya ay nakatitig lang ako sa kanya.

"Why are you staring at me like that baby?" he asked me when he noticed my stares at him and his lips rose up.

"Wala lang ampogi mo eh, sarap sa eyes." sagot ko na nakapagpangisi sakanya.

"I'm all yours baby." he said seriously. Nagtaka ako at kinilig at the same time kase paano sya naging saken eh hindi naman kame? Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa naiisip. He let out an amused smile when he saw my reaction on what he just said.

He opened the front door of his car for me and gestured me to sit in, so I did.

Pasulyap sulyap sya sakin habang nagmamaneho sya.

"Damn baby you look so beautiful." he sincerely said with a smile plastered on his face.

My heart fluttered because of his compliment. Tipid ko nalang syang nginitian pabalik dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sa sinabi nya.

Nakarating kami agad sa mall dahil mabilis syang magdrive. Agad syang bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko palang ng sasakyan, he immediately encirled his arms around my waist and pulled me closer to him.

Pumasok na kami sa mall at dumiretso sa sinehan. Pumila kame para makabili ng ticket. Ang napili naming movie na panoorin ay tungkol sa mafia boss na nainlove sa kalaban nya na isang secret agent at ang genre non ay mystery/thriller. Mahilig kami sa mga ganon well syempre dahil na rin sa parang ganon ang trabaho namin.

Bumili kami ng popcorn at drinks atsaka na kami dumiretso sa loob ng sinehan dahil malapit ng magsimula ang movie na papanoorin namin.

Atleast, Love Me (De Vour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon