X

11 2 3
                                    

Midnight Celebration
-

Nang magsawa na 'ko sa kakalangoy ay umahon na 'ko. Mahigit tatlumpong minuto yata akong nakababad sa tubig bago ako magsawa. Pinapanood lang ako ni Jiro kanina habang lumalangoy at nagmumuni-muni.

Inilibot ko ang paningin ko sa dalampasigan at natagpuan ko syang nakahiga sa isa sa mga bench. May dala na syang twalya at hawak nya den yung hinubad kong dress kanina.

Nang malapitan ko sya ay mukhang nakatulog yata sya dahil sa katagalan ko bago umahon.

Pinagmasdan ko ang mukha nya. He has thick eyebrows but not that thick, sakto lang na kapag kumukunot ang kilay nya ay kamukha nya na si angry bird, charot HAHAHA. He also has this thin and attractive lips na masarap halikan, handsome face, I think he has a perfect jawline. Damn this man is very handsome talaga. And that pointed nose, damn antilos huhu.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nahalikan ko sya dahilan para magising sya.

"Pinagnanasaan mo nanaman ako tss." he smirked teasingly at me when he woke up.

"Ano nanaman? Di ba pwedeng gusto lang kitang halikan?" iritadong sabi ko. Huli na nang marealize ko kung anong nasabi ko at hindi ko na mababawi pa dahil nasabi ko na at narinig nya na. I blushed for the nth time grr.

Mas lalong lumapad ang ngisi nya saken, damn so handsome. Mukhang inaantok pa sya kaya niyaya ko na siyang magpahinga muna sa cottage namin.

"Magdamit ka muna," seryosong aniya.

"Ih pagbalik nalang naten sa cottage," reklamo ko.

"Pag nasa cottage na tayo at wala ka pang damit, baka ano pang magawa ko tss," nakangising aniya kaya agad kong hinablot sakanya yung dress ko at isinuot.

"Takot na takot ah? Parang 'di ka masasarapan pag ginawa natin yon." pambubwisit nya sakin.

"Gago bibig mo pasmado," iritadong sabi ko.

"Kiss mo," aniya at ngumuso. Ang kyut pa rin kahit nakakairita tanginang yan.

Ginawa ko naman ang sinabi nya, hinalikan ko sya. At pinalalim nya ang halikan namin tsaka ako binuhat.

"Hoy," sigaw ko.

"What?" maang-maangang tanong nya.

"Bitawan mo 'ko," sabi ko.

"No, I would never do that. Hinding hindi kita bibitawan." seryosong sabi nya.

Nang makarating kami sa tapat ng cottage na pansamantala naming tinutuluyan ay binitawan nya 'ko para mabuksan ang pintuan dahil nakalock ito.

"Sus may pasabi sabi ka pang hindi mo ko bibitawan tse," panunumbat ko sakanya.

Unti unti syang lumapit saken hanggang sa wala ng isang pulgada ang layo ng mga mukha namin.

"Hindi nga," madamdamin nyang sabe at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Mabilis na lumipas ang mga oras na nandito kami sa resort at mamayang gabi ay magcecelebrate na kami para sa mga bagong miyembro ng De Vour.

Kasalukuyan akong naghahanda para sa gaganaping party mamaya sa may dalampasigan. Inaarange na siguro ng ibang mga members ang mga gagamitin namin sa party.

I'm wearing a high-wasted shorts paired with bikini top. Dahil syempre dapat naaayon ang kasuotan sa pupuntahan—beach ang punta ko kaya tamang tama lang ang isusuot ko.

Pagkatapos kong magbihis ay hindi na 'ko naglagay ng make-up at nagpowder and liptint nalang. Ganon lang naman talaga lagi ang ayos ko, pwera nalang kung talagang bonggang okasyon ang dadaluhan dun lang ako nag-aayos ng todo. Pero dahil celebration lang naman ng De Vour at halos kakilala ko naman lahat sila ay hindi na kelangang paka bongga ang ayos.

Nang matapos na 'kong magbihis at makapag-ayos ay tinignan ko muna ang oras at nakitang pasado alas otso ng gabi na so malapit na mag-start yung party nyan. Nauna na sakin si Renjiro dahil tumulong sya sa pag-aayos ng venue.

Tapos na siguro silang mag-ayos nyan noh? tanong ko sa sarili ko habang lumalabas ng cottage, inilock ko ang pinto at binulsa ang susi. Dala ko ang sling bag at phone ko, sa loob ng bag ay may dalawang maliit na baril in case of emergency.

Pagkarating ko sa may dalampasigan ay nakaharang ang area doon at may mga bantay. Ang pinapapasok lang nila doon ay ang mga miyembro ng De Vour. Restricted ang area don at bawal munang puntahan ng mga ibang guests ng resorts ngayong gabi mula 8 pm to 1 am.

Rumampa akong mala fashion model papunta don at kahit ang mga guards ay natulala sa kagandahan ko. Hmm simple lang naman ang ayos ko pero nakakapagpalingon pa din ako ng mga tao.

Kusa na 'kong pumasok at nilaktawan ang mga guards dahil nakatulala lang sila saken. Tss ganon ba talaga ako kaganda? Dagdag pa ang kasexyhan ko ngayon sa suot ko, hmm talagang nakakapagtulala nga.

Pagkapasok ko sa loob ay mala bar ang vibe doon. Wew anong pagkapasok? Eh wala namang pinto HAHAHA. Basta pagkapunta ko sa may dalampasigan ay madaming alak na nakalatag at may mga mesa rin. Ang iba ay lumalangoy na sa kulay asul na tubig. Iniikot ko ang paningin ko at tumigil iyon sa bulto ng isang lalakeng gwapo—sa bulto ni Renjiro.

He's firmly standing near the shore like he's thinking of something deep..

Nilapitan ko sya at kinalbit dahilan para mapalingon sya sakin. Inilibot nya ang paningin nya sa katawan ko at kumunot ang kilay nya.

"Masyadong..." hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at hinalikan ko na sya agad.

"Masyado kang maganda.. sobrang ganda." sabi nya na nakapagpangisi ng malawak sakin.

"Tss bolero," I rolled my eyes.

"Totoo naman," aniya at inilapit ang mukha nya saakin. Nararamdaman ko na ang paghinga nya, it smells like mint candy argh! Akala ko hahalikan nya 'ko ulet pero pinaglaro nya lang ang tungki ng mga ilong namin.

"Hoy hindi pa nga nagsisimula party landian na agad?" bigla bigla nalang sumulpot si Livia from nowhere at kung makasabi naman na malandi kami ni Jiro parang malinis sya.

"Tse nagmana lang kami sayo teh, malandi," ani ko at tumawa. Mukhang di naman naoffend ang bruha at nginusuan lang ako.

"Heh, bahala nga kayong maglandian dyan. Di nako mangengelam nababara lang ako tss," sabi nya at nagwalk-out.

Naramdaman kong biglang lumamig ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

May mga bisig na yumakap sakin, naramdaman ata ni Jiro na nilamig ako bigla kaya niyakap ako.

At kaya naman pala biglang lumamig ang paligid at parang bumigat ang awra ay nandito na si boss.

"Let the party begin," malakas na aniya kaya nagsigawan ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Atleast, Love Me (De Vour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon