II

45 3 0
                                    

He's drunk
-

Nagising ako ng bandang 6 pm ng gabi at dumiretso muna 'ko sa cr para magtoothbrush. Tsaka na'ko pumunta ng kusina para makapaghanda ng hapunan. Hmm ano kayang masarap kainin, binuksan ko ang ref at tinignan ang laman. Wala akong gusto don. Parang medyo busog pa naman ako sa kinain ko kanina kaya 'di nalang ako kakain ng kanin.

Ah buti pa magnoodles nalang ako. Binuksan ko ang cabinet na may lamang iba't ibang klase ng pagkain since nag-grocery palang ako last week kaya madami-dami pa 'kong stocks. Kinuha ko ang instant cup noodles na paborito kong kainin kapag nagugutom na talaga ako at tinignan ko muna ang expiry date dahil syempre baka makakain pa ako ng expired tas sumakit pa yung tiyan ko. Ah matagal tagal pa naman bago mag-expired kaya naman binuksan ko na at nilagay ang mga seasonings at binuhusan ng mainit na tubig tsaka ko tinakpan. Hmm mga 10 minutes pwede na 'yon since bagong kulo na tubig naman ang nilagay ko.

Pagkatapos kong kinain yung noodles ay nag-toothbrush muna ulit ako at napagpasyahan nang manood ng netflix kaya binuksan ko na ang tv.

Kasalukuyan akong pumipili kung alin ba sa dalawang movie ang papanoorin ko. Nag 'eeny meeny miny moe' nalang ako at ang napili ay 'Jumanji', nagbukas na rin ako ng popcorn na binili ko sa grocery para naman nakakaenjoy ang panonood ko.

Habang nanonood ako ng movie ay may biglang nagdoorbell. Teka wala naman akong ineexpect na bisitang darating ah? Di kaya kalaban yon at nalocate na nila kung saan ako nakatira. Halaaa! Dali-dali akong pumunta sa may pintuan at sinilip sa butas nito kung sino ang letseng nanggugulo sa pagmomovie marathon ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang si Renj lang pala. Hay binuksan ko kaagad ang pintuan at bumungad sakin ang amoy ng alak. Aba mukhang lasing na lasing to ah. Bakit dito sakin dumiretso?

"Oh lasing na lasing ah." pambungad ko sakanya pagkabukas ko ng pinto.

"Why can't you love me? What the fuck is wrong with me?! Bakit hanggang laruan lang ang tingin mo sakin baby?" pagtatanong nya sakin gamit ang malungkot na boses.

Hala ano daw?! Matagal ko ng alam na may gusto saken si Renj at gusto ko rin naman sya pero hindi kami pwede dahil masyado akong focused at preoccupied sa trabaho ko at wala akong time sa iba pang bagay at isa pa nakakatakot magkaroon ng commitment dahil 'pag ganoon ay hindi na ko malayang gawin yung mga gusto ko, kaya ayaw kong pumasok ulit sa isang relationship eh.

Inexplain ko na sakanyang hanggang magkatrabaho lang kami pero pwede din naming gawing pampalipas oras ang isa't isa at maglandian pero hanggang dun lang. Hindi ko naman alam na may malalim pala syang nararamdaman para sakin. Nakakaloka!

Inalalayan ko sya papasok at pinaupo muna sa sofa. Kumuha ako ng tubig at pinainom sakanya para mahimasmasan naman sya kahit papaano.

Umupo ako sa tabi nya at nabigla nang atakihin nya ako ng halik pero agad din akong nakabawi at sinabayan ang kanyang paghalik.

Oh shet! Bakit parang ang wild naman pala ng lalaking 'to kapag lasing ah. Nung nagsawa na 'ko ay bumitiw na ako sa halikan namin at hinahabol na ang hininga ko. Bumaba ang halik nya sa leeg ko kaya napahiga ako sa sofa so he's now on top of me, sucking and biting my neck. Pinigilan kong wag mapaungol pero di ko nakayanan. He chuckled when he heard my moan, his lips is still on my neck.

Bahagya ko syang tinulak at tumayo na 'ko sa pagkakahiga sa sofa.

"Tara nga ihahatid na kita." sabi ko at inalalayan na sya palabas ng condo ko.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at binuksan na ito. Pumasok naman agad sya sa loob, diretso pa rin syang maglakad kahit lasing wews.

Habang nagdadrive ako ay nakatingin lang sa akin ang mapupungay nyang mga mata na talagang kaakit-akit titigan.

"Tss iinom inom hindi naman pala kaya." panenermon ko sakanya.

Pero hindi man lang sya nag-abalang magsalita at nanatili pa ring nakatitig sakin.

What? Maayos naman yung itsura ko bago lumayas ng bahay ah. Bakit ba titig na titig 'tong lalaking kasama ko?

Nakarating din naman kami agad sa bahay niya dahil malapit lang. Oo meron na syang sariling bahay, mas big time pa to sakin eh. Ako nagpapagawa palang ng bahay. Mabisita nga bukas kung kamusta na ang construction sa pinapagawa kong bahay tutal wala kaming trabaho.

Automatic na nagbukas ang gate dahil kilala na neto ang sasakyan ko. Madalas kase ako dito. Tinigil ko na ang sasakyan at bumaba na. Binuksan ko ang pintuan sa front seat at inalalayan na ang kasama ko papasok sa bahay nya.

Ampota ambigat nya tangina! Hirap alalayan. Pasalamat sya concerned ako kahit papaano.

Nung nakarating na rin kami sa wakas sa kwarto nya ay inihiga ko na sya doon dahil halatang antok na antok na sya, bumabagsak na nga ang talukap ng mga mata nya.

Pumunta muna 'ko sa banyo para kumuha ng malinis na bimpo at malinisan ang lasing na gwapong lalakeng 'to. Char. Kumuha na din ako ng damit sa closet nya para mabihisan sya.

Pagbalik ko sa kama ay natutulog na sya. Kaya maingat kong inalis ang damit nya at nilinisan ang katawan. At nung matapos ko na syang bihisan at linisan ay uminom muna ako ng tubig sa kusina.

Pagbalik ko ay ganon pa rin ang posisyon nya at mahimbing na natutulog. Ang ganda naman ng view charot. Tinitigan ko sya ng ilang minuto bago mapagpasyahang matulog na rin.

Tumabi ako sakanya dahil trip ko lang. Tsaka 'di naman 'to ang first time na tabi kami matulog. Opsss-

'Di naman ako maarte atsaka choosy pa ba 'ko eh ang gwapo ng katabi kong matulog hehe.

Nagdasal muna 'ko tulad ng nakasanayan kong gawin bago matulog. Syempre naniniwala pa din naman ako sa Diyos kahit ganitong klase ang trabaho ko noh.

Habang nakatitig sa ceiling ay bigla kong naalala yung mga sinabi nya kanina? Lasing lang ba sya? Hmm siguro nga dala lang yun ng alak.

Di kalaunan ay nakatulog na rin ako dala na rin ng pagod sa paghatid sakanya.

Atleast, Love Me (De Vour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon