First date ruined
-Pagkapasok namin sa loob ay umupo kami sa may bandang gitna, wala pang masyadong tao dahil ilang minuto pa naman bago magsimula yung movie, siguro bumibili pa ng popcorn at drinks yung iba sa labas.
After 10 minutes ay nagsimula na yung movie kaya nanahimik na 'ko at nanood ng mabuti habang kumakain ng popcorn.
Nang balingan ko si Jiro, he was looking at me intently while we're watching a movie. So I give him a kiss on his lips, nung una nagulat pa sya dahil first time ko syang hinalikan sa public place pero ngitian nya rin ako. Yung ngiting nakakatunaw ack.
Pagkatapos namin sa sinehan ay dumiretso kami sa 7/11 para bumili ng gulp. Isang malaki lang yung binili nya dahil sabi ko hindi pa naman ako masyadong uhaw. Makikiinom nalang ako sa kanya kung sakaling mauhaw ako.
Sumakay na kami sa kotse nya at dumiretso sa Bamboo Hub. Bago kase yun dito sa lugar na 'to at natripan lang namin na puntahan kase sabi nila maganda daw don.
Pagkarating namin do'n ay nagtaka ako dahil walang katao-tao.
"Oh bat wala atang tao? Sarado ba sila?" tanong ko sa kasama ko.
"Umaayon lang siguro sakin yung tadhana, gusto kitang masolo eh." he shrugged but I saw a hidden smirk in his lips pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin iyon.
Nag-rent kami ng bike kase balak naming libutin yung buong Hub ng nakabike. Kapagod kaya lakarin, malaki laki pa naman yung buong lugar.
Agad akong sumakay sa bike. Buti pala marunong akong magbisikleta kahit papano kung hindi aangkas pa 'ko dito kay Jiro.
"Karerahan tayo daliii!" excited na sabi ko kay Jiro.
"1...2...3.. go." sigaw ko at mabilis na pinagana yung bike.
Muntik na 'kong matumba dahil sa mabilis na pagpapagana. Buti nalang ay may mga bisig na umalalay saken nung muntik na 'kong masemplang. Akala ko nung una ay si Jiro yon pero pagtingin ko ay hindi pala.
Shit! Infernes ang gwapo ha pero mas gwapo pa rin sa mga mata ko si Jiro.
"Ayos ka lang ba miss?" tanong nya at binitawan na ako.
"Ah oo salamat." sabi ko at nginitian sya.
"Uh care to share? What's your name?" tanong ko dahil parang medyo pamilyar sya pero hindi ko gaanong mamukhaan.
"I'm Koa Evander. Koa for short." pagpapakilala nya at inalok ang kamay nya. Wow nice name, ang unique.
"Valerie." tipid na pagpapakilala ko nalang dahil baka kalaban pala ang isang 'to. Kelangan pa rin mag-ingat noh kahit sinalo nya pa 'ko mula sa pagkakasemplang sa bike.
Parang may nararamdaman akong nakatitig samen habang nag-uusap kami netong si Koa. Kaya naman inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nakatiim bagang at matalim na nakatingin samin si Renjiro.
Hay eto nanaman 'tong selosong to.
"Sige ah salamat ulet." sabi ko nalang kay Koa at tipid syang nginitian bago puntahan si Jiro.
"Oh san ka napunta?" tanong ko.
"Umabot ako sa dulo. Tapos pagdating ko don wala ka kaya bumalik ako. Aabutan lang pala kitang may kasamang iba." he said habang nagtatagis ang kanyang bagang, then glared at me like I did something wrong.
"Muntik na kasi akong masemplang dun sa bike inalalayan nya lang ako." pag-eexplain ko pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakakita ako ng duyan kaya naman hinatak ko sya papunta doon.
"Swing tayo." nakangusong sabi ko.
Iiwan nya na sana ako dito sa may duyan pero tinawag ko sya ng buong pangalan nya. Tinatawag ko lang sya non kapag nagagalit na talaga ako.
"Renjiro Dillon!" sigaw ko sa buong pangalan nya. Tangina talaga neto ano bang ikinagagalit nya hays!
Nakita kong may gulp pa pala sya at di pa nauubos. Uhaw na uhaw na ako shet huhu.
"Painom." sabay nguso ko sa gulp na binili namin sa 7/11.
"Kiss muna." mapaglarong sabi nya sabay ngisi. Tss kanina lang selos selos pa 'to eh. Bilis magbago ng mood HAHAHA.
Nilapitan ko sya at hinalikan ng mabilis lang. Binigay nya sakin yung inumin para makainom ako don. Binalik ko din agad sakanya nang mawala na ang uhaw ko pagtapos kong uminom.
"Penge pa ngaaa." sabi ko at nagpuppy eyes pa para kyuttt!
"Kiss muna." sabi nya ulet kaya tinignan ko sya ng masama pero hinalikan den kalaunan.
Tsaka ko hinablot yung gulp nya.
"Inubos mo painom pa baby." nakapout nyang sabi.
"Kiss muna." panunukso ko at ngumuso kaya agad nya 'kong sinunggaban ng halik at kinuha ulit yung gulp nya saken HAHAHA.
"Tse itulak mo na nga lang ako dito. Minsan lang ako makapagduyan so susulitin ko na." sabi ko sakanya kaya tumayo na sya sa pagkakaupo sa duyan at pumwesto sa likod ko.
"Wag mong pakalakas ah baka mahulog ako tas walang sumalo." I joked.
"1...2...3." bumilang pa ang loko para daw ready haha.
"Woooohhooo." sigaw ko nung magsimula na syang itulak ako. Shet ang sarap talaga sa feeling kapag nagduduyan.
Nang magsawa na 'ko sa kakaduyan ay pinatigil ko na sya sa pagtulak sakin.
Nilibot namin ang buong Hub ng nakabike at nagtry ng mga activities na pwedeng gawin, nagpicture taking din kami at sumakay sa bangka. Nung natapos na kami sa lahat ng pwedeng gawin ay umupo kami ulit sa mga duyan.
Nagpaalam sakin si Jiro na bibili muna ng ice cream kaya naiwan akong mag-isang nakaupo sa duyan.
"Gabi na pala." sabi nya nang mapansin na madilim na ang paligid. Iniabot nya sakin ang ice cream at umupo sa tabi ko.
"Oo nga ambilis talaga ng oras." sagot ko sakanya habang kinakain yung ice cream na binigay nya.
Nagmumuni muni ako habang pinapapak yung ice cream nang may maramdaman akong nakamasid samin.
"May kalaban shit." iritadong sabi ni Jiro. Napansin nya rin pala. Syempre ganyan talaga kami kaalerto.
"Maging alerto tayo pero wag magpapahalata na alam na nating may kalaban." tamad na sabi ko.
"Sige antayin muna nating sumugod bago tayo kumilos." pagsang-ayon nya.
Tinanguan ko sya.
Halaaaa puta! Wala nga pala akong dalang armas. Bahala na kakalabanin ko nalang sila kahit na wala akong armas. Sana hindi sila marami.
"May baril ka ba?" tanong ko kay Jiro. Sana meron shitt! Sana.
Inilabas nya ang maliit na baril na nakatago sa loob ng pantalon nya.
"Lagi akong may dala nito in case of emergency." aniya sabay ngisi.
Hay buti naman at may dalang baril ang kasama ko, kahit papaano hindi kami dehado.
Sana lang hindi agad maubos ang bala ng baril.
BINABASA MO ANG
Atleast, Love Me (De Vour Series #1)
RandomValerie Everett Adair is a girl who's so committed in her job, well she's not just an ordinary girl. She's a very talented girl and also excellent with guns and self defense because of her job. Vea is very different compared to other girls. But she...