VIII

19 2 0
                                    

Lereal's Resorts and Hotel
-

Sumakay kami ng bus dahil masyado kaming madami at hindi nagkasya yung iba kaya nagvan sila. Pero hindi naman ako maarte kaya sa bus nalang ako sumakay HAHAHAHA.

Kasama ko sina Nesta at Livia, sa harapan namin sila ni Jiro nakaupo. Mukhang nakatulog na nga yata si Nesta sa balikat ni Livia, si Lyn naman hindi ko alam san na napunta, baka kasama nanaman yung Koa.

Si Jiro ay nasa tabi ko lang at tahimik na nakahilig sa balikat ko habang magkahawak ang mga kamay namin. Hindi ako natutulog kahit medyo matagal pa ang biyahe dahil hindi talaga ako palatulog kapag nasa biyahe, ewan ko ba. Pwera nalang kung sa eroplano tapos matagal yung flight. Si Jiro naman ay kabaligtaran ko dahil kahit 30 minutes lang ata ang biyahe ay tutulugan nya pa rin 'yon at nagpapagising nalang sya kapag nakarating na sa pupuntahan.

Mahigit isang oras ang inabot ng pagbabyahe bago kami nakarating sa resort ni boss.

Ginising ko na si Jiro at sinabing nandito na kami pero parang ang lalim yata ng tulog nya kaya kinailangan ko pa syang tapikin ng malakas para magising. He glared at me when he woke up pero inakbayan din nya ako at sya na ang nagbuhat ng gamit naming pareho dahil kaonti lang naman ang laman ng mga bag namin. Pinauna nya na 'kong bumaba ng bus dahil sya na daw ang bahalang pumili ng magiging kwarto namin habang pansamantala kaming tutuloy dito sa resort, at mamasyal muna daw ako. Alam nya kaseng paborito kong lugar itong resort kahit pa minsan lang ako makapunta dito.

Nakabungad ang pangalan ng resort nila na 'Lereal's Resorts and Hotel'. The front has a wooden entrace theme, on the top of it is the name of the resort.

(Guys imaginin nyo nalang na may LEREAL'S RESORT blahblah na nakalagay sa pic hehe)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Guys imaginin nyo nalang na may LEREAL'S RESORT blahblah na nakalagay sa pic hehe)

Agad kaming nakapasok dahil sinabi ni boss sa staffs nya na kasama nya kami. Napakaganda talaga ng resort ni boss.

As I entered the place all I can feel is the refreshing air. Madami ng nagbago dito mula nung huli kaming nagpunta pero napakaganda pa rin ng buong lugar. Hindi talaga nakakasawang titigan ang view dito. Napakalinis din ng paligid at walang kabasu-basura, halatang masipag ang mga nangangalaga dito sa resort at laging nililinis ang paligid. Sabagay nakakatakot kasing magalit si Mr. Lereal ayaw pa naman non sa makalat. Kaya siguro masipag ang mga tauhan nyang maglinis at talagang hands-on sa pag-aalaga ng resort nya.

The whole resort has different themes, sa pagkapasok mo ay bubungad sayo ang kulay berdeng tanawin because the front is coated with green grasses pero hindi ganon kahaba ang mga damo at hindi nakakatusok sa paa kapag dadaanan mo. Pumunta ako sa pinakagitna ng lugar para mas mapagmasdan ang kabuuan nito, sa may bandang kanan ay nandoon ang mga cottages na pwedeng tuluyan ng mga turista. May mga nipa hut den at ang bawat kubo na iyon ay may tinitindang iba't ibang klase ng pagkain, gamit, at souveneirs. Sa kaliwa naman ay ang kulay puting buhanginan at kulay asul na tubig sa coast. At meron ding hotel kung saan pwedeng tumuloy ang mga mayayaman na dumadayo dito sa resort, pero kung gusto mo na mas makamura ay sa cottage ka nalang tumuloy. Kaya nga may choices eh pero dipende sa tao kung anong afford nya. 'Pag dinadala kami dito ni boss ay libre lahat, odiba ang swerte namin.

Nang pumunta ako sa may beach area ay may pitong nakalatag na bench kaya nag-unahan don ang mga iba kong kasamahang babae at nagsilagay ng sunblock sa skin nila, tss takot na takot mangitim HAHAHAHA. May mga nagtatayugang puno ng niyog dito na mas nagpapaganda sa tanawin.

Nakatingin ako sa asul na tubig nang biglang may humalik sa pisngi ko at nang balingan ko 'yon ay si Jiro.

"Nakakuha na 'ko ng magiging kwarto naten." mapaglarong sambit nya sabay kindat tsaka ako niyakap.

"Naten?" nagtataka kong tanong.

"Oo, tayong dalawa lang." nakangising aniya.

"Eh pwede 'yon? Payag si boss?" pagtatanong ko dahil ang alam ko ay dapat kapag nandito kame lahat libre pero dapat magkakasama ang kwarto ng bawat team, for example dapat magkakasama kami nina Nesta, Livia, Lyn, Ako, Jiro, Lex, at Nash. Dahil hindi magkakasya kung tig-iisang kwarto bawat isa, masyadong madami ang De Vour members HAHAHA.

"Hindi," sagot nya. "Kaya nagrent nalang ako ng isang room para masolo kita." sabi nya habang hinahalik-halikan ang tainga ko.

"Tara puntahan na natin," pag-aya nya saken, sumang-ayon naman ako.

Nang pagkarating namin sa cottage na tutuluyan namin ay nandoon na ang mga gamit namin sa kama. Tinignan ko muna ang phone ko at nakita kong pasado alas-singko imedya na (5:30). Kaya naman dali dali na 'kong naligo at nagbihis dahil gusto ko pang libutin ang bawat parte ng resort at gusto ko ring lumangoy.

I wore a floral beach dress that fits perfectly on my body. Inside of it is a light pink two piece bikini, because I will swim on the seashore mamaya so dapat ready.

Nang lumabas ako sa banyo ay nakabihis na rin si Jiro. He's wearing a black sando kaya kitang kita ang muscles nya, he's a hunk. Pag naghubad yan ng damit nakakapaglaway ang abs nya. And a short sa pangbaba.

"Bat ka nakablack, may namatay ba?" pabiro at natatawang tanong ko.

"Wala pero patay na patay ako sayo." he said then winked at me.

I just rolled my eyes at him. Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang lotion ko dahil kahit lampas alas-singko na ay may kaunting araw pa rin, at ayoko ring mangitim noh. Malagatas pa naman ang kutis ko char. Nang ma-icheck kong hindi ko iyon nalimutang dalhin ay nilaylay ko ulet at sinarado ang bag ko.

Sinabihan ko si Jiro na kumain muna kami, pumunta kami sa nipa hut na may tinitindang mga seafoods, at iba pang ulam. Nakakagutom ansarap ng amoy shet.

Oorder na sana kami ng makakain ngunit may nakita akong nagkukumpulang mga tao at kung hindi ako nagkakamali ay mga kasamahan ko 'yon. Kaya sinabihan ko si Jiro na pupunta lang ako doon at sya ng bahalang mag-order ng pagkain namin.

"Nandito lang talaga tayo para magcelebrate pero since maraming may gusto na magstay muna kayo kahit isang araw ay papayagan ko na kayo, tutal nandito nalang rin naman tayo." narinig kong mahabang salaysay ni boss.

"Bukas nalang natin ituloy ang selebrasyon, 8 pm to 1 am." pahabol na sabi nya.

Atleast, Love Me (De Vour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon