Chapter 1

10 0 0
                                    

*Beep**Beep**BEEEEPPP*. "Langya.." Tinatamad na sabi ko at pinatay ang alarm clock ko.

Hi!! Ako nga pala si Aliya Marquez, isang 17-year old girl na nag-aaral sa Leondale University. Ito ang first day ko as a grade 12 student at first day ko din dito sa Leondale University. Bagong lipat lang kasi kami dahil doon sa dati naming tinitirhan, ay masyadong mausok kaya lumipat kami dito kung daan kakaunti lamang ang mga sasakyan. Kahit malayo man kami sa city, ay malaki at magara parin ang Leondale University o mas kilala bilang LU. Mayayaman lamang ang nakakapasok sa LU, at may kaya naman ang pamilya namen.

Anyway, kailangan ko nang maligo dahil male-late na ako kaya naman, kahit tinatamad, ay dahan-dahan akong nag-lakad patungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay nag-bihis na ako at bumaba na ako upang kumain ng almusal.

"Hay nako, Aliya!! Male-late ka na dahil dyan sa katamaran moooo!!" Sigaw saakin ng aking ina. Tinignan ko siya ng masama at umupo na upang kumain. "Hindi ko naman kasalanan na buong buhay ko, sa ospital ako nanirahan..."

Natigilan ang aking ina. "So-sorry ana-". Hindi natapos ni mama ang sinasabi niya dahil bigla akong natawa.

"Hahahhahah!! Nag-jojoke lang ako ma!! Ang seryoso mo! Hindi mabiro!! Hahahhahaha!!!" Tinignan ako ni mama ng sobrang sama kaya naman ay tumigil ako kaagad sa katatawa.

Natapos na akong kumain kaya naman nag-paalam na ako kay mama. Tinignan ko ang relo ko at 8:30 na, 9:00 ang simula ng klase ko. Nasa labas ako ng bahay ngayon at nag-hihintay ng masasakyan. Tinignan ko ulit ang relo ko, "Tsk! Male-late na ako nito!" Inis na sambit ko at  dali-daling sinuot ko ang fase mask ko. Wala na akong ibang pag-pipilian kundi ang tumakbo ng pagkabilis-bilis papuntang school.
           
              Nagsimula na akong tumakbo pero, naalala niyo ba na sinabi ko na bagong lipat lang ako dito? "Ay!!" Sabi ko at mabilis na tumigil sa pag takbo at muntik na akong matumba. "Hindi ko nga pala alam kung saan an school...". Napakamot ako sa ulo ko. Hinihingal na ako ngayon, "Langya! Hindi tuloy ako makahinga dahil sa lintek na mask na to!!" Inis kong sabi sabay tanggal ng face mask ko.

       Binulsa ko ang face mask ko at tumayo ako ng tuwid, 8:40 na. Nagsisimula na din akong ma-ubo. *Ahem**ahem*. Nilanas ko sa bag ko ang phone ko at pumunta sa google maps. Sinearch ko ang "Leondale University" at sinundan ko na ang daan papunta sa school. Tumawid na ako, pro nang papalapit na ako sa gitnang bahagi ng daan, may narinig akong isang napakalakas na tunog.

"BEEEEEPPPPP!!!"

Call Me AATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon