Chapter 3

5 0 0
                                    

"Starting a new life is like walking, you won't finish when you won't start"

-------------------------------------------------------


Kasaluuyan akong nag-lalakad papunta sa Principal's office. Tinignan ko ang relo ko. SHIIIITTT!! 8:50 na! Buti nalang nakisabay ako kay kuyang masungit kanina, kung hindi paniguradong late na late na ako. Nang makita ko na ang principal's office, kaagada kong kumatok. *KNOCK**KNOCK*

            "Come in." Isang maawtoridad na boses ang nag-sabi. Napalunok nalang ako at pumasok sa loob ng office. "Ms. Marquez, may I know why you are late?" Calmadong tanong saakin ng principal. "Uhm..... nawala po kasi ako Ms. Ianthrou." Hiyang-hiya kong sagot.
   
               I mean, ikaw ba naman pagalitan ng principal?! "Very well, I will let this pass since this is your first day, but tardiness will not be tolerated in Leondale University. Understood?"
"Yes ma'am!" "Anyway," may inabog siya saaking papel. Kinuha ko ito at tinignan. It was my class schedule.

               "This will be your class schedule and room numbers are already specified there." Sabi ng principal. Nang tinignan ko isa-isa ang mga subjects ko, ay nakita ko ang subject na pinaka ayaw ko sa lahat. "P.E?" "Ah yes! About your P.E class, you will still be required to participate." Sabi niya saakin. "I cannot give you special treatment just because of your existing condition, also, to avoid the other teachers giving you special treatment, they will not be informed of your condition."
(Hahhhahahahah gawa-gawa ko lang po iyan)
              Tumango nalang ako." Ok then! You may now proceed to your first class since you are already 3 minutes late!". "Yes ma'am! Thank you!" I did a small bow bago tuluyang lumabas ng principals office. Tinignan ko ulit ang relo ko. SHEEEETTT!! 9:03 na!! Tumakbo na ako para hanapin ang room 362. Tinignan ko ang mapa, langya, nasa Building D pa pala yon, eh nasa Building A ako!! Nakita ko si Kuyang Janitor kaya nilapitan ko ito at nag-tanong ako sa kanya. "Kuya, saan po ang Building D?" Nag-mamadali kong tanong.

            "Nako ineng! Mukhang late ka na! Ang building D ay 'yong building sa likod ng building B!' Sagot naman saakin ni manong. "Salamat po!" Sigaw ko kay manong at tumakbo na ako papuntang Building D.

      (So ganito ang set-up, imaginin ninyo, ang building A ay nasa tabi ng gate one. Ang building A ay nakaharap sa south, so ang ibig sabihin non ay nasa likod ng Building A ang pader. Sa side naman ng Building A ay ang Building B, pero nakaharap ito sa east. Sa tabi ng Building B ay C. May pathway na pumupunta sa likod ng Building B kung saan Ang Building D. So, ibig sabihin, ay nasa likod ng Building B ang D. Sa side naman ng D ay C. Same din ang set-up ng college pero opposite lang. Each building has 100 rooms. Sa gitna ng dalawang campus ay ang canteen na napaka-laki. Ang space sa gitna ng canteen at ang mga buildings ay isang napaka-laking field. Sa likod ng field at canteen ay ang gate two na naka konect sa parking. Doon dumaan last time si Aliya at "Kuya". Ikaw na bahala mag imagine)

             Lumingon-lingon ako sa paligid at wala na akong nakitang studyante. Tinignan ko ULIT ang relo ko. 9:08 na! Narating ko na ang Building D pero 3rd floor pa ang room ko! "Malas!" Bulong ko sa sarili ko at nag-simula nang umakyat ng hagdan. 2 steps at a time ang ginagawa ko para mas mabilis. Nang marating ko na ang 3rd floor, halos hindi na ako makahinga. Nag-simula na akong mag-lakad papunta sa room 362 at nang nasa harap ko na ang pinto ay kumatok na ako. At ang katok na iyon ang tanging narinig ko sa napaka-tahimik na gusalinh ito.

Call Me AATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon