"God wouldn't have given you a family if he didn't think you needed it"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang nakita ko na ang gate ng bahay namin, ay kaagad kong pinaalam kay Louie. "Yun ung gate ng bahay namin, Lou! Ung kulay blue na gate!" Sabi ko at tinuro ko na ang gate namin na nasa katapusan ng kalye. Nang naka-park na siya sa tapat ng bahay namin, ay tinanggal ko na ang seatbelt ko at hinarap siya. "Thank you ha? Kung hindi dahil sayo hindi pa ako nakauwi!" Sabi ko sa kanya nang naka-ngiti. Ngumiti din siya saakin. Shocks! Ang gwapo! "Psh, ako pa?" I just rolled my eyes at him. Umalis na ako sa sasakyan niya at bubuksan na sana ang gate ko, pero tumigil ako at hinarap siya. "Gusto mo ba munang mag-meryenda sa loob? Sure ako pagod ka sa kaka-ignore sa mga tao sa mundo."
It was his turn to roll his eyes at me. "Sigeh, basta pagkain, G ako diyan." Sabi niya at bumaba na ng kotse. "Malay mo, nilagyan ni mama ng lason ang kakainin mo tapos kikidnapin ka namin for ransom?" Sabi ko sa kanya habang papalapit siya saakin. "Tch, kakayanin ba ng mama mo na lasunin ang ganito ka-gwapong mukha?" Sabi niya saakin at ngumisi sya. 'Tch, ang hangin' Sabi ko sa isip ko habang binubuksan ko ang gate. Lumingon ako at nakita ko si Louie na nakatayo lang sa labas ng gate namin at mukhang nahihiya. Mahina naman akong tumawa at hinarap siya. "Ano, tatayo ka nalang ba diyan at hintaying tumubo ang damo o papasok ka na?" Namula naman siya at tumawa ako ng malakas. Mas lalo naman siyang namula.
"Tch, sigeh na nga!" sabi niya at sumunod na saakin papasok ng bahay. "Sino-sino ang nakatira dito besides ikaw at ang mama mo?" Tanong niya. " Wala na, kami lang ni mama ang nakatira dito, matagal na ding hiwalay si mama at papa." Sabi ko. "Sorry ku-" "Hahaha! Wag ka na mag sorry, matagal na din naman yun." Pigil ko sa kanya. Naratin na namin ang pinto, kaya naman hinarap ko siya at nginitian bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Pumasok ako at niligon ko siya, "Pasok!" Sabi ko habang naka-ngiti. "Ma!" Sigaw ko habang tinapon ko ang bag ko sa sofa. "Nasa kusina ako anak!" Sigaw ni mama. May narinig along ingay sa likod ko kaya naman lumingon ako, at nakita kong muntik nang matapilok si Louie dahil sa nakakalat kong sapatos. Pinulot ko iyon.
"Pasensya na, ha? Ang kalat ng bahay namin. Sure ako yung bahay niyo, malaki na malinis pa!" Sabi ko kay Louie at natawa naman siya sa sinabi kong iyon. Dinala ko na si Louie sa kusina namin kung saan nag-preprepare si mama ng meryienda. Sinulyapan ako ni mama at nakita ko ang pagka-gulat niya dahil may kasama ako. Louie akwardly waved his hand and greeted my mother. "G-good afternoon po Mrs.Marquez." Tumaas naman ang kilay ni mama. She shook her head and said, "Ano bayan AA? First day mo palang may boyfrie-" "Ma!" Sigaw ko at nararamdaman kng umiit ang mukha ko. "Ah! Hindi po ako boyfriend ni A! Kaklase ko lang po siya." Sabi ni Louie. Grabe, si Xenophillous ba talaga ito? Kanina sa school, ang sungit sungit niya sa lahat ng tao tapos ngayon, ngiting-ngiti siya sa nanay ko? May crush ba siya sa nanay ko o ano? Alam ko namang maganda ang nana- Hindi na natuloy ang tain of thought ko nang biglang nag-salita si Louie.
"Ako nga po pala si Xenophillous Ezykhiel Yazer Ianthrou, kaklase po ni A." At inilahad niya ang kanyang palad uang makipag-kamay. Tinanggap din naman ito ni mama. "Pasensya na iho, ha? Kung napag-kamalan kitang boyfriend ni AA. Eh paano, ang gwapo-gwapo mo para hindi maging boyfriend ni Aliya!" Namula naman si Louie dahil doon. "Oh siya umupo ka na iho at pag-hahandaan ko kayo ni AA ng meryienda, mag hintay lang kayo diyan." Sabi ni mama at umalis na siya para kunin ang meryiendang hinanda niya. "Ang bait pala ng nanay mo," Sabi ni Louie habang papaupo na kami. Ngumiti ako at mag-sasalita na sana nang unahan niya ako. "Hindi katulad mo." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon at naka-tanggapdin siya ng palo galing saain. Aba! At ang loko nagawa pang tumawa saakin. Tatayo na sana ako para ayusin ang utak niyang baka naalog sa kakatawa, nang biglang pumasok si mama nang may dalang pansit. 'Grrrrr' sabi naman ng napaka-mahal kong tiyan. Tinignan ako ni Louie at tinawanan ulit. I glared at him as reply. 'Sana naman kumakain si Louie ng pancit' Sabi ko sa isip ko. Nilapag na ni mama ang mga plato. "Oh sige! Kain na!"
BINABASA MO ANG
Call Me AA
Romance"GOD THROWS HIS FIERCEST BATTLES TO HIS STRONGEST SOLDIERS" ******************************************* "Ma-mahal k-kita.. Tand-tandaan m-mo yan...". Nauutal kong sabi dahil sa unti-unting pag-takas ng lakas sa aking katawan. "Wag! Wag...