Chapter 2

6 0 0
                                        

    "Accidents are the funny ways of fate to introduce new people into your life"
------------------------------------------------

BEEEEEEEPP!!  Bigla akong napahinto nang marinig ko ang napakalakas na busina ng isang kotse. Lumingon ako sa kaliwa at may nakita akong isang pulang kotse na papalapit kung saan ako nakatayo. Biglang nag-flashback ako sa mga masasayang alaala ko. Nang sandaling iyon ay inakala ko mamamatay na ako. Nang nakita ko na malapit na ang kotse saakin, ay napapikit nalang ako dahil sa takot. Pero, bago pa ako tuluyang mabangga ng kotse ay huminto ito sa mismong harap ko, at parang nang-hina ang mga tuhod ko.

            "Hoy! Nagpapakamatay ka ba ha?!" Sabi nung driver. Lumabas ang driver sa sasakyan niya. Ang una kong napansin sa kanya ay ang kanyang napaka gwapong mukha, pero klaro sa kanyang mukha ang kanyang galit. Pangalawa ang pareho naming uniform. So, ibig sabihin ba 'non ay schoolmates kami?!

           "Oh ano?! Hindi ka ba aalis sa harap ko?!" Galit na sabi nung driver. Inis akong tumingin sa driver. "Hoy!" Sabi ko habang itinuturo ko ang kanyang mukha. "Imbes na mag-sorry, galit ka pa?! Wow ha? Ang kapal!! Kita mong malapit mo na akong mabangga, ikaw pa ang galit?!"
 
          "Hoy ka din!" Inis na sabi niya at inalis ang kamay ko sa harap ng mukha niya. "Ikaw! Ikaw 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo, tapos, ikaw pa ang may-ganang magalit!! Swerte ka nga at hin-". Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nag-ring ang cellphone niya.

               "Oh? Ano?! Oo, papunta na ako wag kang mag-madali!!" Gigil niyang binaba ang tawag. "Tignan mo! Dahil sayo na-late na tuloy ako!!" Sabi niya at nag-simula na siyang mag-lakad pabalik sa kotse niya. "W-wait!" Habol ko sa kanya. "Ta-taga Leondale University ka hindi ba?" Tinignan niya ako ng masama. "Oo! At ano namang pakialam mo don ha?!"

         Wow! Dis is it Aliya! Swallow your pride na!! "Baguhan lang kasi ako dito, kaya..... pwede bang maki-sabay ako sayo? Hindi ko kasi alam ang daan papuntang school at late na 'din ako..". Pakiusap ko sa kanya. Sa inis, ay ginulo nalang niya ang buhok niya. "Arghhhhh!! Sige na, sige na bilisan mo! Malelate na ako!!"
  
           Napangiti naman ako at sumakay na ako sa kotse niya. Habang nagse-seatbelt ako, narinig kong bumulong siya sa sarili niya. "Psh, first day, first day malelate ako..". Tumingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "May sinasabi ka?"
 
           Tinignan niya ako ng masama. "Wala!" Inis na sigaw niya saakin at stinart na ang kotse niya. Habang bumabyahe ay nag-pakilala ako sa kanya. "Ah! Kuya, ako nga pala si Aliya! Aliya Marquez!!" Bahagya niya akong tinignan. "Wala akong pakealam. Pati, wag kang mag-pakilala kahit kanino dahil baka masamang tao ang kaharap mo." Malamig na sabi niya. "At saka, pwede ba? Wag mo akong tawagin na kuya? Hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng eded natin!! Tingin ko tuloy ang tanda ko."

           "Ay grabe.. Ang sungit ni kuya.. Akala mo naman kung sinong gwapo." Bulong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka?!" "Hehehehe wala po..." "Tsk! Hindi na importante kung sino ako dahil nandito na tayo." Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang malaking gate ng unibersidad na may nakaukit na,

"Leondale University"

Call Me AATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon