Chapter 6

1 0 0
                                    

"When someone threatens you, don't say "Why me?" Say "Try me"
---------------------------------------------------

Mabilis natapos ang araw at... RIIIINNNNGGG! Yeeeess! "Woah! Grabe 'no?" Tanong saakin ni Anli. "Ang first day yata ang pinaka-matagal na araw no?" Mahina naman akong napatawa dahil sa pagka-O.A niya, pero, I have to say, tama siya. "Oh siya, punta na ako sa parking lot ha?" Sabi saakin ni Anli. 'Tch! Buti pa siya, pinayagan nang mag-drive, pero ako?! Hiesh!' Sabi ko sa isipan ko.

"Sige! Mag-lalakad na ako pauwi! See you tommorow, Anli!" Sabi ko at kumaway. Kumaway din siya saakin, "See you too, AA!" At nag- separate na kami. Nag-lalakad ako sa sidewalk, nang may bumusina saaking kotse. Si Anli lang pala iyon. Kumaway ako at mag-patuloy na sa pag-lalakad. Tumingin ako sa relo ko, 5:30 na. Maaga pa naman ng konti. Tumigil ako bigla sa pag-lalakad at tumingin-tingin ako sa paligid ko, napamura ako. "Shyet! 'Langya!" Yes, you guessed it! Nakalimutan ko ang daan pauwi, hindi ko naman talaga alam in the first place. So, I seek help from.... Mother Google!

Nilabas ko ang cellphone ko at sinimulan nang sundan ang instructions na pinapakita sa Google Maps. Paminsan-minsan ay may mababangga akong tao dahil hindi ko na pinapansin ang dinadaanan ko, but hey? Nag-sosorry naman ako. Nag-lakad pa ako for some time until kinailangan ko nang tumawid. Tumingin ako this time, I swear. Nang malapit na ako sa kabilang side walk at nakita ko naman na walang sasakyan kaya hindi na ako tumingin at nag-derederetso nalang sa pag-lalakad, but I immediately regretted it because as soon as I looked away from the streets, I heard a deafening

BEEEEEPPPP!!

**************************************

I screamed, as in, alam niyo yun sigaw na parang na nahuhulog ka? Ganoon! Nakaka-bingi! Pero, I was incredibly surprised to see a very familliar red car. Lumabas ang driver at mukhang nagulat din siya nang makita ako. Kumunot ang noo niya, at bakas sa mukha niya ang pagka-irita. "Talagang nag-papakamatay ka ba, ha babae? Kung gusto mong ako mismo ang papatay sayo, mag-sabi ka lang. Ok lang din naman." Sabi ni Louie. 'Yan ang special nickname ni Ezykhiel. Nag-simula na siyang pumasok ulit sa kotse niya para ituloy ang binabalak niya.

"Ho-hoy! Babanggain mo ba talaga ako, ha?! Loko ka! Hindi ko naman kasalanan na ikaw ulit ang muntik nang maka-bangga saakin! At isa pa, Aliya ang pangalan ko ta hindi babae, kaya wag na wag mo akong i-hoy hoy! Letse ka! Dapt talaga kamalasan ang pangalan mo!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong pake-alam kung pinag-titinginan na kami ng mga tao. Mabuti nalang at halos walang kotse sa daan para makapag-away kami ng mabuti.

"Wow ha?! Swerte ka nga at tumigil pa ako dahil panigurado pag hindi, ay hindi ka na humihinga ako. At excuse me, hindi kamalasan ang pangalan ko! For your information, ang ganda kaya ng pangalan ko! I'm sure na alam mo na- you know what? Never mind! Aalis na ako!" Sigaw niya. Napa-ngisi naman ako nang may pumasok na nakakalokong idea sa isipan ko. "Wait, Ezykhiel!" Habol ko sa kanya. Inis naman siyang lumingon saakin na nakataas ang kilay. Ngumiti muna ako at nag-hintay bago ko sabihin ang sasabihin ko para May SUSPENSE!

"Kuya, este Ezykhiel, pwede ba akong makisakay?" Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon alam mo yung itsura na parang gusto mong sumigaw at mag-wala pero masyadong nakaka-hiya dahil masyadong maraming tao? Ganoon! Hindi ko na napigilan ang tawa ko at lumabas na siya sa bibig ko. "Tch, ano bang problema mo ha?" Inis na tanong niya saakin. Tawa parin ako nang tawa nang bigla kong naramdaman na parang nag-coconstrict ang throat ko at naninikip ang dibdib ko, kaya naman ay nahirapan akong huminga. Napa-hawak naman ako sa dibdib ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. I saw worry briefly flash through Louie's eyes but they quickly disappeared. I was wondering why he was worried, since I'm sure that my little episode went by unnoticed, when I saw that I was kneeling down, clutching my chest so tightly, that my uniform became crinkled, and I was clearly struggling to breathe.

Kaagad naman akong tumayo nang mapansin kong naka-tingin parin si Ezykhiel. Nang makatayo na ako nang maayos ay kaagad namang lumapit saaki si Louie at tinanong, "Okay ka lang ba, A?" Nginitian ko siya. "Wow ha? A? Close tayo? At oo, ayos lang ako, Louie. Nahirapan lang akong huminga ng konti." Sagot ko naman sakanya. "So, ano na? Sasabay ako sayo pauwi o, hahayaan mo ako dito mamatay at mabangga ng ibang kotse?" "Tch, oh sigeh na! Langya kinonsensya mo pa ako! Pasalamat ka at mabait ako kung hindi, na! Sige na, pasok!" Sabi niya at pumasok na kami sa kotse niya.

Note: Lahat ng quotes na ginagamit ko ay hindi saakin.

Call Me AATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon