Prolouge

10 0 0
                                    

             Nag-lalakad ako papunta sa isang puting pinto. Ngunit hindi ko naaalala kung paano ako naka-punta rito. Bago ako kumatok sa puting pinto ay tumingin muna ako sa aking paligid, lahat ay kulay puti, maaliwalas at malinis ang paligid ngunit napansin ko na wala nang ibang bagay sa paligid kundi ang punting pinto na ngayo'y nasa aking harapan.

Napansin ko din na ako lang ang tao sa paligid. Kumatok ako sa pinto na nasa harapan ko ngayon. *Knock* *Knock*, ang katok lamang na iyon ang narinig ko at parang nag-echo siya sa paligid ko. Nabigla ako nang may isang babae ang nagbukas.

"Ah! Pasok, pasok!! Kay tagal na nang huli akong nagkaroon ng bisita! Halika!" Pinapasok niya ako na animo'y nagmamadali.

"Umupo ka muna at kukunan kita ng biscuit at juice!" Sabi niya saakin kaya naman ay umupo ako sa sofa na nandoon.

Tumingin-tingin ako sa paligid ko at may nakita akong larawan ng mga tao, ngunit bago pa man ako maka-tayo mula saaking kinauupuan ko ay dumating na ang babae na may dalang pagkain at inumin.

"Kuha ka lang.." Nakangiting sambit niya. Nang umupo siya sa sofa na nasa harapan ko, saka ko lang siya natignan ng maayos. Naka-suot siya ng puting damit na umaabot hanggang sa sahig at may gandang kamangha-mangha.

"Batid ko na  kung bakit ka nandito.. Nais mong makarinig ng kwento, hindi ba?" Tumango ako. Mahina siyang tumawa. "Hindi ikaw ang unang nilalang na humingi saakin ng kwento, kaya makinig kang mabiti, dahil iba-iba ang kwentong sinasabi ko sa iba't-ibang tao, kung kaya't ngayon ko lamang ikwekwento ang kwentong ito."

Call Me AATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon