Chapter 7

1 0 0
                                        

   "Sometimes, we have to go through the dark to see the light at the end of the tunnel."
------------------------------------------------------

            Nasa loob ako ng kotse ni Louie nang tanongin ko siya, "Siya nga pala, bakit ka mabait saakin ha Louie?" Hindi niya ako pinansin. Nang kinurot ko siya sa braso niya, ay saka lang niya ako pinansin. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatingin sa daan. "Tinatanong kita, tapos hindi mo ako pinapansin?!" Sabi ko sa kanya.

          "Bakit? As far as I know, wala namang may pangalan na 'Louie' dito sa loob ng kotse, ah? Unless may multo dito." I glared at him. "Sino pa ba ang kausap ko kundi ikaw? Gusto mo un seat belt ang kausapin ko? Pwede din naman!" Inis na sabi ko sa kanya. "Tch, bakit ba kasi 'Louie' ang tawag mo saakin? Parang pang bakla!" Sabi niya habang naka-kunot ang noo. "Aish, pasalamat ka nalang at binigyan kita nv nick name." I said under my breath. "Anyway, ang tanong ko is, bakit ka mabait saakin?" Tanong ko sa kanya and I swear I saw the corners of his lips go up. "Pasalamat ka nalang at mabait ako sayo! Tsaka, iniisip ko lang na pag namatay ka, ako ang isa sa mga huling nakasama mo! Baka maaresto pa ako! Hay nako, napaka-swerte mo at nakasakay ka dito sa baby ko, at sa kotse pa ng isang Ianthrou na katulad ko!" Sabi niya saakin. "Ok, ok! Kalma lang, Lou. Saka, wait lang, ako palang ba ang nakasakay dito sa kotse mong napaka-pula?" Tanong ko sakanya.

             "Iniinsulto mo ba ang pagka-pula ng kotse ko?" Tanong niya saakin at bahagya akong tinignan. Nainis naman ako. "Sa lahat ba naman ng sinabi ko, un lang ang narinig mo?" Tinawanan niya lang ako. "Chill lang, A! Bakit ba ang init-init ng ulo mo? Oo, ikaw palang ang naka-sakay dito sa kotse kong napaka-ganda!" "Kahit si Chris hindi pa nakasakay dito?" Tanong ko. Nakita ko namang tumaas ang kilay niya. "'Diba bago ka palang dito? Paano mo nakilala si Chris? Stino-stalk mo ba ako? Alam ko namang gwapo ako pero wag naman sana-" "Wait!" Sabi ko bago niya pa matapos ang sasabihin niya. "Nakwento lang saakin ng kaibigan ko. Yuck! Akala mo naman kung sinong gwapo..."

              "Aich, oo, hindi pa nakaka-sakay dito si Chris. At bago ka pa mag-tanong, saan muna ang bahay mo, kundi, derederetso lang ako mag-dradrive hanggang sa mahulog tayo sa bangin." At dahil sa sinabi niyang iyon, ay tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay ko. Tahimik lang kami habang bumabyahe, kaya naman naisipan kong mag-tanong tanong kay Louie. "Anong favorite color mo Lou?" "Bakit mo naman natanong?" Tanong niya saakin. "Tch, nangangati kasi ako kung masyadong tahimik ok?!" Natawa naman siya sa sinabi ko.

               "'Wag mo 'nga akong tawanan! Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko!" Inis na sabi ko at nag-cross arms nalang ako para may effect. "Hahaha!" Tawa niya. I looked at him like a curious dog and tilted my head to the side. Napansin niya na tinitignan ko siya at tinaas niya ang kilay niya na parang nag-tatanong kung bakit ako nakatingin sakanya ng ganoon. "Sabi kasi ng iba, cold ka daw at hindi approachable. Ayaw mo daw na lumalapit ang mga babae sayo." "Ano sa tingin mo?" Tanong niya saakin.

              "For me, the reason why you put up a cold facade and build almost impenetrable walls around you is because you're afraid. Afraid to get hurt, you think everyone will hurt you, you're afraid to love once more because you think they will leave you again." Nang sinabi ko sa kanya yan, I saw his eyes turn cold ang harden. So, I decided to loosen up the atmosphere. "Hahahah!" Tawa ko at tinignan naman niya ako na parang wierdo. "Wait lang, nag tanong lang ako kung anong paborito mong kulay, napunta na tayo dito. Grabe napagod ako! Ang layo ng napuntahan ng pinag-uusapan naten!"

              Ngumiti naman siya dahil doon. "Orange." Sabi niya. "Huh?" "Orange ang paborito kong kulay." "Bakit naman?" Tanong ko.

"Because it represents the sunrise. That no matter how long, how dark, and how hard the night is, in the end, morning will come and light up the world. For me, it represents hope."

Call Me AATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon