1

17 2 0
                                        


"Kung hindi lang talaga ako tumatanda,naku hindi ako magre-resign." reklamo ni Manang Soleng.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga reklamo niya simula nang sunduin niya ako. Ewan ko ba dyan,hindi maka-move on na mapapalitan ko na siya sa trabaho niya.

"Kaya ikaw Quinn,ayusin mo ang trabaho mo dun. Ayaw kong mapahiya kina Madame" usal pa niya. Tumango na lang ako sa kanya.

Ilang beses na ba niyang pinaulit ulit sabihin sa akin na ayusin ko daw? Hindi ko na mabilang. Hindi ko nga maintindihan kung bukal ba sa loob niyang ibigay sa akin ang trabahong yun eh.

"Ilang dekada na akong nagtratrabaho sa mansion na yun. Tapos hanggang dito na lang pala ako. Aba, masyadong nakakaperwisyo sa akin ang pagkakaroon ng marurupok na buto. Jusko!"

Napailing na lang ako sa pagrereklamo niya ulit. Kahit mismong driver ng taxi na sinasakyan namin ay napapailing na lang sa paulit ulit na pagrereklamo ni Manang Soleng.

Oh diba,maging ang driver ay naririndi na sa kanya.

"Manang Soleng mamimiss mo lang ba ako kaya tinatalakan mo ako ng ganyan?"nagbibiro kong sabi sa kanya pero agad naman niya akong hinampas sa braso.

"Ouch naman Manang Soleng!Hindi mo na ba ako love at sinasaktan mo na ako?"reklamo ko at hinimas himas pa ang braso ko.

Ang sadista naman ni Manang Soleng masyado. Nakakahurt siya ha.

"Ikaw talagang bata ka! Napaka-pilya mo talaga!"sabi niya sa akin na ikinatawa ko na lang.

Si Manang Soleng ang naging Lola-lolahan ko simula nang lumipat kami dito sa Castilianya. Tuwing day-off niya sa trabaho niya ay lagi niya akong dinadalaw sa amin. Mabait naman yan si Manang Soleng, minsan nga lang HAHAHA.

Maya-maya pa ay nakarating na kami ng mansyon na dating pinagtratrabahuhan ni Manang Soleng. Tuwang tuwa naman akong bumaba nang taxi at pinagmasdan ang napakalaking bahay.

"Woah!Manang Soleng,hindi mo naman sinabi na ganito pala kalaki itong bahay na ito"sabi ko kay Manang Soleng. Hinihintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig.

Then I realized na wala pala akong kasama. Agad ko namang nilingon ang pinagbabaan namin and----oh no!

"Ay ano Quinn?Balak mo talagang ako ang pagdalhin ng mga gamit mo ha?!Aba,mahiya ka naman sa akin. Ang tanda-tanda ko na nga hindi ka man lang naawa!" napakamot na lang ako sa batok ko nang marinig ko ang bulyaw niya sa akin.

"Highblood agad?Ganyan ba talaga kapag mga gurang?" sabi ko at kinuha sa kanya ang mga gamit ko.

"Anong binu-bulong bulong mo dyan ha?"

"Gurang ka--ay este hindi kumukupas ang ganda mo hehehe"sabi ko sa kanya. Napakagat labi na lang ako nang makita kong malapit na siyang sumabog. Patay!

"ANONG SABI MO?!"

"Paulit-ulit Manang Soleng?Bingi lang?Huwag ka mag-alala Manang Soleng ganyan naman na talaga kapag tumatanda,nabibingi HAHAHA"

Napalunok ako nang bigla niyang tinagtag ang tsinelas niya at handa na akong paluin pero kumaripas agad ako nang takbo.

"Waaaaah!Manang Soleng bati tayo diba?Atsaka Manang Soleng malaki na ako para dyan waah!" sigaw ko habang patuloy tumatakbo papasok nang mansyon. Natawa na lang yung guard sa amin. Hindi man lang ba nila aawatin yung dragon kong lola?

"Ikaw talagang bata ka!Wala ka na ngang galang,masasama pang salita ang lumalabas sa bibig mo!Huwag ka lang magpapa-abot sa akin at papaluin ko yang bibig mong bata ka!"

Totoo naman yung sinabi ko ah,ano naman kaya ang masama dun? Si Manang Soleng talaga!

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa mabunggo ako sa matigas na pader.

You Captivated my heartWhere stories live. Discover now