5

5 2 0
                                        


"Quinn,labhan mo rin daw ito sabi ni Young Master Xylan" napatingin ako sa basket na may lamang marumi at gamit na damit na dala ni Ate Kelly,isa sa mga katulong dito.

"Atsaka huwag ka daw gagamit ng washing machine sa paglaba. Mukhang kailangan kusutin mo lahat nang ito"dagdag pa niya samatalang ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Ang sama talaga nang lalaking yun. Limang malalaking basket at punong puno pa ng maruruming damit ang pinapalaba niya sa akin ah. Kawawa ang kamay ko nito HUHUHU.

"Grabe," yun na lang ang nasabi ko at napabuntong hininga na lang.

Ang dami naman. Kulang na lang yata lahat ng damit na meron siya ay ipalaba na niya sa akin e.

"Ilalagay ko na dito ha,pasensya ka na kung hindi kita matutulungan kasi utos din niya na huwag kang tulungan. Ano bang ginawa mo at parang pinaparusahan ka nun?"

Napasimangot na lang ako nang maalala ko ang posibleng dahilan kung bakit ganito ang pinapagawa niya sa akin.

~flashback~

"Anong pagkain?"naghihintay niyang sabi. Pero feel ko konti na lang sasabog na naman ito sa sobrang inis. Makasagot na nga.

"Pwedeng ikaw na lang"

Muntikan pang tumama ang ulo ko sa kung saan buti na lang naka seat belt ako. Heto naman kasing si Xylan bigla bigla kung prumeno.

"WHAT THE HELL AROURA?! Gusto mong ako na lang ang kainin mo?! Alam mo ba yang pinag sasabi mo?!"

Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sigaw niya sa akin. Gulat pa akong napatingin sa kanya habang nakakunot pa ang noo. Grabe naman kasi mga sis,galit na galit na naman siya. Hindi naman kailangan sumigaw e. At saka anong sabi niya?Kainin siya?

"Wala namang masama sa sinabi ko ah" inosente kong sabi at inisip pa kung saan may mali sa sinabi ko para magalit siya nang ganyan.

"ANONG WALA?!Mag-isip ka nga!"inis niyang sabi at ginulo pa ang buhok niya. Ehh?

Wala naman talagang masama sa sinabi ko a. Ayaw naman niya kasi ng fishball kaya naisip ko siya na lang. Total ayaw niya na street foods ang kakainin ko edi siya na lang. Siya na lang pumili.

"Wala naman talagang masama sa sinabi kong 'ikaw na lang' ah"sabi ko pa sa kanya pero napakunot naman ang noo ko nang makita kong pinagpapawisan siya. Ganun ba kainit?

"Shit!"singhal niya at pinunasan niya ng panyo ang pawis niya pero pinagpapawisan pa rin talaga siya. Anong nangyari dito?

"Ehh wala naman talagang masama sa sinabi ko ah. Ayaw mo kasi nang street foods kaya naisip ko na ikaw na lang. Naisip ko na ikaw na lang pumili nang pagkain. Kaya tinanong kita kung pwedeng ikaw na lang"

Napanganga naman siya sa sinabi ko kaya lalo akong nagtaka. Mukhang disappointed pa siya mga sis. Ano bang iniisip niya?

"The fvck!"sabi niya at pinaandar na ang kotse.

"Don't say bad words hahaha. Saan tayo kakain?"excited ko pang sabi pero salubong lang ang kilay niya habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Grabe mga sis!Byaheng langit,Lord ayaw ko pa pong mamamatay.

"Shut up Woman!Hindi na tayo kakain bwiset!"inis niya pang sabi kaya agad akong napatingin sa kanya at aangal sana pero katakot yung aura niya. Kaloka! Ano na naman kaya pinuputok ng butsi nito?

Haysss. Gutom pa naman ako. Panira talaga ang lalaking ito.

~End of Flashback~

"Baliw ka  talagang bata ka,huwag mo kasi paaasahin ay este huwag mong galitin para di pinapagtrabaho ng ganyan"tumatawang sabi ni Ate kelly kaya napangiwi na lang ako. Ang pangit nang tawa niya mga sis,pang kontrabidang halakhak.

Nababaliw na siguro si Ate Kelly. Wala namang nakakatawa sa kwento ko ih. Nakakatawa ba yung hindi kami kumain ni Xylan? Gutom na gutom kaya ako nun. Tapos tatawanan lang ako ni ate Kelly?

"Para kang timang Ate Kelly"komento ko kaya natigil siya sa pag halakhak at nakaawang ang bibig nang tingnan ako. Ehh?

"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Nabibingi na siguro ito si Ate Kelly. Parang si Manang Soleng lang.

"Nabibingi ka na rin ba Ate Kelly? Siguro kaedad mo  si Manang Soleng,bingi na rin kasi yun e"

“Tse! Makaalis na nga!" inis niyang sabi at iniwan ako dito sa laundry room. Napailing naman ako. Nababaliw na nga siguro si Ate Kelly, nagtataray na lang kasi bigla.

Hayss. Makapagsimula na nga lang maglaba. Nakakainis naman kasi si Xylan,kung magpalaba nang mga damit panglahatan na.

After 982762663729209280008272 years...charot lang hahaha nakatapos rin ako sa paglalaba. Akala ko nga hindi na matatapos buti na lang at bumalik si Ate Kelly para maawa sa akin hahahah. Pinagamit na niya sa akin yung washing machine kaya mabilis din ako nakatapos.

"What happened to you?You look like..." napangiwi na lang ako kay Ashley nang tingnan niya akong parang hindi ako mamukhaan sa sobrang haggard ng beauty ko.

"Yan kasing kuya mo,limang basket na damit ba naman ang ipalaba sa akin" pagsususmbong ko pa kaya agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ng kuya niya.

Hindi ba siya aware na ang sama talaga ng ugali ng kuya niya?Feel ko nga ampon lang si Xylan kasi ang bait talaga ng magulang at kapatid niya. Siya lang hindi.

"What the! Pinagawa niya yun?!"gulat niyang tanong sa akin at umiling iling pa sa pagkadismaya sa kuya niya.

"Oo kaya tingnan mo naman ang beauty ko,sobrang losyang ko na. Kahaggard. Hmp! Pasalamat yang kuya mo at hindi siya gwapo kaya hindi ko kailangan ilantaran ang beauty ko dito sa mansyon" inis kong sabi pero tumawa lang si Ashley at hinampas hampas pa ako sa braso.

Luhh? Kailangang manghampas? At saka anong nakakatawa? May saltik din ang isang ito.

"You're so funny Ate Quinn" natatawa pa niyang sabi.Agad namang napakunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin.

"Anong tinawag mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Ate Quinn"

"Bakit?"

"Because you're 3 years older than me?I'm just 18 if you don't know hahaha"

"18 ka pa lang? Akala ko sixteen ka pa lang"

"Hahaha really?"

"Oo haha ang tanda mo na pala" sabi ko at napakamot pa sa ulo nang marealize ko na 18 na pala talaga siya.

Bigla namang nagbago ang expression ni Ashley. Alam niyo yung mukhang nadismaya or pinaasa?ganun ang mukha niya ngayon.

Bakit kaya?May nasabi ba akong mali? Wala naman siguro haha. Baka narealize din siguro niya na maganda talaga ako.

"Ate you're so harsh"sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Ehh?Hindi kaya. Nagsasabi lang ako ng totoo" sabi ko pa at inisip pa kung anong harsh sa sinabi ko.

Ang gulo naman kausap nitong si Ashley. Hayst.

"Ay nako Ate Quinn" umiling iling niyang saad kaya napakunot ang noo ko.

"Nababaliw ka na yata Ashley,dyan ka na nga at kailangan ko nang tulungan magluto si Ate Kelly"sabi ko at iniwan na siya.

Anggulo niya kausap eh. Nosebleed na nga ako sa pag-english niya sa akin. Kawawa braincells ko talaga kapag si Ashley kausap ko.

You Captivated my heartWhere stories live. Discover now