3

7 2 0
                                        


"Hoy babae anong ginagawa mo dyan?"napapikit na lang ako ng marinig ko ang boses ni Xylan.

Nandito pa rin ako sa garden kasi napaka-relaxing talaga dito. Kaysa naman mag-tambay ako sa kwarto ko,wala naman akong gagawin dun kundi humiga at makipatitigan sa kisame. Nakakabaliw yun uy.

"Hoy,tinatanong kita!" sabi pa niya at lumapit pa sa kinauupuan ko. Kunot-noo akong lumingon sa kanya kaya napataas ang kilay niya.

"Ikaw?Bakit ka nandito?"balik kong tanong sa kanya.

"Bahay ko ito!Kaya pupunta ako kahit saan ko gusto"mayabang niyang sabi kaya napangisi na lang ako.

"Ahh talaga ba?Akala ko namiss mo na ako e,kaya nilapitan mo ako"mapang asar kong sabi. Hindi ako pwedeng magpatalo dito sa lalaking ito,kota na siya sa paninira ng araw ko e.

"Tsk,sinong makakamiss sa salbahe mong bibig?"singhal niya.

Ay grabe! Salbahe talaga?

"Ikaw,sino pa ba?"

"Never"

"Naku,indenial ka lang."

"Bakit naman kita mamimiss ha?"

"Maganda kasi ako" confident kong sabi at ginaya pa ang pagflip ng hair nang mga babae sa commercial ng Palmolive. Kailangan yun,para bongga.

"Tsk."

Ang tipid ha. Para namang ikahihirap niya ang pagsasalita. Jusko!

"Aminin mo na kasi na namiss mo ako"pangungulit ko pa sa kanya kaya salubong na naman ang kilay niya nang tingnan niya ako.

"Shut up,Aurora Quinn!You're so noisy!"inis pa niyang sabi sa akin.

Nosebleed na mga sis. Pero teka,tinawag ba niya ako sa buo kong pangalan?

"Paano mo nalaman ang buo kong pangalan?"nagtataka kong tanong sa kanya. Ang sinabi ko lang kasing pangalan ko ay Quinn Zamora. Hindi ko binanggit sa kanila ang buo kong pangalan na Aurora Quinn Zamora.

"It's none of your business"masungit niyang sabi at naglakad na palayo sa akin. Sinundan ko naman siya kasi nagtataka talaga ako kung paano niya nalaman ang buo kong pangalan.

"Paano mo nga---"Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay sinungitan niya agad ako.

"Wala nga yun!" sabi niya na ikisinamangot ko. Kumululo na naman ang dugo nito for sure. Sabagay,hindi pa ako nasanay.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin?"inosente kong tanong ko sa kanya.

"Ikaw?Bakit ba ang ingay mo?!"inis niyang sabi sa akin at ginulo pa ang buhok niya sa sobrang inis. Ganun ba siya naiinis sa akin?Ibang klase.

Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Malay ko ba kung bakit ako maingay, since birth na yata ito. HAHAHA. Naalala ko tuloy bigla ang nanay ko. Kamusta na kaya yun?

"Ganito talaga ako e,may magagawa ba ako?"natatawa kong sagot sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Nanatili siyang ganun kaya ngumiti lang ako nang malawak sa kanya.

"Sige,ipagtitimpla na kita ng kape"masigla kong sabi at iniwan na siya para pumunta sa kusina at ipagtimpla siya ng kape.

Pagkatapos ko magtimpla ng kape ay dinala ko na ito sa kung nasaan si Xylan. Nasa living area na siya at nakatutok na naman sa laptop niya,kaya dahan dahan kong ibinaba sa coffee table ang kape.

"Oh ito na yung kape mo,made by me syempre fresh from the heart"sabi ko at humagikgik pa pero tiningnan niya lang ako tapos binalik na ang tingin sa laptop niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko at iniwan na siya dun.

You Captivated my heartWhere stories live. Discover now