Maganda ang araw ngayon. Isang masayang araw para sa mga taga-Castilianya. Pero sa akin ba? Magiging masaya din kaya?
Humugot ako ng malalim na hininga at pinagmasdan ang isang bahay na ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko ngayon.
Luma na ang bahay. Wala itong palapag dahil angkop lang ito para sa apat na tao o sa isang maliit na pamilya. Ito ang bahay namin. Ang mga katabing bahay naman ay ganun din. May ilan kang makikitang tambay sa tindahan ni Aling Rosa at nag-iinuman ng ganito kaaga. Sa kabilang dako naman ay may ilang kalalakihan na nag sisigarilyo. May makikita ka ring nagsusugal at nagvi-videooke. May mag-asawa pang nagsisigawan at nag-aaway. Dahilan para magtipon-tipon muli ang mga pakialamera at chismosa. Ang mga bata naman ay naglalaro ng mga larong kalye na walang suot na sapin sa mga paa at kapwa madudungis.
Ano bang lugar ito? Ito ang lugar kung saan ako lumaki. Sa mahirap na pamumuhay. Ang mundo kung saan hindi ka makakahinga dahil sa mga nakapaligid sayo.
Dumako muli ang tingin ko sa bahay namin. Ganun pa din ito. Walang pagbabago.
"ANO BA YAN, TALO NA NGA AKO SA SUGAL TAPOS WALA PA AKONG MAAABUTANG PAGKAIN SA HAPAG!"
Nagsugal na naman ba siya?
Hindi ba niya naaasikaso ang mga kapatid ko?
"Sorry po Ma. H-hindi pa rin naman po kami kumakain" rinig kong sambit ni Deztyn.
"SORRY SORRY, MAGLUTO KA NA!"
Mama, bakit ganyan ka?
"Pero Ma, wala na tayong---aray ko Mama. M-masakit po"rinig kong daing ni Deztyn kaya napatakbo na ako sa loob ng bahay at naabutan kong pinapalo na naman ni mama ang 13 years old kong kapatid. Samantalang ang dalawang kapatid ko pa ay umiiyak sa isang sulok. Si Abegail na 8 years old at si Nathan na 3 years old lang.
"SASAGOT-SAGOT KA PA HA!"sabi ni Mama at akmang sasaktan na naman ang kapatid ko ng awatin ko siya.
"Ma ano ba? Nasasaktan na ang kapatid ko" sabi ko sa kanya. Bakas pa ang gulat sa mga mata niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at niyakap si Deztyn na umiiyak na rin.
"Okay ka lang ba ha? Masakit ba?" Nag-aalala kong tanong. Umiling lang siya kahit alam ko namang masakit yun.
Minsan talaga ang bobo ko. Bakit ko pa tinanong e obvious naman. Aynako Quinn!
"Aba buti naisipan mo pang umuwi, nasaan na ang pera?" Tanong sa akin ni Mama habang hawak pa rin ang sinturon na pinampalo niya kay Deztyn kanina.
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Mama. Ano daw? Pera? May utang ba ako sa kanya? Charr lang.
"Ma hindi ko pwedeng ibigay basta sayo yung sweldo ko. Alam mo namang pang-tuition fee ko yun" angil ko.
"Wala akong pakealam. Bakit naman kasi mag-aaral ka pa ha? E puro kalokohan lang naman ang alam mo!Kaya akina yang pera nang mapakinabangan man lang. Aba maayos ding ipang-sugal yan mamaya, malay mo madagdagan"
"Ma hindi nga pwede! Kahit ganito ako, mag-aaral ako. Magtatapos ako ng pag-aaral. May mali ba sa pangarap ko Mama? Kasi wala namang masama na mangarap e. Isang taon na lang titiisin ko, ga-graduate na ako. Kaya Ma please lang huwag mo nang kunin yung ipon ko" sabi ko.
Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa. After all she's my mom.
"Ang drama mo masyado. Ibigay mo na lang. Aba nanay mo ako kaya akina yan" pagpupumilit niya.
"Tapos ano? Ipang susugal mo? Ipang iinom? Imbis na pambili nang makakain niyo dito nauuwi pa sa wala. Yung dapat na pangtustos sa araw araw lagi mo na lang ipinang susugal or pinang tutostos sa bisyo mo. Paano naman ang mga kapatid ko? Tingnan mo ang papayat na nila oh. Hindi ko na ba alam kung matatawag pa ba kitang Ina o hin----"

YOU ARE READING
You Captivated my heart
Teen FictionOkay pa ako nung una. Ayos pa naman ang lahat. Pero nagbago ang lahat nang pumasok ako bilang katulong sa mansion na yun...