7

2 0 0
                                        


"Hija, ilang weeks na lang pasukan niyo na. Sa pasukan ba, mamamasukan ka pa dito? I know it will be hard for you na pagsabayin ang study mo and your work"

Tumingin ako kay Madame Salazar at napakamot pa sa ulo kung ano nga ba ang desisyon ko sa buhay. Nakaipon na rin naman ako kahit papaano. Siguro magiging sapat na rin yun pang tuition fee ko. Maghahanap na lang ulit ako ng part time job if magkulang man.

"Gusto ko man pong mag-stay pa dito pero Tita wala na po akong trabahong matatapos dito kung isasabay ko sa pag-aaral ko yun" nahihiya kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin bago humigop ng kape niya.

Ako naman ay pinagpatuloy ang paghahanda ng almusal nila. Masyado lang maagang nagising si Madame kaya naabutan niya akong naghahanda dito.

"Pero Hija, try mo ring magsabi sa parents mo na you'll stay here. Do you still remember our offer to you? Willing kaming pag-aralin ka hija" sabi niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko. I'm willing to accept their offer pero ang magsabi kay Mama? I don't think so na papayagan niya ako. Kung hindi pa dahil kay Manang Soleng ay hindi rin ako makakapagtrabaho ngayong bakasyon.

"Pag-iisipan ko po Tita" sabi ko na lang at tumungo pa ng bahagya. Kahit sobrang ganda ko marunong ako rumespeto at gumalang.

"Tomorrow is your day off right? Why don't you pay a visit to your family? I'm sure miss ka na nila. Pag-isipan mo ang offer ko hija. You're a family to us, that's why were doing this" nakangiti niya pang saad bago ako iniwan dito sa kusina.

Huminga naman ako ng malalim dahil sa sinabi ni Madame Salazar. Hindi ko nga naiisip na umuwi sa amin e. Then pauuwiin ako bukas. Ilang linggo o buwan ko na bang hindi nakikita ang pamilya ko? Maybe a month and a half?

Hayss. May nagbago kaya? o ganun pa rin? For sure ganun pa rin ang maaabutan ko sa bahay.

"Tss. Anong mukha yan?" Napabalik lang ako sa katinuan ng marinig ko magsalita si Xylan. Kapapasok niya lang ng dining area at kunot-noo akong tinitingnan.

Hindi ko siya pinansin at inihanda na lang ang plato niya. Pinagtimpla ko rin siya ng kape para mainitan naman ang sikmura niya.

Naalala ko na naman tuloy ang pangyayari kahapon. Siya ang sumalo sa akin nung ma-out of balance ako sa gulat. Nakakahiya man sa kanya pero mas nangibabaw sa akin ang sobrang bilis na tibok ng puso.

"Kumain na po kayo Sir" sabi ko at tumungo pa ng bahagya bago siya iwan roon. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako ay may kung anong pwersa na humila sa akin pabalik kay Xylan.

Ano na naman ba ito? Umiiwas na nga e.

Hawak hawak niya ang braso ko at tiningnan ako ng may pag-aaalala. Kumunot pa ang noo niya ng bahagya. Ako naman ay nagtaka sa kinilos niya. Aware ba siya na kapag hindi siya nagsusungit ay ang bilis ng tibok ng puso ko? Nakakaloka siya. Nagkakasakit ako sa puso kapag malapit siya.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Teka nga lang. Maging ang pagsalita ko ay nakikisama sa puso ko. Parang may mali.

"Sigawan mo ako" sabi niya at binitawan na ako para makakain na siya.

Ano daw? Sisigawan ko siya? Ang weird naman nung wish niya. Grabe. Bakit kaya?

"Ano pang tinutunganga mo dyan? Sigawan mo na ako. Mas better kung aasarin mo na rin ako like 'Bakit ba ang sungit sungit mo ha?' 'Ang sungit mo Xylan' so gawin mo na" panggagaya niya pa sa paraan ko ng pagsasalita sa tuwing nagtatalo kami. Natawa na lang ako. Kakaloka siya.

Mas gusto niya pang nakikipagtalo sa akin. HAHAHA.Napatigil na lang ako sa pagtawa nang mag-salita ulit siya.

" Hindi bagay sayo ang nakasimangot. You are more beautiful when you're laughing. Maybe it sounds corny but your laugh is like a lullaby to me"

You Captivated my heartWhere stories live. Discover now