"Saan ka pupunta?" akmang lalabas na ako ng office nang mapaharap ako kay Xylan ng tanungin niya ako nun.
"Uuwi na"sabi ko at tinalikuran na siya para lumabas pero natigilan na naman ako ng magsalita siya.
"Bakit?"
"Sabi lang naman sa akin ni Mommy mo,hatiran lang kita ng pagkain"
"Dito ka lang. Sabay tayong uuwi" sabi niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niyang yun kaya lumingon ulit ako sa kanya.
Bakit naman niya ako isasabay pauwi?Samantalang kapag nasa bahay kami kulang na lang palayasin niya ako sa bahay nila.
"Ayoko. Uuwi na ako" sabi ko at tuluyan nang lumabas ng office niya. Hindi ko na carry kasi ang atmosphere sa loob simula kanina. Hindi ko nga sure kung si Xylan ba yung kausap ko kanina o hindi eh.
Kasi naman mga sis bakit ganun siya?Dapat sa mga oras na ito inaaway niya ako or di kaya pinalayas niya na ako kasi naiirita siya sa akin.
Binabangungot yata ako,jusko!
Umiling iling ako sa mga nangyari sa akin kanina. Nakakabaliw yun! Binilisan ko ang paglakad ko pero hindi pa ako nakakarating sa elevator ay may humawak agad sa braso ko ng mahigpit.
"Sinabing sa akin ka sasabay pauwi!Bakit ba ang kulit mo?!"inis niyang sabi sa akin at hinila ako sa may office niya pero nagpumiglas lang ako.
Ang sakit na kaya ng braso ko. Ikaw ba naman kanina pa hinihila. Aish!
"Bitawan mo nga ako!Gusto ko na ngang umuwi!"sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at hinarap ako na salubong ang mga kilay.
"No. Dito ka lang!" inis niyang sabi habang nakapamewang pa. Napalunok na lang ako sa kaba idagdag pa ang mga tingin ng employee niya.
"Bakit ba kasi ayaw mo akong pauwiin?"nagtataka kong tanong sa kanya kaya napatigil siya na para bang hindi rin niya alam kung bakit.
Gusto ko na ngang umuwi eh,ayaw naman niya. Kapag nasa bahay naman kami,gusto niya akong paalisin. Ang gulo talaga ng utak nito.
Siguro mamimiss niya ako kaya ayaw niya akong pauwiin agad HAHAHA!
"B-basta sa akin ka na sumabay pauwi" nauutal niyang sabi kaya napangisi na lang ako at tinusok tusok pa ng daliri ko ang tagiliran niya.
"Ikaw ha,mamimiss mo ako noh?Ayieeee"pang-aasar ko pa sa kanya kaya ang ending nakatanggap na naman ako ng death glare niya.
"Shut up Woman!Wala akong panahon sa mga biro mo"sabi niya at tinalikuran na ako para pumasok sa office niya. Napaismid na lang ako.
"Ang sungit"sabi ko na lang at napatingin pa sa mga employee na kanina pa pala kami pinapanood. Nginitian ko lang sila pero hindi nila ako pinansin at bumalik na lang sa trabaho nila.
Hayss. Maging mga empleyado niya,katulad niya rin. Nakakahawa talaga yung pagiging beast mode lagi ng lalaking yun.
"Ano pang ginagawa mo dyan?Pumasok ka na!"halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Xylan na nakadungaw pa sa pinto. Tinalikuran ko lang siya para makaalis na ako sa company niya. Kala niya ha.
"Uuwi na----"
"ISA!"
"Ayoko---"
"AURORA QUINN!" agad akong napalingon sa kanya at umayos ng tayo nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan. Galit na siya mga sis!
"S-sabi ko nga papasok na ako at hihintayin kita matapos sa trabaho mo para sabay tayong makauwi hehehe"kinakabahan ko pang sabi sa kanya pero pinagsaran niya lang ako ng pinto kaya napahawak na lang ako sa dibdib ko.
YOU ARE READING
You Captivated my heart
Fiksi RemajaOkay pa ako nung una. Ayos pa naman ang lahat. Pero nagbago ang lahat nang pumasok ako bilang katulong sa mansion na yun...