"Good Morning Ma'am at Sir"bati ko sa mag-asawang Salazar.Ngumiti naman sila sa akin."Good Morning din hija,mukhang maganda ang gising mo ah"nakangiting sabi sa akin ni Sir Salazar.
"Aba syempre po,maganda po talaga ang gising ko kung mga katulad niyo pong maganda at gwapo ang makikita ko araw-araw"pambobola ko pa sa kanilang dalawa kaya natawa sila. Nilagay ko naman sa harap nila ang kape na ginawa ko.
"Nakakatuwa kang bata ka hahaha,"komento ni Mrs. Salazar sa akin kaya napakamot ako sa batok ko para kunwari nahihiya ako. Konting pakipot lang para bongga.
"By the way Quinn,anong year ka na ba?"tanong naman sa akin ni Sir Salazar.
"Oo nga hija,nabanggit kasi sa amin ni Nanay Soleng na nag-aaral ka pa daw"sabi naman ni Mrs. Salazar.
Ehh?Pumapasok nga ako pero naiiwan yung utak ko sa bahay hahaha. Charot lang.
"4th year na po sa pasukan,Civil Engineering po ang course ko"
Magpa-fiesta ako mamaya,ang galang kong bata eh. For sure kung nandito si Manang Soleng,umiyak na yun kasi magalang na akong bata,yun nga lang hindi sa kanya.
"Woah. That's good. Tamang-tama,Architect si Xylan. Magkakasundo kayo,lalo na at sa mundo ng construction ay laging magkasama ang architect at engineer"
Ganun?parang hindi naman. Lalo na sa lagay namin ni Xylan? Napakaimposible.
"Hon,why not bigyan natin siya ng scholarship?"
Parang nagliwanag naman ang mukha ko sa tanong ni Mrs. Salazar sa asawa niya. Scholarship na yun eh,aayaw pa ba ako.
"Bakit niyo naman bibigyan ng scholarship yan?"tanong nang kadarating lang na si Xylan at humalik pa sa pisngi ni Mama niya then nagmano kay Papa niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang mapadako sa akin ang tingin niya.
Ano na naman kaya problema nito?
Namiss niya ba agad ang kagandahan ko?
Kahapon kasi ay pinasyal ako ni Ashley sa napakalaki nilang bahay then pinakilala niya sa parents niya. At laking pasasalamat ko at hindi nagkrus ang landas namin.
"4th year na siya at nagtratrabaho dito so kaya na niyang igapang ang tuition niya next school year" napasinghap ako sa sinabi niyang yun.
"Hindi naman ikaw ang magbibigay nang scholarship kaya tumahimik ka dyan"
"Ahh talaga?Hindi ako?For your information sa company ko manggagaling ang perang ipang-aaral sayo nina Mommy lalo na at engineering ang course mo"
"Anong connect?Ano naman kung engineering ang course ko?Ano naman kung sa company mo galing?Wala ka naman sa posisyon na yan kung hindi ka pinag-aral nang magulang mo" sabi ko sa kanya. Ang mga parents naman niya ay nagpabalik balik ang tingin sa amin. Naguguluhan siguro sila sa sama ng ugali ng anak nila.
"Aba't sumasagot ka pa" sabi niya at tumayo sa kinauupuan niya at akmang lalapitan ako pero nagtago agad ako sa likod ni Mrs. Salazar na malapit sa akin.
"Ma'am,Sir, yung anak niyo po nang-aaway oh" sumbong ko kina Mr. and Mrs. Salazar na hindi rin alam ang gagawin.
"What the?!" singhal ni Xylan at humawak pa sa nose bridge niya na para bang pinagtitiisan lang niya ako. Nainis siguro siya kasi mas love na ako ng parents niya.
Napakunot naman ang noo ko nang tumawa ang mag-asawa. Ehh? Anong gimik nang mag-asawang ito? Ayaw ba nila akong tulungan sa anak nila?
"Ang cute niyong dalawa" sabi ni Mrs. Salazar. Ngayon lang niya napansin na cute ako?

YOU ARE READING
You Captivated my heart
Novela JuvenilOkay pa ako nung una. Ayos pa naman ang lahat. Pero nagbago ang lahat nang pumasok ako bilang katulong sa mansion na yun...