Taas-noo akong lumakad pagpasok ko ng malaking building. Aba, nung huling pumunta kasi ako dito ay halos ipagtabuyan na ako kaya dapat chin up na ang peg ko. Parang beauty queen ba. Sayang naman ang kagandahan kong taglay kong mahihiya akong pumasok dito.
"Good day Miss, how may I help---kayo po pala Ma'am"-ngiwing sabi nung babaeng pinagbintangan akong budol-budol noon. Nakakaloka siya. Budol budol? Me? No way!
"Maghahatid po ba kayo ng lunch?" Tanong niya sa akin.
Luhh. Ano nga ulit ginagawa ko dito? Myghadd nakalimutan ko. Teka nga. Mag-isip ka Aurora Quinn. Mag-isip ka!
"Hello hehe" sabi ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako. Nababaliw na yata siya mga sis. Kamag-anak siguro ito ni Manang Soleng.
Kakausapin niya sana ulit ako ng biglang may humigit sa akin palabas ng company. Waaaah! Paaalisin na naman ba ako ng guard? Pagbibitangan na naman ba ako na budol budol? Waaaah inosente kaya ako.
"Manong guard wala akong balak na masama. Nakalimutan ko lang naman yung gagawin ko dito manong guard. Waaah huwag niyo po akong paalisin----" pikit mata kong sabi at pinagdaop pa ang palad ko na parang nagmamakaawa pa.
Kaloka naman kasi mga sis. Paaalisin na naman ako ng hindi ko nga alam yung pakay ko.
"What the?! Anong pinagsasabi mo dyan?!"
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang husky na boses na yun. Kinakabahan pa akong iminulat ang mata ko at tumambad sa akin si Xylan na nakapa-mewang sa harap ko habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
"Ikaw pala Sungit hehe" alanganing saad ko at napahawak pa sa buhok ko.
"ANONG SABI MO?" Napatalon pa ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw. May ilan pang napatingin sa amin dahil sa biglaang pag beast mode ng boss nila.
"Kailangang sumigaw ha?"irita kong saad.
"Did you just called me 'sungit'?"
"Ohh? Bakit? Totoo naman ah. Ang sungit mo kaya. Hala. Hindi ka ba informed?" curious kong tanong sa kanya. Inis naman siyang tiningnan ako.
"Tss. Kung masungit ako anong tawag mo sayo? Babaeng masakit sa tainga ang bunganga?Putak ng putak. Manok ka ba ha?"
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Grabe siya magsalita sis. Manok daw ako? Ang layo kaya. Masyado akong maganda para maging manok noh.
"Tse. Kahit anong sabihin mo, maganda ako. Angal ka? May reklamo ka? Aba hanapin mo pake ko" mataray kong sabi sabay flip ng hair.
"Naglolokohan na ba tayo dito, Aurora Quinn?"
"Hala. Hindi naman ako nagjo-joke e."
"Tss. Ano bang ginagawa mo dito ha?"inis niyang sabi at hinilot ang nose bridge niya. Napakamot naman ako sa ulo ko.
Naalala ko na. Pinahahatid nga pala ni Ma'am Salazar yung naiwan na laptop ni Xylan.Hayss.
"Naiwan mo daw laptop mo" ngiwi kong sabi at nilawakan pa lalo ang ngiti sa harap niya. Kumunot naman ang noo niya.
"Ahh yeah. I forgot. Kailangan ko pa naman yun sa board meeting mamaya. Buti pinaalala mo?"
"Sabi ko nga diba? Bingi lang?"
"Tss.Nasaan na?"
"Ang alin?"
"Tss. Laptop syempre"
"Hehe. Yun na nga eh. Naiwan ko sa mansion" sabi ko sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa akin na para ina-process pa niya ang sinabi ko. Hindi ba niya gets?

YOU ARE READING
You Captivated my heart
Ficțiune adolescențiOkay pa ako nung una. Ayos pa naman ang lahat. Pero nagbago ang lahat nang pumasok ako bilang katulong sa mansion na yun...