•|01|• A

13 3 4
                                    

••○••

Ashleigh's Pov

Huh? Don't tell me ako hahanap at magliligtas sa mga teenagers na 'yan? Dapat nasa bahay lang sila!

Napadako naman ang aking tingin sa mga larawang nakalagay sa ibabaw nang upuan. Oh wow! Nandito ako para sa pagkamatay nang magulang ko! Hindi para mag-imbistiga sa pagkawala nang hindi ko kilalang mga "teenagers"

"Ash!" Napalingon ako kay Ace. Pinitik nya agad ang aking noo pagkalapit na pagkalapit nya sa'kin.

Stress na nga ko dito tapos dadagdag pa s'ya!

"Diba ang sabi ko sa'yo, kung gusto mong magpaka SECRET AGENT O IMBISTIGADOR ay isasama mo ako?! Paano kung may mangyaring masama sa'yo? Sabihin mo nga sakin, paano?!" Tinakpan ko ang bibig nya at kinuha ang mga pictures. Oh wow may pangalan pa sa likod nang picture! SALAMAT SAYO GRR!

"What's that?" Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Ace. At tinignan isa isa ang mga larawan.

Napatingin ako sa magandang babaeng nakangiti lang nang simple. Tinignan ko naman ang likuran at natagpuan ang pangalan, edad, address at kung saan huling natagpuan ang biktima.

'Di ko naman inakala na magiging pulis/investigator ako!

"Oh no" napalingon ako kay Ace na nakatingin sa pader. Bumaba ang tingin nya sa aso sa gilid at napakurap kurap pa.

"Ano 'to, Ash?!" Inagaw nya rin sakin ang picture na hawak hawak ko at pinunit 'yon.

"Let's go, Ash. Huwag kang masyadong magpapaniwala. Baka nakasinghot lang ang may gumawa nyan" nanahimik nalang ako habang hinihila nya ko.

Pero paano yung pagkamatay nang parents ko? Hindi pwedeng hindi nila nakakamit ang hustisya.

"Ash" tahimik akong pumasok sa kanyang kotse. Dali-dali naman syang umikot at sumakay na rin.

"Ash, ilang beses ko bang sasabihing sayo na pabayaan mo nalang ang mga pulis?" Seryosong tanong ni Ace.

"Pulis? Eh hindi nga nila kaya eh! Kaya a-- at sa tingin mo masosolve mo yung kaso?" Natahimik ako.

Pulis nga hindi kaya, ako pa kaya?

"Ashleigh, look. Hayaan mong gawin nang mga pulis ang trabaho nila. Ayokong masaktan ka" pumatak ang luha ko at kumawala ang hikbing kanina ko pa pinipigilan.

I missed them.

Pero pinatay sila nang walang kalaban laban!

Hinila nya ako at niyakap nang mahigpit.

"Let's go"

••○••

"At saan ka galing, babae?!" Nagulat kami ni Ace nang sumalubong sakin si Kuya Ashton. Nanlaki ang mata ko

"ANDITO KA NA?!" agad ko syang niyakap.

"Kanina pa ako dito, Manang. Kaso gala ka eh" hindi ako sumagot at nginitian nalang sya. Tumingin naman sya kay Ace.

"Oh alas! Saan kayo pumunta nitong babaeng 'to? Late na ah!" Natawa ako nang batukan sya ni kuya Ashton.

"Aray ko kuya Anton!" Mas lalong lumakas ang tawa ko nang binatukan ulit sya nang sunod sunod ni kuya.

"Pambihira ka! Magkasing-edad lang tayo tapos kinukuya mo ako! Tapos ang ganda ganda nang pangalan ko gagawin mong anton?! Ambantot bro!" Naglakad na palayo si Kuya.

"Grabe talaga si kuya Anton sakin tsk tsk" napailing iling pa si Ace habang hawak hawak ang ulo nya.

"It's Ashton. Hindi Anton" pagtatama ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at naglakad nalang papasok nang bahay.

Nakita ko rin si Kuya na inirapan si Ace. Nakakabilib talaga si Kuya. Ngayong sya nalang ang kasama ko. Sinabi nya sa'kin noon na kaylangan nyang maging malakas at matatag.

"Kumain ka na ba Leigh?" Umiling ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kanyang hiniwang apple at kinain 'yon.

"Ibang klase ka talagang babae ka. Nang-agaw pa! Maghiwa ka nang sarili mo!" Inilayo nya sa'kin ang plato.

Damot:(

"Ashleigh" tinawag ako ni Ace kaya lumapit ako sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha nya at parang may tinatago sa likod nya.

"Ano 'yon?" Tanong ko at pilit sinisilip ang kanyang likuran.

Isa rin tong madamot eh!

"Nakita ko to sa tapat nang pintuan nyo" nanlaki ang mata ko nang makita ang picture na pinunit nya kanina. Agad ko itong kinuha at sinuri.

Tapusin ang sinimulan:)

Find the missing teenagers.

(Kung hindi mo sila nahanap bago sumapit ang ika-labing anim na araw nang Hunyo, sila'y mamamatay)

Ano ba kasi kinalaman ko sa mga nawawalang teenagers na 'yan?!

"Ayan tuloy!" Napasimangot ako nang pitikin nya ulit ako sa noo.

"Edi isumbong natin sa pulis!" Inirapan ko sya. Umiling iling sya at tinuro ang ibabang parte nang larawan.


Finish the given task and
Think before you act:)
Follow the rules❗

Note:
No police
Ang bawat paglabag ay may nakatapat na parusa. Have some fun:))!

"

Tsk" natulala nalang ako. Nakita ko pa sa isang papel ang rules at instructions.

"Ashleigh. Promise me that you will never do this alone" tumango ako at niyakap sya.

"Ayusin mo na ang sarili mo at may hahanapin pa tayong nawawalang bata"

••●••
To be continued....

Ang mga rules and instructions ay makikita sa susunod na update!

Salamat ulit!!
-iwantsugAa-























AntiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon