••○••
Day 01-BFind the missing teenagers
Ashleigh's Pov
"Ano pong kaylangan n'yo? Ma'am at Sir?" Ngumiti muna si Ace bago magsalita.
"May cctv po ba kayo dito?" Tanong nya. Halata naman ang pagkabigla sa babaeng kausap namin ngayon.
"A-ahh wala" nagkatinginan kami ni Ace at sabay naming ibinalik ang tingin sa babaeng pinagpapawisan na ngayon.
Anong problema nya?
"May itatanong lang po sana kami. Nakita nyo po ba ang babaeng 'to?" Pinakita ni Ace ang picture. Parang nakahinga naman nang maluwag ang babae.
"Akala ko naman kung ano na Sir!" Hawak hawak nya ang kanyang dibdib. Nagkatinginan ulit kami ni Ace.
"Huh? Bakit po?" Tanong ko. Umiling iling naman ito at tinignan ang picture na iniabot ni Ace sa kanya.
"Parang namumukhaan ko Sir. Eto yung madalas kumain dito eh. Pero hindi naman na nagpakita nung mga nakaraang araw" sabi nang babae. Nilabas naman agad ni Ace ang notebook nya.
"Sino pong kasama nya nung huli nyo syang nakita?" Tanong ni Ace sa babae.
"Nung una, sya lang ang mag-isa pero may dumating na tatlong babae" nagsalubong ang dalawang kilay ni Ace. Kinuha nya ang picture nang tatlo sa kanyang bag.
"Eto po ba?" Tanong ni Ace. Tumango naman ang babae.
"Oo sila nga! Nagusap lang sila saglit tapos maya maya lumapit na sila sakin at nagbayad. Umalis na agad sila pagkatapos na pagkatapos" sagot nang babae. Tumango tango si Ace at sinulat ang sagot nang babae sa kanyang notes.
"Close nyo po ba yung babae?" Tanong ko sa kanya.
"Oo! Lagi yon nandito eh" napatango tango ako.
"Natanong nyo po ba kung saan sila pupunta?" Tanong ko ulit. Si Ace ay nakikinig lang sa'min.
"Natanong ko kung bakit ang bilis nilang umalis pero sabi nila may importante lang silang gagawin" sagot nya sa'min.
"Ano po inorder nilang pagkain?" Tanong ko ulit. Napailing iling si Ace at tinago na ang notebook nya sa kanyang bag.
"Fried chicken ata?" Tumango tango ulit ako at ngumiti sa kanya.
"Dalawa nga po non. Salamat po hihi!"
▪▪▪
"Paano natin sila mahahanap?" Tanong ko kay Ace bago sumubo nang fried chicken. Masarap nga sya!
"Hindi ko pa alam. We'll talk about it later." Tumango tango ako.
Dapat gayahin ko rin si Ace! Magnonotes nga ko mamaya hmmp!
Saan na kaya sila? Baka kinidnap tapos kaylangan pa nang pera para makuha yung mga bata!
Kausapin kaya namin mga parents nang mga teenager na 'to?
"Kausapin natin mga parents nila!" Tumango tango lang naman si Ace.
"Teka ilang araw na ba silang nawawala?" Tanong ko ulit sa kanya. Tumigil naman sya sa pagkain at nagisip.
"I think, June 4?" Sagot nya sa'kin. Siguro hinahanap na rin sila nang mga pulis. 3 araw na silang nawawala. Imposible namang wala pang kaalam alam ang mga magulang nila?
"Mamaya mo na isipin yan. Kumain ka na muna at magpahinga."
▪▪▪
Nasa bahay na kami ngayon ni Ace. Nagiisip kung nasaan na ba ang limang bata na 'yon!
"So magkakasama ang apat na 'yon bago mawala" paninimula ni Ace. Sa tingin ko wala akong maiiaambag dito.
Gusto ko lang naman kasi malaman kung sino pumatay kay mommy! Tapos idadagdag pa 'to!
"Baka naman 'di nawawala yung panglima. Baka nagkulong lang yon sa kwarto" nakapangalumbaba kong sabi. Napaayos ako nang upo nang pinitik na naman ni Ace ang aking noo.
Aray ha!
"Tch! Umaayos ka nga Ashleigh Demise!" Ayan na seryoso na po sya. Binanggit na pati second name kong cute eh!
"Ang hirap hirap naman kasi! Dumagdag pa nga yang panlima na 'yan! Wala pang binigay na clue!" Umirap ako sa kanya. Pahirap yung isa eh! Hmmp
"May binigay na clue, Ash" eh wala nalang silbi 'yon eh! Parang ewan lang!
"Oo, yung picture na walang ambag" sabi ko sa kanya. Umiling iling lang s'ya.
"Magseryoso ka nga!" Ngumuso ako at sinilip ang notes nya.
5 missing teenagers
1st Teenager
-huling nakita sa shukies bar kasama si Number 2 at Number 4
-i think she's the leader of the group (Magkakaibigan ang limang nawawala)2nd Teenager
-Bigla nalang lumitaw sa shukies bar.
-kinausap sandali si Number 1 at Number 4 at umalis na agad.
-pagmamayari siguro nang magulang nya ang kotseng ginamit nila. (Pn: CAT 9026)
-teka paano yun nagdrive? Bawal yun ah!3rd Teenager
-huling natagpuan sa SGA restaurant.
-kaclose nung may-ari dahil lagi syang kumakain do'n
-sinundo ni Number 2,1 at 4 at sinabing may gagawin lang silang importante4th Teenager
-kasama ni number 1 sa shukies bar.
(Ps: they used fake Identification cards para makapasok. Makulit na gala)
-idk wala na akong masabi5th teenager
-the most difficult one.
-clue: Mayroong picture na ginupit. Apat nalang sila doon dahil ginupit nga. Idk why, Sya ata yung ginupit eh
-Nung nakita ko picture nya parang namumukhaan ko sya. Siguro nagkasalubong lang kami kung saan?Additional Info's
-nagaaral sila sa Fontello High.
-grade 10
-15-17 years old••●••
To be continued....
BINABASA MO ANG
Antique
Mystery / ThrillerAshleigh's parents were found dead at the antique store owned by her grandmother, brutally killed by an anonymous killer. At first she just wanted to solve her parent's death, not until she saw a message written at the wall while looking for some cl...