•|08|• A

0 0 0
                                    

••∆••
Day 05 A

Find the missing teenagers

Ashleigh's Pov

"Gumising ka na Leigh at nasa baba na yung dalawa mong boylet" nagising ako dahil sa lakas nang katok at sa lakas nang boses nang kuya ko.

Naghilamos na ako at bumaba. Nakita ko silang dalawa na magkaharap na nakaupo sa sofa. Masama ang tingin sa isa't isa.

#acenporeber

"Ash tara na" inirapan ko si Ace at pumunta nalang sa kusina para magtimpla nang kape. Bakit ba parang hinahabol ang lalaking 'yon?

Atsaka alam na namin ang lahat. Pupunta nalang kami mamaya maya sa Zambales para tanungin ang kapitbahay nila.

"Wag ka nalang sAiton sa kanya Leigh. Punta nalang tayo sa Mall tapos libre kita" nanlaki ang mata ko. Minsan lang kaya manglibre si Aiden!

Sinamaan ako nang tingin ni Ace kaya napasimangot ako. Daya:(

Tumabi ako kay Aiden at sumipsip na nang kape. Pansin kong hindi sila makatingin sakin. Anong problema nang dalawang to?

Bumaba na si Kuya at tinignan kaming tatlo. Maya maya ay lumapit sya sa'kin at may binulong.

"Wala kang bra"

Wala kang bra

Wala kang bra

Wala kang bra

Wala kang bra

Wala kang bra

Wala kang bra

Wala kang bra

WALA AKONG BRA?!

Tumayo ako agad at sa hindi inaasahang pang yayare ay natapunan ko si Ace nang kape. Hindi ako agad nakapagsorry dahil nagmamadali akong umakyat sa taas.

NAGHILAMOS LANG PALA AKO!

Pagkatapos ay agad akong bumaba. Hindi makatingin sa kanila dahil sa nangyare kanina. Si Aiden naman ay tumawa kaya binato s'ya nang unan ni Ace.

Salamat Ace pero hindi mo na kaylangan gawin 'yon. Hiyang hiya na ako.

Feeling ko ang dumi dumi ko na.

Charot.

"Aww baby Leigh. Don't be shy." Asar kong tinignan si Aiden. Pinigilan nya ang tawa nya kaya mas lalo akong nainis.

AntiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon