•|04|• A

5 2 0
                                    

••○••

Day 02

Find the missing teenagers

Ashleigh's Pov

"Ano na naman bang problema mo Ace?!" Binato ko nang unan si Ace nang bigla nya na naman akong ginising.

Late na nga ako natulog dahil pinagusapan namin yung task eh! Tapos ginising nya pa ako nang maaga!

"Kakausapin natin yung mga magulang nilang lima 'di ba?" Pero bakit ang aga naman! Atsaka pangalawang araw pa lang naman eh!

"Bilisan mo Ashleigh Demise. Huwag mo akong artehan dyan!" Binato ko ulit sya nang unan bago pumasok sa banyo. Narinig ko naman ang paglabas nya sa kwarto ko.

Sa susunod nga ilolock ko yun para hindi sya makapasok para gambalain ako.

Nang matapos na akong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa kusina para kumain.

"Saan na naman kayo pupunta?! Naging gala ka na Ashleigh ha! Hindi na nakakatuwa!" Tinuro ko si Ace na kumakain rin. Tinaasan nya lang ako nang kilay.

"Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit tayo labas nang labas diba?" Natigilan ako. Feeling ko tuloy sinisisi nya ako. Dapat naman talaga akong sisihin eh. Pero feeling ko pabigat lang ako.

"Don't take it seriously, Ash. Nagbibiro lang ako" hindi ako sumagot sa kanya.

Humanap nalang kaya ako nang ibang kapartner para hindi ko na sya maabala?

"May relasyon ba kayong dalawa?" Nagulat ako dahil sa sinabi ni Kuya Ashton.

"Wala" sabay naming sabi ni Ace. Naningkit naman ang mata ni kuya Ashton at nagpabalik balik ang tingin saming dalawa.

"Siguraduhin nyo lang. Hmmm" sinipa ko si kuya Ashton para magtigil sya.

"#Ashace"

▪▪▪

Nasa tapat kami nang bahay ni Teenager number 1. Anlaki naman nang bahay nila. Kaya pala nakapag-pagawa nang fake id!

Nagdoorbell na kami at bumungad samin ang babaeng nasa 30-40 years old. Medyo puti na kasi ang buhok nito.

"Bakit?" Mataray na tanong sa'min nang babae. Sya ba ang nanay ni Number 1?

"Kayo po ba ang nanay ni Vianna?" Tanong ni Ace sa kanya. Tinignan kami nang bata mula ulo hanggang paa. Pati kami ni Ace ay napatingin sa sarili.

Maayos naman kami ah?

"Hindi. Ano bang kaylangan nyo?" Mataray na tanong nya ulit sa'min.

"Manang sinong tao?!" May sumigaw kaya biglang umaayos ang babae sa harapan namin.

"Ay ma'am may naghahanap po sa anak nyo hehe" pinigilan ko ang tawa ko. Sinanggi ako ni Ace para sawayin ako.

"Sino sila?" Biglang lumitaw ang babaeng maputi sa aming harapan.

"Ace Vincent at Ashleigh Demise po" magalang na sabi ni Ace. Tumango tango ang babae.

"Anong kaylangan nyo sa anak ko?" Tanong ulit nang nanay ni Vianna.

"Nasaan po sya nung bago sya nawa---" w-wala sya dito! Nasa tatay nya!" Napaatras kami ni Ace sa lakas nang boses nung nanay ni Vianna.

Hmmm suspicious.

Nagkatinginan kami ni Ace at ngumisi kami parehas. Yumuko kami bago umalis.

"Tara na sa bahay nang teenager number 2"

Sumakay na kami sa kotse. Hindi nya muna inistart at tinignan ako nang seryoso.

"Ash alam mo ba ang nasa isip ko?" Tanong nya sa'kin. Tumango ako at ngumiti.

▪▪

Sorry wala sya ngayon. May sakit

Huh? Uh nasa bahay sya nang lola nya.

Ay sori tulog ang anak ko. Ayokong abalahin dahil alam kong pagod 'yon

Ayan ang sinabi nang mga magulang nila 2, 3 at 4 sa'min. They are all suspicious.

Alangan naman dukutin o patayin nila mga anak nila 'di ba?

Papunta na kami sa bahay nila Number 5. Haeli Faye.

"Bakit hindi nila sinasabi satin ang totoo, Ace? Hindi naman tayo nga pulis. Pero kung makatago sila kala mo mga opisyal tayo" tanong ko sa kanya.

Totoo naman 'di ba?

"Hindi ko alam, sa ngayon. Malapit na tayo, Ash." Sabi nya sakin at ngumiti.

Grabe ang bilis naman namin! Malapit na namin malaman kung ano ang dahilan. Ang problema nalang namin ay kung nasaan sila ngayon.

Fast forward twnwnwnwnenw

"Sino kayo?" Humarap samin ang hindi katandaang babae. Pulang pula ang mata nito at parang pagod na pagod ito.

"Uh my name is Ace Vincent at sya naman po si Flame Demise. Magtatanong lang po sana kami sa anak nyo" magalang na sabi ni Ace. Natigilan naman ang babae at agad na hinawakan ang magkabilang braso ni Ace.

"Nakita mo ba ang anak ko, Iho?! A-san sya?!" Umiling si Ace kaya bumuntong hininga ang nanay nito.

"Kaylan lang po sya nawala?" Tanong ni Ace at inilabas ang notebook nya.

"June 1 nung lumabas sila nang mga kaibigan nya" malungkot na sabi nang babae.

Akala ko June 4? Siguro yung apat na babae lang yung June 4. Nauna lang itong panglima.

"Saan po sila pumunta?" Tanong ulit ni Ace.

"H-hindi ko alam." Napayuko ang babae. Napatango tango ako.

Sa tingin ko sinisisi nya ang kanyang sarili.

"Tinanong nyo po ba yung mga kaibigan nya?" Tanong ko naman.

"Sinubukan ko, pero lagi silang wala. Wala naman akong magawa. Mahirap lang ako at kayang kaya nila akong itaboy sa pamamahay nila" mas lalo naman akong naawa sa babae.

"Ma'am alam nyo po ba na nawawala rin ang apat na babaeng kasama nya?" Tanong ni Ace kaya natigilan ang babae.

Tumunog ang phone ko kaya napatingin sakin ang dalawa. Tinignan ko ito at message ulit to galing sa hindi ko kilalang numero

0912*******
Malapit ka na:)

Good job in advance Ms. Ashleigh at Mr. Ace:)))

Pero una pa lang ito.

Goodluck

Ha?
Seen 5:00 pm

••●••
To be continued....

-iwantsugAa-

AntiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon