•|05|• A

4 1 0
                                    

••○••

Day 02-B

Find the Missing Teenagers

Ashleigh's Pov

Nakapangalumbaba ako habang pinapanood si Ace na nagsusulat nang kung ano sa notes nya.

Wala talaga akong ambag -.-

"Sa tingin ko alam ko na, Ash" tiningnan ko lang sya at tumango.

"Umayos ka Ashleigh Demise!" Ngumuso ako at inayos ang upo ko. Ayos naman ako eh!

"Sa tingin ko pinagtatakpan nang magulang ni 1, 2, 3, at 4 ang mga anak nila. Sila ang dahilan kung bakit nawawala ang number 5" napaisip ako.

"Paanong sila ang dahilan? Pati nga sila nawawala eh hahahahha!" Hinampas ko sya sa braso. Talaga naman ah!

"Hindi sila nawawala, Ash" natigilan ako. Hindi nawawala?

"Nagtatago sila." Huh?

"Bakit sila nagtatago?" Inirapan ako ni Ace. Aba! Baklang 'to!

"May kinalaman nga sila sa pagkawala ni number 5! Ikaw!" Pinitik nya ako sa noo. Grabe sya ah!

"Ahhh so sila yung dahilan kung bakit wala si number 5?"'tanong ko sa kanya.

"Siguro? Hindi pa 'ko sigurado, Ash. Pero base sa kinukilos nila masasabi kong ganun na nga" kumamot sya sa kanyang batok at nagsulat ulit sa kanyang notes.

Kinuha ko nalang ang phone ko at inistalk si number 5. Alicia Sampang.

Ang cute cute nya pa naman tapos mawawala lang. Pinakita ko ang picture ni Alicia na nakapig tail. Natigilan naman si Ace dahil sa ginawa ko.

Wag nyang sabihing nagkagusto na agad sya sa bata?!

O:-)

"Kaylan yang picture na 'yan, Ash?" Tinignan ko naman ito.

"June 1, 2020. 8:00 pm" sabi ko sa kanya. Umawang nang konti ang kanyang bibig at di makapaniwalang tumingin sa'kin.

"Teka eto yung araw na lumabas sila nang kaibigan nya!" Tumango tango sya at inagaw ang cellphone ko.

"May caption ba? Tignan mo ang comments!" Hinampas ko muna sya bago tignan. "Bakit?!" Tanong nya pa sa akin.

"Kumalma ka nga Ace! Pati ako natataranta sayo eh!" Inirapan ko sta at itunuon na ulit ang aking tingin sa cellphone.

AntiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon