Chapter 46

30 15 0
                                    

'Kiely POV'

"Archer!"

Sambit ko ng saktong mamaataan ko siya sa canteen namin, binalingan ako nito ng seryosong tingin.

"Para sayo, gawa ni Ate yan ipapabigay daw sayo"

Nakangiti kong saad, Tiningnan naman niya dala kong pagkain at muling tumitig sa aking mga mata, bagaman may kaba at hiya akong nararamdaman isinakwil ko ang mga ito, I need to this, kailangan kong manghabol kung gusto ko pang bumalik si Archer sa akin, sa pagkakaalam ko wala sa bukabularyo ng Groupo nila ang manghabol sa isang babae kaya nga sinisikap kong mapansin ni Archer.

Sa araw araw na pagpapapansin ko sa kanya feel ko nga walang epekto. Sa pagbibigay ko sa kanya ng mga nilulutong pagkain ni Ate although tinatanggap niya ang mga ito, ni hindi niya kaya akong ngitian. Nagpapasalamat man siya yon ay para kay Ate din naman hindi para sa akin.

"Tell Your sister, Thanks For this"

Kaswal na saad niya ng tanggapin ang pagkain na dala. Ang totoo niyan mula kahapon ako na nagluluto ng pagkain na ibinibigay ko sa kanya. Sinasabi ko lang na si Ate ang may luto kasi wala akong lakas na sabihin na ako, naiilang man sa mga titig ni Archer sinisikap ko namang sabayan ito araw araw. Bawat pagkain na ibinibigay ko sa kanya ay siyang mga sulat naman na kasabay doon. Walang sulat na hindi ko nilalagyan ng 'Sorry' at talagang bawat sulat pinapaalam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"Sure, I will"-Nakangiti kong saad.

Sa araw araw na kaswal na pakikitungo sa akin ni Archer hindi yata ako na a-apektuhan kasi gusto kong ibalik yong closeness namin noon, hindi man madali pero kakayanin ko. Kung sa harap niya ngumingiti ako sa pagtalikod ko naman ang siyang pagbagsak ng aking mga luha.

Hindi ko kayang sukuan siya lalo na't nangako ako kina kuya at ate na maibabalik ko si Archer sa akin.

"Hanggang diyan na lang ba ang panghahabol mo kay Archer?"

Salubong sa akin ni Livvy sa room, pinahid ko ang aking Luha saka bumuntong hiningang umupo sa upuan ko.

"Pinapakita mong masaya ka sa ginagawa mo, ngunit siyang kabaliktaran naman pagtalikod mo. Ngumingiti ka sa harap niya na parang okey ka Lang sa mga nangyayari habang umiiyak ka naman ng patalikod at nasasaktan ng palihim"

"I can't still let him go ng ganon kadali, if I really loved him I need to prove na kaya kong gawin lahat para sa kanya. Kung manghahabol man ako ng manghabol"- napapikit ako kasi sukong suko nako pero ayoko paring sumuko, I bit my lower lips bago muling nagsalita "Gagawin ko yun"

"And do you think sapat na yun para patunayan mo sa kanya na Mahal mo siya?"- tumango ako na siyang Ikinatawa naman niya.

"Heller! Wake up Kiely, Archer don't ever like that way, ayaw niya ng attention ng karamihan kaya nga hindi siya lumalapit sa ibang mga babae hindi ba? Ayaw niya ng Hinahabol kaya nga hindi siya nakikipagkaibigan sa iba maliban don sa Groupo niya now"

Nilingon ko si Livvy, alam ko naman na ayaw ni Archer ng ganon pero hindi ko maisawang gawin yon, Yan lamang ang bukod tanging paraan upang malingon at mapagtuunan ako ng pansin ni Archer.

"Archer, para sayo"

Ilang ulit na akong ganto, araw araw nagbibigay ng lutong pagkain, but this time I give him Red rose with a letter syempre, nagkabaliktadan naman kami sa pagsusuyo bahala na ang importante mabalingan niya ako ng tingin sa araw araw sapat na yon.

Tumitig siya sa akin na seryoso ang mga mukha.

"I can accept the food that you cook for me"-natigilan ako sa sinabi niya. Alam niya na ako ang nagluluto sa mga pagkaing dinadala ko.

"But what's with the flower Ms. Aurian"

He never calls my name anymore but instead my last name na para bang napaka Pormal sa aking pandinig. Labag man sa loob ngunit kailangan kong tanggapin.

"I'm courting you, with or without your permission"

Desperada na kung desperada ako na Manliligaw sa kanya. Umawang kanyang mga labi na tumingin sa kanya.

"Girls never court a man"

Ngumiti ako dito kahit na naiiyak na ako, araw araw napapahiya sa harap ng barkada niya kinakaya ko para sa kanya. Pinigilan kong maluha sa harapan nila.

"Well, iba ako sa kanila, at mas lalong iba ka sa mga lalaki. Hindi naman ibig sabihin babae kana wala ka ng karapatan na manligaw."

Pilit ko silang nginitian saka muling nagsalita.

"Una nako, Thank You for accepting nonsense things from me Archer"

Pagtalikod ko ay siyang pagpatak ng aking luha. Diridiritso akong naglakad, at na-upo sa gilid ng tuluyan ng malayo sa kanila.

"Here"- naramdaman ko ang isang presensya ng isang tao at ng inangatan ko ito ng tingin, naka abot sakin ang asul na panyo.

"Thank You, Spenser"

Saad ko at tinanggap iyon na ginamit pampahid sa aking mga luha. Umupo ito sa tabi ko at nakatingin lamang sa malayo.

"I know you're already tired chasing Archer"-panimula nitong saad.

"I can't judge your doings because I know you're just inlove with him. But seeing you smile in front of him and making him feel na okey ka Lang while at back you cried a lot makes my heart broke"

Nilingon ko siya at tinitigan.

"Seeing you cry because of him, I can't help but to feel the pain also"-nasa malayo pa din ang tingin niya at wala sa akin.

"If you're tired Kiely, you can let him go and start your new life"

Mas lalo akong naiyak.

"Open your heart again for those man who really deserves you"

Umiling ako, I can't open my heart again, Hindi ko pa kaya. Kanitagmukha akong tanga sa harap ni Archer at sa mga kaibigan niya ayos lang kasi ginusto ko ito.

"Maybe not now, but look for those who keep chasing you, Someone deserve you more than him"

Nilingon niya ako, binigyan ng mapait na ngiti.

"Stop pushing yourself just for him. Because right man don't makes her girl cried because of him"

Pinunasan niya ang aking mga luha.

"Right man don't want his girl feel that she's unworthy and unchoosable, because right man can do everything and can surrender everything if he truly loves you"

Kusa akong napayakap kay Spenser sa mga sinabi niya. Lahat ng yon hindi ko naranasang gawin ni Archer sa akin, dahil Parati niyang pinaparamdam na I am unworthy and unchoosable at mas lalong hindi niya kayang eh surrender lahat para sakin.

Why Can't We Be? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon