Chapter 33

26 20 0
                                    

'Kiely POV'

Unti unti kong ginalaw ang katawan ko pero, masakit talaga eh kaya iminulat ko na lang ang Mata ko.

"Kiely! Gising ka na!"

Sabay sabay na sigaw ng tatlo. Tinulungan ako ni Valerie na umupo ng maayos, may benda ang dalawa kong kamay, tinitigan ko ito ng mabuti

"Anyare? Ba't benda lahat ng kamay ko?"

"Ateng Wala ka naman sigurong sapal sa utak para makalimutan ang nangyare kagabi"- maarteng saad ni Jensen

"Himala at nagpakita ka samin"

Sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sorry kung naisipan kong ipagpalit kayo sa iba"-panimula niya

"Sorry kung, nakinig ako sa mga magulang ko, My life will never be complete without you guys, Please Let's fix our friendship again"

Umiling si Livvy

"Sana sa una pa lang inisip mo na, Bakit hindi tayo pwede maging? Why Can't we be friends? Kasi naalala mo, you was once a bullied by random guys, ayaw Sana naming iligtas ka kasi una pa lang alam naming hindi tayo pwedeng maging magkaibigan"

"Sana inisip mo kung paano ka namin pinaglaban noon bilang kaibigan hindi bilang strangers"-dagdag pa ni Valerie

"Malaki ang naging kasalanan ko sa inyo, kasi akala ko mabubuhay akong Wala kayo sakin, kasalanan ko na sinunod ko ang utos ni magulang ko, kasalanan ko na ipinagpalit ko kayo, akala ko madali lang pero napakahirap kayong ipagpalit"-Jensen

Sabay sabay na namuo ang Luha sa aming mga Mata except kay Livvy, hindi to iyakin eh.

"Sa araw araw na hindi ko kayo nakakausap sobrang hirap, sa araw araw na hanggang tingin lang ako sa malayo sa inyo hindi ko kaya"

"Mahirap sakin Yong ginawa ko sa inyo kasi kahit anong gawin kong limot sa inyo hindi ko magawa-gawa, kasi Mahal na Mahal ko kayo hindi lang bilang kaibigan kundi pati bilang kapatid"

"Bakit mo hinayaang sundin ang magulang mo kesa sa puso mo?"-saad ko habang pinupunasan ang Luha sa aking pisngi

"Nong una ayoko talaga pero nagawa ko eh, pero promise ko sa inyo na babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko"

Ngumiti si Valerie at pinunasan ang mukha ni Jensen.

"Makakabawi ka naman yun ay kong papatawarin ka namin, wag ka na umiyak para ka Ng drakula dahil sa eyeliner mo"-saad ni Valerie na Ikinatawa ko

"Kahit na hindi niyo ko patawarin, babawi pa din ako sa inyo"

"Sino ba naman ako para hindi ka patawarin"-ngiti kong saad at ibinuka ang bisig upang mayakap si Jensen, niyakap naman niya ako ng saglit bago hinarap si Valerie.

"Oo naman! Ako pa, syempre papatawarin kita uy, nag-iisang beke namin"-nagyakap din silang dalawa at Panghuli si Livvy, tinaasan lang ni Livvy si Jensen.

"Hindi mo lang ba ako yayakapin?"

"Hindi pa ako nakakaget over sa ginawa mo, Yoko nga"-

Sabay naming tinawan si Livvy,

"Ang arte mo, patawarin mo na kasi Livvy"-natatawang saad ni Valerie

"Mapapatawad kita in one condition"

Lumiwanag ang mukha ni Jensen pagkasabi ni Livvy non

"Ano? Kahit ano gagawin ko"

"Lebre mo kami araw araw ng lunch tsaka Night out"-ngingiting saad ni Livvy.

Why Can't We Be? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon