'Kiely POV'
"Ate, sabihin mo nga sa akin,Kasalan ko ba na ako Yong talo at ako Yong nahulog saming dalawa? Kasalan ko bang pinaglaruan ko siya sa umpisa?"
Para akong batang nagsusumbong sa ina ng dahil sa inaway ng kalaro. Hinaplos ni Ate ang aking mukha na puno sa mga luha.
"Hindi mo kasalan na ikaw ang natalo dahil unang una Feintrene tao tayo at hindi natin mapigilan ang bugso ng ating mga damdamin"-pinahid niya aking mga luha bago muling nagsalita sa akin, nakangiti si ate ngunit halatang napipilitan lamang ito.
"Pangalawa hindi mo kasalan na ikaw ang nahulog sa inyong dalawa, hinding hindi natin mapipigilan ang mahulog sa isang tao, minsan sa huli na natin na re-realize na mali palang mahulog sa kanya"
Inayos ni Ate ang buhok ko at inilagay sa gilid ng aking tenga
"At yung Panghuli naman, bilang nakakatanda sayo Oo, mali yung ginawa niyong paglalaro, kasi look at to yourself now, this was the consequences of playing such a nonsense game Feintrene. Hindi kelan man naging mabuti ang paglalaro sa damdamin ng isang tao"
"Pero patas lang kami Ate, pinaglaruan ko siya gayun din siya sa akin"-umiling si ate sa sinabi ko.
"As you've said, Archer hates Girls but mababait silang tao, it doesn't mean na ayaw nila sa mga babae eh magagawa na niya sayo yun. Every man is a good pretender, Kung pinapakita niyang hindi siya nasaktan sa nangyari sa inyong dalawa do not believe it, Lahat ng tao may damdamin Kaya malabong hindi siya nasaktan believe it or not he feel the pain you were feeling right now"
"Pero sinabi niyang hindi niya ako kelanman minahal"
Umiling uli si Ate
"Naniwala ka naman?"
"Medyo"
"Then don't believe it, as long as you feel that he loves you hold it and make it the reason to chase him, may kasalan ka gayon din siya, My advice for you Feintrene Kiely was to low down your pride chase him hanggang sa makakaya mo, win his heart and trust again."
"Paano kung ginawa ko na lahat lahat at ayaw pa rin niya sa akin"
"Well, that's the time for you to move on to the next level of your life."
Pinahid ko ang aking Luha at tuluyan ng huminto sa pag iyak.
"Hindi lang si Archer ang lalaki sa mundo Feintrene"-bigla ay nabigla ako sa pagsabat ni Kuya Kielxy.
"Habulin mo siya sa huling pagkakataon tutal ikaw naman nagsimula sa larong Yan at ikaw ang nahulog then habulin mo, kung hindi na Kaya then it's time for you to let go"-dagdag pa nito
May punto si Kuya Kielxy, and I really need to do it for the sake of my feelings.
"Ikaw manghahabol? Nice! Karma mo na siguro Yan Kiely"-sinamaan ko ng tingin si Kiefy ayos na Sana mga advice nila dinagdagan pa niya ng nakakainis.
"Mukha mo karma! Tumahimik ka nga bat ka andito? Usapan babae to"-inis kong saad dito
"Excuse me! Isang minuto lang ang binigay sa inyo, tapos open forum na daw tayong magkakapatid"
Nginisuan ko siya.
"Just do what we say Feintrene, chase him, at kung pagod ka na at ayaw na talaga ni Archer sayo, tell us at isasama ka namin sa Ibang bansa for you to forget him and move on to what happen between you"- pinakahuling salitang narinig ko kay Kuya Kielxy na nagpagising sa kalooban ko.
Chase until I can.
Simula ng gabing yun lumabas na ako sa aking kwarto at nakipag kita sa mga kaibigan ko. Ako ang Panghuling dumating sa gimick namin since ayaw namin ng maingay muna sa ngayon kaya sa isang inuman kami pumunta, inuman na may pagkain naman din na mao-order. Pagkapasok ko pa lang sa entrance kumalabog na my to-do ang aking puso. I saw my friends in a table with Demicco's group.
Bigla tuloy ay parang nagsisi akong pumunta, I didn't know that Archer was here. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang harapin siyang muli? Kaya ko na bang tingnan ang kanyang mga Maya sa muling pagkakataon?
Maliliit na hakbang ang nagagawa ko dahil sa abot langit ang kaba ko. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti ng malaki.
Ganyan nga Kiely! Ngumiti ka na para bang walang nangyari sa inyong dalawang masama pa sa kalbaryo na idinulot sa puso at buhay ko.
"Kiely!!"-sabay sabay ni sigaw ni Valerie at Livvy, nginitian ko sila atsaka beneso beso, pinasadahan ko ng tingin ang lima Panghuli si Archer at medyo natagalan ang titihan naming dalawa.
"Hi, long time no see"
Magiliw kong aniya at umupo na, Sinadya ko talagang maupo sa tabi ni Archer, dalawa lang bakanteng Upuan sa tabi ni Spenser at sa tabi ni Archer, aarte pa ba ako? Ede kay Archer na
"Ahmm, sorry but this sit was already taken"-bigla ay saad ni Archer pagkaupo ko. Taka ko siyang tiningnan
"H-ha?"
"Hey, Miss Kiely right? That's my sit"
Agad akong napalingon sa bagong dating.
Cathalia.
What is she doing here?
"S-sorry"-napahiya ako don at agad na umikot papunta sa bakanteng Upuan na katabi ni Spenser
Hindi pa ito ang pagdadaanan mo Kiely, umayos ka. Kung may relasyon man sakali silang dalawa ede sirain mo basic! Utak dapat gamitin hindi puso.
"So, how are you Kiely?"
Bigla ay tanong ni Demicco sa akin na agad ko namang nginitian
"Still inlove with Him"-sagot ko habang nakatingin kay Archer.
"Nice! Kamusta naman ang damdamin?"-bigla ay tanong na naman ni Clark
"Ayos Kang din, kahit na nasaktan siya pa rin ang gusto ko at gugustuhin ko"
Nilingon ko si Clark ng nakangiti
"Woaaah, palaban ka talaga Kiely! I adore you so much"
"That's life, sometimes we need to low down our pride just the sake of our beloved person."
"Ateng! Ito naman tanong ko"
Nginitian ko si Jensen "Go ahead"
"Lalaban ka ba hanggang sa huli? Kahit na nararamdaman mong ikaw na lang ang lalaban"
Ibinalik ko ang tingin kay Archer.
"Yes"-seryoso kong saad.
"Lalaban ako hangga't Kaya ko, lalaban ako kahit na wala akong pinanghahawakan na magiging kami talaga sa huli, susugal ako kahit na walang kasiguraduhan dahil ganyan Kita ka Mahal"
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Archer at hindi nakaligtas sa aking mga mata ang kanyang ngiti bago niya tuluyang tunggain ang bote ng alak.
Kung paulit ulit man akong masaktan at ikaw ang rason, tatanggapin ko yun ng buong puso at iintindihin ko yun ng sa abot ng makakaya ko.
Just don't make me feel na may iba ka ng Mahal, dahil maaaring sa huli ako din ang susuko. At pagnagkataon na ako na ang sumuko ayoko na talaga niyan kahit maghabol kapa sakin at kahit na mamatay kapa sa harap ko wala na akong pake.
BINABASA MO ANG
Why Can't We Be? (Completed)
Storie d'amoreMay mga Bagay na Hindi talaga pwede. May mga bagay na kahit anong push mo, Hindi parin pwede. May mga bagay na kahit gawin mo pa lahat-lahat Hindi parin pwede. Pero Bakit nga ba? Why Can't We be? •Aurian Series #1•