Chapter 20

33 30 0
                                    

'Kiely POV'

Naalimpungatan ako sa aking mahimbing na tulog ng may naramdaman akong kumakalikot sa tenga ko, nakikiliti ako kaya agad akong bumangon ay binungangaan ang sino mang gumawa non.

"Pvtangina mo! Alam mong natutulog yong Tao! Anak ka ng bilao, isa kang depungal na Alien na lumapag sa lupa na hindi dapat Narito! Ang bagay sayo paslangin kang Hayop ka!??"

Dinaganan ko si Clark, at Pinagsampal sampal siya

"Aray! Aray! Ano ba, Hoy babae! Tumigil ka nga para kang aswang talaga!!"-panay ang sagang niya sa mga kamay ko. May kamay na humila sakin pa alis sa pagkakadagan ko kay Clark, Ng nilingon ko ito it was Spenser kaya umayos ako ng tayo.

"Subukan mong gawin yon ulit! Papatayin talaga Kita"-turo ko kay Clark na Inirapan lang ako.

"Ang OA mo! Andito na sundo natin, buti nga ginising pa Kita"

Nilingon ko ang paligid, Kaming tatlo na nga ang naiwan dito, nilingon ko si Spenser

"Asan sila?"

Tinitigan niya ko Mula ulo hanggang paa, bigla yata akong nahiya, kakainis baka may muta pa ako eh kaya agad kong kinapa ang mata ko, buti na lang wala.

"Nauna na silang umuwi, kanina kapa namin ginigising"

Wuuuttt! Kanina pa? Bakit Hindi ko namalayan.

"H-ha? Meaning tayong tatlo na lang ang andirito?"

Tumango si Spenser bilang sagot sa akin. Napa buntong hininga naman ako. Mga mang-iiwan ang akala ko pa naman makakasama ko pa rin si Archer ngayon, tapos Hindi na pala. Badtrip.

"Prepare yourself dadating na sundo natin"-nilingon ko si Clark Seryoso na ang mukha niya kaya tumango na lang ako. Lumakad na kami Papunta daw sa kalsada kung saan doon kami maghihintay sa sundo namin. Sobrang tahimik naming tatlo, akala ko pa naman maingay itong si Clark hindi pala masyado.

"Spenser"-tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon nagpatuloy lang ito sa paglalakad

"Bakit ba ang hirap niyong palingunin tsk"

"In born na yan ni Spenser ang hindi mamansin kaya masanay ka na"-biglang saad ni Clark sa gilid ko.

"Alam ko, pero may itatanong lang sana ako eh"

"Wag ka na magtanong hindi ka din naman niyan sasagutin"

"Sasagutin? Bakit nanliligaw ba ako?"

Natampal ni Clark ang sarili niyang noo

"Buang ka, hindi lang naman ang nanliligaw ang nangangailangan ng sagot"

"Sabi ko nga Hihi"-kamot batok kung saad sa kanya

"Basta! Manahimik ka na lang kung ayaw mong mapahiya, matatanggal na lang yang dila mo hindi ka pa rin sasagutin niyan"

Dumating na kami sa Kalsada at kasalukuyang naka tayo kaming tatlo sa gilid,

"Ano yung buang?"

"Buang means baliw, bisaya kasi yon"

"Bisaya ka? Dong?"-ngisi kong Tanong sa kanya na ikinatango naman niya agad, I gasp owemji!

"Taga cebu ka?"

"Oo, Mama ko taga Cebu kaya may knows akong bisaya"

"Ay galing! Sana Ol bisaya"

Kinindatan niya ako saktong pagdating Ng Van. Lumingon ako dito, nakasakay na si Spenser hindi man lang nagsabi naka awang na ang Van kaya pumasok na din ako, hindi ako tumabi sa kanya, nakakahiya hindi din naman ako papansinin. Magkatabi kami ni Clark. Sabi senyo hindi ako mabubuhay kung hindi makapagsalita.

Habang nasa byahe si Clark lang talaga ang kausap ko. Hindi din naman siya naingayan sakin kasi madaldal din naman to

"Bakit kayo late listed?"-tanong ko na Dapat ay si Archer ang sumagot niyan pero ayaw sumagot kainis sarap pokpokin ang ulo.

"Nakalimutan kasi namin na yong araw palang yon Listing day. Nakakainis kasi si Spenser eh!"

Nilingon ko si Spenser baka kasi narinig niya yon.

"Pano yan makakarinig eh naka headset yan tapos tulog"

Napatango naman ako kaya ibinalik ko ang tingin kay Clark.

"Bakit? Ano bang ginawa ni Spenser sa inyo?"

"Ayon! Nag group study sa Library, di namin namalayan na hapon na pala, tapos pagkahapon pa lang namin nalaman na Listing day yon, na una pa nga kayong mapalista kesa samin eh"

"Ay talaga? Bongga Kala ko always na kami ang pang huli hindi pa pala"-Nakangiti kong saad.

"Tapos, Alam mo Yun first time naming late Listed lage kasi kaming na uuna sa lahat that time lang talaga"

"Don't worry, may sumpa na yan dahil nasimulan niyo na ang pagiging late listed, magiging always na yan"-Nakangisi kong saad

Unang nadaanan namin ang bahay ni Clark kaya biglang naging tahimik at seryoso ang byahe, According kay Manong driver uunahin daw akong ihatid kaya Ng dumating ako sa Tapat Ng bahay ko, bababa pa lang ako , binungad na agad ako ng Yaya namin

"Hija! Hija! Si Sir nasa hospital"- hindi pa ako nakakababa isinabi na niya agad sakin yon

"What?"-biglang bumilis ang tibok Ng puso ko. Bumaba na ako sa Van

"Kiely"-tawag sakin ni Spenser

"Yes?"

"We'll take to you to the hospital"

Umiling ako.

"Wag na, go home. I can take care of myself, Be safe"- saad ko at isinara na ang Van. Patakbo akong pumasok sa bahay at kinuha ang Susi sa sasakyan.

Habang nagmamaneho ako, hindi ko mapigilan ang kabahan at mag-alala. Ito na ba yong sinabi ni William tungkol kay Dad tapos hindi niya na tapos kasi Ewan ko sa depungal na yon na hanggang ngayon na iinis pa din ako.

Ano na kayang nangyari sa bahay habang wala ako?. Hinanap kaya nila ako ng malamang na hulog sa bangin ang bus na sinasakyan namin? Nag-aalala ba sila? O nasiyahan kasi sa wakas mawawala na ang sakit sa ulo sa bahay namin.

Ano ba kasing nangyari kay Daddy?
Dahil sa pagka wala ko sasarili munti nakong mabunggo sa isang malaking truck. Abot langit ang kaba ko. Natulala ako Ng saglit buti na lang natauhan agad ako. Ipinagpatuloy ko ang pagmaneho hanggang sa nakarating ako sa hospital. My nose was bleeding dahil sa biglang pag preno ko Ng Malakas na wala pala akong seatbelt tumilapon ako sa harap ng sasakyan ko kanina. Agad kong pinagtanong kong anong room si Dad na agad namang Ibinigay ng nurse. Patakbo akong pumasok sa elevator, at patakbong pumunta sa private room ni Dad.

Pagkabukas ko ng pinto, si Dad agad ang nakita ko, nakahiga at naka oxygen

"Kiely!!!!"-sabay sabay na sigaw nilang lahat.

Ewan ko pero biglang dumaosdos ang Luha ko sa pisngi at patakbong lumapit kay Dad.

Hindi ko kayang ganito si Dad and

I can't live without the presence of my Dad. Dad is my life, my everything.

Why Can't We Be? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon