Girl In My Dream

11 2 3
                                    

"So, guys! Lahat naman ata dito may mga pangarap? Hindi ba? At ang pinaka una sa mga iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Importante yun syempre!"

Nag tanguan naman ang iba sa kanila.

"At siyempre... hindi mawawala ang inspirasyon tama?" tanong ko ng may pa taas baba pa ng kilay.

"Opo!"

"Siyempre naman sir!"

"Hindi po yan mawawala! Hahahahaha!"

"Okay class. Silent. Yung mga inspirasyon niyo ay yung mga magulang niyo tama ba? At pangalawa dun ay ang taong hinahangaan niyo."

"Ohhhww tama sir!"

"Alam niyo kasi class. Napapansin ko lang na parang nag-iimprove na kayo sa subject ko. Wala na akong nakikitang line of seven! Hahahahaha!"

"But class. Kung inspirasyon niyo ay ang taong hinahangaan niyo na kahit kailan hindi niyo makukuha, matuto nalang kayong tanggapin na hanggang taga hanga lang kayo."

"Aray naman sir!"

"Si sir oh patama masiyado!"

"Hahahaha! Ang ibig ko lang naman sabihin, know your limitations okay? Masaya naman kasi talaga mag-aral pag may inspirasyon. Eto may kwento ako."

---

There's this guy na sobrang barumbado. Mga ka-age niyo lang din. Pabaya sa pag-aaral at walang pake sa mundo.

Madalas ipatawag ang mga magulang niya sa school. Pano ba naman? Away doon, away dito. Wala ng ibang ginawa kundi makipag-away.

Matalino siya. Pero sadyang tamad at pabaya lang talaga.

Isang araw, nag-test sila. At siya ang perfect! As usual. Matagal na niyang gusto magmalaki sa mga magulang niya. Ngunit palagi itong walang oras sa kanya. Kaya naman nagpabaya na lamang siya.

Matutulog na siya noon at pumikit na. Alam niyang tulog siya pero buhay na buhay yung diwa niya. Sinubukan niyang imulat ang mga mata niya ngunit sa ibang dimensyon ata siya napunta dahil hindi bumungad ang magulo at makalat na kwarto niya.

Nilibot niya ito hanggang sa may makita siyang babae. Napakagandang babae. Nakaupo ito sa isang bench at nagbabasa ng libro. May suot itong mga salamin ngunit hindi ito naka bawas sa kagandahan niyang taglay.

Lumapit sa kanya ang binata at nagpakilala. Nag-usap sila at unti unti gumagaan ang loob sa isa't isa. Sa sandaling pabahon na iyo nakuha agad nilang makipagtawanan sa isa't isa.

*Kriiiinggg! Kriiiinggg!*

Tumunog ang alarm, hudyat na kailangan nang gumising.

"Oras na para gumising."

"Ha?" nagtataka niyang tugon.

"Panaginip mo lamang ito Stephen. Sa panaginip lang tayo maaaring mag-kita."

Hindi na siya nakapag tapos ng sasabihin dahil bigla na lamang siyang nagising. Bumungad na sa kanya ang kanyang kwarto.

Ang daming tanong na bumabagabag sa kanya. Na paanong nangyari yun. Kung magkikita pa ba sila ulit mamaya?

---

Lumipas ang taon at patuloy na nag kikita sa panaginip silang dalawa. Nagiging responsable na ang binata dahil sa kaniyang inspirasyon. Walang iba kundi ang dalagang nakilala niya sa kanyang panaginip buwan na ang nakararaan.

Sabay silang nag-aaral. At kung ano ano pa. Naging masaya sila sa isa't isa.

Dumating ang panahon na tumitira na ng sleeping pills ang binata upang agad na makita ang dalaga.

Kahit sa eskwela ay natutulog na siya.

Nang mahuli siya ng kanyang guro isang beses, agad na pinatawag ang kanyang mga magulang. Kinuha nila ang sleeping pills niya.

Hindi alam ng binata ang gagawin sapagkat hindi na siya nakakatulog nang wala ang mga iyon.

Nang mauwi sila sa bahay, agad niyang kinuha ang botelya ng sleeping pills. Nilantakan niya iyon hanggang sa mawalan siya ng hininga sa sobrang pag inom.

"Clarita! Nandito na ako! Hindi na tayo magkakahiwalay pang muli!"

Nakita ko siyang nakaupo sa isang tabi. Madilim ang aura na nakapaligid sa kanya. At para bang nanlulumo siya.

"Clarita? Anong problema?"

"Hindi tama ang ginawa mo Stephen. Kailangan mong mabuhay.. hindi mo dapat yun ginawa.. gumising ka Stephen.. paalam." aniya at naging itim ang paligid.

Nagising na lamang ang binata na nasa ospital. Naagapan pa ng mga doctor ang muntikan niyang pagkamatay.

---

"Simula noon ay hindi na niyang nakita pa si Clarita." pagtatapos ko sa kwento. Pinaliwanag ko pa ang aral sa kwento ko na iyon at sakto naman at nag bell.

Kasalukuyan na akong nasa bahay. Tulog na ang lahat at susunod na sana ako. Kaso hindi ako makatulog. Siguro iinom muna akong sleeping pills. Maaga pa ako bukas.

Nang makainom na, agad na akong humilata at unti unting nakaramdam ng antok.

Mahimbing na sana ang tulog ko nang biglang magising ako..

Pero wala ako sa kwarto.

Yung lugar.

Yung upuan.

Yung babae..

Nang humarap ang babae, sumilay ang isang napakalaking ngiti sa aking labi..

"Nagkita tayong muli... Clarita."

Compilation Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon