"Pasensya ka na anak ah? Mukhang hindi ka muna makakapag-aral sa susunod na pasukan." sabi ng aking Ina.
Inaamin ko na nadismaya ako pero hindi ko na lamang pinahalata at ngumiti.
"Okay lang po 'nay. Naiintindihan ko naman po." tugon ko.
"Ah, Ma? Kung mag-trabaho kaya muna ako? Para rin po makatulong naman ako sa mga gastusin dito sa bahay." suhestiyon ko.
Sa paraang iyon, makakapag-ipon na rin ako pang-tuition.
"Masiyado nang delikado sa panahon ngayon anak. Lalo na sa mga ganiyang edad mo." nag-aalalang sagot niya.
Nakukuha ko ang pinupunto niya. Hindi siya papayag.
"Ayos na 'yong nakakatulong ka dito aa bahay anak." sabi pa nito.
"Pero—" naputol ang sasabihin ko nang,
"Sa ulo ng balita! Dalagita, natagpuang patay matapos mawala ng ilang araw!" sabi sa tv.
"Nako. Hindi na talaga ligtas ngayon." sabi pa ni mama.
Malamang pinariringgan niya ako.
---
Gabi na at naalimpungatan ako dahil sa uhaw na nararamdaman kaya naman bumaba ako.
Nadatnan ko na umiiyak si Mama sa may lamesa.
"Ma? Bakit po kayo umiiyak?" tanong ko rito.
"H-ha? Napuwing lang ako anak." palusot nito.
"Tsk. Gasgas na ang linyang 'yan Ma. Atsaka humahagulgol kayo." panghuhuli ko rito.
"K-kasi... nak, baon na tayo sa utang. Wala na tayong pang-kain. Paano na tayo nito?" sabi niya at umiyak. "Letche kasi 'yang tatay mo eh! Nagawa pang mangabit." dagdag pa nito.
"Ma... bakasyon naman ngayon eh. Hayaan niyo na akong mag-trabaho. Para sa atin." pagsusuhestiyon ko ulit. Umaasa na sa pagkakataong ito mapapayag ko na siya.
Katahimikan. Alam kong nag-aalangan si mama. Lalo na't sunod-sunod ang mga kaso ng mga nawawala at namamatay.
"Hayst. Sige. Pero, wag kang pipili ng trabaho na pang-gabi. Atsaka lagi ka sa maraming tao dadaan ha? Mahirap na." sabi niya.
"Salamat nay! Promise po, mababayaran natin ang mga utang na iyan."
---
Ilang buwan na rin nang matanggap ako dito sa isang restaurant. Buti nalang at mabait yung may-ari nito. Malaki pa amg pasweldo. Naging maganda ang mga nag-daang araw ko rito.
Nagkaroon ako ng maraming kaibigan, nabayaran ko na ang mga utang namin at nakakapag-ipon na rin kahit papaano.
Pa-uwi na ako ngayon at medyo hapon na. Ramdam ko na may sumusunod sa akin pero hindi ako nag-pahalata. Minentain ko rin ang lakad ko para hindi siya makahalata.
Maya-maya pa may nadaanan akong mga nag-lalasing sa may kanto. Mga nasa anim ata sila.
"Uy Miss! Shot ka muna oh." sigaw ng isa pero hindi ko pinansin.
"Aba, aba, snobberist! HAHAHAHAHA!"
Nagmadali na ako ng lakad pero may humarang sa akin. Ngayon, napapalibutan na nila ako.
"Miss naman, gusto lang naman namin mag-saya." sabi ng isa habang pilit hinahaplos ang buhok ko.
"'Wag ako ang pagtripan niyo! Humanap kayo ng ibang biktima niyo!" sigaw ko sa kanila.
Hinawakan ako sa panga ng isa.
"'Yan ang gusto ko. Palaban. HAHAHAHAHA!"
Mabilis ang mga pangyayari at bumulagta nalang ang nasa harap ko. Kasabay no'n ay ang pagdating ng mga tanod.
Maya-maya ay may lumapit sa akin. Mukhang kasamahan ko sa trabaho.
"Ayos ka lang ba Kimberly? Pasenya na natagalan ah. Tumawag pa kasi ako ng tanod. Panigurado dehado tayo pag niyabangan ko ang mga 'yan nang ako lang mag-isa."
Ah, si Lance pala. Hindi kami ganoon nag-uusap. Pero, anong ginagawa niya dito? Baka dito rin ang daan niya.
"A-ah, oo. Salamat. Mauuna na ako." agad kong paalam at umalis na.
Siguro dapat ko siyang regaluhan para sa labutihang ginawa niya.
---
Matapos ang pangyayari na 'yon, naging malapit kami ni Lance. Lagi na kaming nag-kakasabay sa pag-uwi. At walang araw na hindi kami nag-kakausap.
Isang araw, mukhang hindi kami mag-kakasabay. Medyo malelate kasi ako ng uwi kay pina-una ko na siya.
Gabing-gabi na ako natapos. Sinara ko na ang restaurant.
Sa parehas na kanto, nakita ko nanamang 'yong mga walang hiya na mga 'yon. Pero ngauon, tatlo nalang sila.
Patakbo akong dumaan sa gilid pero nahabol parin nila ako.
Shit. Wala nang Lance na tutulong sa akin ngayon.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko pero hinigpitan lang nila ang hawak sa braso ko at tinakpan ang bunganga ko.
"Tss. Sandali lang naman 'to. 'Wag kang mag-alala, masasarapan ka naman."
Bastos!
Sinipa ko siya sa gitna niya. Pero nasampal pa niya ako. Ansakit.
"Tangina! 'Wag ka na ngang pumalag!" sigaw niya at akmanv sasampalin nanaman ako nang may humawak sa kamay nito.
Lance!
"Bitawan niyo siya!" sigaw pa nito at sinugod ang lalaking nasa harap ko. Agad akong kumawala nang luwuwag ang hawak sa akin ng dalawa. At agad ko silang pinagsisipa sa kung saan masakit.
Pinilit nilang lumaban pero sa huli natalo sila ni Lance.
Tumba ang tatlong lasing. Agad naman akong lumapit kay Lance. May mga galos siya sa mukha niya.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot at niyakap lang siya at umiyak.
"S-salamat. Salamat k-kasi lagi kang n-nandiyan para iligtas ako. Salamat L-lance."
Hindi siya sumagot. Pero maya-maya lang ay tumawa siya. Isang halakhak.
Humiwalay ako ng yakap at tinignan siya. "B-bakit?" tanong ko.
"Hah! Siyempre ililigtas kita." sabi niya nang naka-yuko. "Kasi akin ka. Akin ka lang!" sigaw nito at tinignan ako ng nakakaakot.
H-hindi!
Tumayo ako at tatakbo na sana ngunit nag-dilim na ang paligid.
---
"Isang dalaga, 2 linggo nawala. Natagpuan sa isang iskinita. Patay!"