"Huli ka! Nag ba-back read ka nanaman ba ha?" biglang sulpot ng kaibigan ko.
Hindi na lamang ako umimik. Ano pang silbi ng pag-tanggi eh makulit yan. Atsaka aminado rin naman ako hehe.
"Haynako Jhana! Binabasa mo parin ba mga LSM niya sa'yo?! Yung bawat pag tawag niya ng 'mahal' sa'yo?! 'Di ka parin ba nakaka move-on?!" sunod-sunod niyang tanong.
"Geez. Hayaan mo na ako Leslie dito ako masaya eh! Wahahahaha. Atsaka ito nalang naman na ang magagawa ko. Read it back because I can never bring it back." tama, dito nga ako masaya. (ctto.)
"Ano ba naman yan! Malala ka na talaga! Buti nalang..........hay nako!........"
Nakatingin lang ako kay Leslie habang dada parin ng dada. Support niya daw ako sa pagiging tanga. Na na-inlove sa rpw.
Kasalanan ko ba na masaya na siya? Kasalanan ko bang masiyado kitang mahal, Leslie para iparaya siya? Wahahaha. Sorry naman. Sorry naman kung agad ko siyang hinayaan. Panong hindi ako susuko kung ako nalang yung lumalaban? Hahahaha. Atsaka talo naman ako eh. Rw kayo nagkakilala. Mas nauna niyong nakita ang isa't isa.
"Babe!" isang lalaki naman ang biglang sumulpot out of nowhere.
"Oh? Babe!" sagot ni Leslie sabay lapit sa lalaki.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula nang dumistansya. Bago pa ako tuluyang makalayo, tinignan ko muli sila.
Magkayap, magka-holding hands, nahahalikan ang isa't isa. Nakakapagtititigan. Wahahaha maswerte ka Leslie at nagawa mo ang mga bagay na yan sa kanya nang personal. Ako kasi hanggang virtual acts lang. At ngayon, hanggang back read nalang.