The One That Got Away

2 0 0
                                    

I'm here. Standing in front of the altar.

"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss the bride!"

We we're high schoolers. When we first met.

***

"Ano papalag ka pa?!" sigaw ko don sa letcheng babae.

Tiningnan niya lang ako ng masama. Kaya naman akmang susugod ako ulit kaso—

"Tumigil ka na." isang malamig na tinig ng isang lalaki ang narinig ko mula sa likod.

Hinarap ko siya. Tss. Bakit ba siya nangenge alam? Dinadagdagan niya lang yung inis na nararamdaman ko! Baka maka sapak din ako ng lalaki ngayon nang wala sa oras tsk.

Kahit pa may kaunting pagka gusto ako sa kanya, hindi ko siya palulusutin ano!

Hindi ko nalang siya pinansin at akmang sasapakin ko ulit yung babae kaso may humawak sa may pulsuhan ko. At hinila ako!

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko habang kinakaladkad niya parin ako.

Patuloy lang ako sa pagpapakawala ng sarili ko pero wala ring silbi.

Dinala niya ako sa isang liblib na lugar. I can sense na naiinis siya. Tsh. Bakit siya maiinis?!

"Hindi mo ba alam na pwede kang ma guidance dahil sa ginawa mo?! Tsk." sigaw niya.

"Nye nye nye pake ko ba. Atsak pakialam mo ba?!"

"Tsk. Ano nalang sasabihin ng mga nandito sa campus?!" sigaw nanaman niya.

"Oh ano? The hell I care! Kahit pa gawan nila ako ng issue, wala. akong. pake!"

"Pwes ako meron!"

"Ano naman pake mo?!" sigaw ko pa.

"Ano nalang sasabihin nila?! Na yung future wife ko basagulera?! Iisipin nila na hindi ka better for me?! Kukwestsunin nila bakit ikaw pa?! And that'll be bullshit!" sigaw niya pa at napapikit habang hinihilot yung sentido niya.

"Yes, i love you but I won't tolerate that kind of act ever again." sabi niya pa at umalis.

What the freak?!

***

Ever since that day palagi na kaming magkasama. Lagi ko siyang kinukulit haha!

"Sus crush mo lang ako eh!" panunukso ko pa.

"Hindi no." sungit ay!

"Indenial ka pa!"

"Hindi nga kasi! I don't like you because I love you!" sigaw niya nang may pahampas lamesa pa at nag walk out.

Take note. Nasa loob kami ng library.

And what did he just said?!

***

Niligawan niya ako hanggang college. At kahit gusto ko siya, hindi ko parin siya sinasagot. Wala trip ko lang hahahaha!

"I, Danica Herrera, promise to take Ivahn Perez as my lawfully wedded husband, in sickness and in health, for richer or for poorer, in thick and thin, in happiness or sorrow, 'til death do us apart."

"I, Ivahn Perez, promise to take Danica Herrera as my lawfully wedded wife, in sickness and in health, for richer or for poorer, in thick and thin, in happiness or sorrow, 'til death do us apart."

Yes we are getting married....

At the wedding booth.

Hahahahaha. Kahit alam ko na fake lang, parang ang sarap pakinggan habang binibitawan niya yung mga salita na yun.

Hindi na rin naman nagtagal at sinagot ko siya. And we are happy together.

«Present»
(before the wedding)

After how many hours of driving, nakarating narin ako sa wakas.

Nandito ako ngayon nakahawak sa railings habang nakatanaw sa baba ng bangin.

"I'm soryy..." nasabi ko nalang at pinunasan ang namuong luha ko.

Sunod sunod na pagtulo na ng luha ang dumaloy sa mga mata ko.

"I'm sorry kung... kung hindi ko na matutupad yung vow ko sa'yo... I'm... i'm sorry if I didn't stop you that night..."

Muli akong nagpunas ng luha.

"Don't worry." sabi ko pa at nagsimula nang kumanta.

"I-in another life.. i would be your girl.. we'll keep all our promises.. be us against the world.." nag crack pa ang boses ko.

"In another life.. i will make you stay.. so i don't have to say you we're the one that got away.. the one that g-got away.."

I was shocked when I saw him in front of me. Hinahawakan niya ang kamay ko habang nakatingin at nakangiti sa akin.

Ngunit, lalo lang bumuhos ang luha ko nang sa isang kisap mata, wala na siya.

Compilation Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon