Kayla's PoV
"Ang cute cute talaga ng babe ko oh!" with feelings na sambit ni Hiro.
Kasalukuyan kaming nasa canteen nagla "landian" choss! Scripted naman yan. 'Tong buscuit kasi na 'to! Kung hindi lang talaga para sa libro..
~flashback~
"Bwisit talaga! Bwisit!"
"Tss. Bunganga mo nasa kwarto kita! Atsaka ang ingay mo! Pwede ba?! Ilang weeks na bruh! Move-on!"
"Eh.. mahal ko pa."
"Tss. Ang bakla mo!"
"Tulungan mo ako please? Nag mamakaawa ako sa'yo." sabi niya at lumuhod pa!
'Bakit kasi balik ka nang balik dun?! Nanfito naman ako!'
Teka... san galing yun?! Erase! Erase!
"Hmm.. ganito. Sabi nila, makikita mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na sila sa piling mo." sabi ko.
"So? Direct to the point na kase!"
"Ang slow amp! What I mean is, ipakita mo sa kanya na masaya ka na or something like that!"
Panandaliang katahimikan. Mukhang nagiisip ang mokong.
Teka may isip ba 'to? Charoot!
"Pano yun? Edi kailangan ko ng rebound..."
"Ah-huh! Ganun na nga!" patango tango na sabi ko.
"Eh wala namang na akong ibang kilala na babae... maliban... sa'yo."
*BOOM*
Parang isang malakas na bomba yun sa akin dahilan para mabingi ako.
"Ano?! So ibig mo sabihin..?"
"Please please please... kahit ano gagawin koo! Ano ba gusto mo libro? Kahit ilan ibibili kita please.."
"Hmm.. kahit ilan ah? Okay! Deal!"
~end of flashback~
Mag 1 month nalang, hindi pa rin bumabalik si Eunice sa mokong na'to.
Pero may progress naman! Minsan nahuhuli namin siya na nakatingin sa amin. Onti nalang din makukuha ko na yung mga libro ko!
Maya't maya pa, umalis na sila Eunice sa canteen. Pero bago pa man din yun, nahuli namin siyang tumingin sa amin.
Nang tuluyan na silang maka alis, agad na binitawan ko si Hiro.
"Sa wakas...! Hmm.. hmm.. yung libro ko ah?"
"Oo na!"
._.
Maaga natapos ang araw at... UWIAN NA! Shemay weekend nanaman~
Excited akong umuwi sa bahay dahil manonood lang ako ng anime magdamag! *^*
"Nandito na po ako!" masayang bati ko.
Akala ko ay sasalubungin nanaman ako nila mama at papa ng may malaking ngiti sa mga mukha nila.
"Hello anak.."
Mukhang problemado sila mama.
"Ma, Pa may problema po ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Ahm.. nak? Kailangan na natin bumalik sa korea as soon as possible."
"Hiling yun ng lola mo nak. Na sana kometo tayo na nasa tabi niya bago siya pumanaw."
Hindi naman ako nakapagsalita. Agad agad?!
"K-kailan po ang alis?"
"Siguro at the end of the month." sagot ni papa.