Just A Dream

8 2 1
                                    

Shanai's PoV

"Shit! Malelate na ako." lakad takbo na ang ginawa ko dahil malelate na talaga ako.

Tumakbo na ako ng tuluyan nang ma-realize ko na nasa entrance palang ako.

Aish! Bwisit yung alarm clock na yun. Tapos yung driver pa inuna pa si mom! Tsk.

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang may mabangga ako.

*BOOGSH*

Araaaaay! Deputa naman oh! Tanghali naman ako nagising ah?! Akala ko ba 3am lang ang sign ng bad luck?!

"Tsk. Di kasi tumitingin sa dinadaanan!" inis na sigaw ng lalaki na nasa harap ko. Halata mo sakanya na nagmamadali na rin siya.

Waah?! Ako pa?! Kengena nanggigil na na ako! Malelate na ako!

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.

"Psh. Ako pa?! Bakit? Kung tumitingin ka lang din naman sa dinadaanan mo---!" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang--

"WAAAAAH!" sigaw ko nang may tumulak sa akin at napatumba nanaman ako. But this time, kay Mr. Sungit.

Dug dug. Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Yu-y-y-yung a-amoy na 'to.... hindi maaari.....

"HINDI PWEDE!" wala sa sariling sigaw ko.

"Yah Ms. Stupid! Why are you screaming?!"

Ay shet. Nakatumba pa pala ako sa kanya.

Umayos ako ng tayo at saglit siyang tinitigan.

"Why are you staring at me like that?!" inis na sabi nito.

*DING DONG DING DONG*

"Fuck!" / "Shit!" mapanabay na usal naming dalawa.

Tumakbo na ako ulit at hindi na siya sinagot pa. I can't believe that he has the smell that i've been looking for ages!

Yes. Hinahanap hanap ko ang amoy na iyon. At hindi ko inaasahan na mahahanap ko 'yon sa isang jerk na tulad niya!

Di rin nagtagal at nakarating na ako sa classroom. At thanks God at wala pa ang professor! Hayy akala ko puro kamalasan lang ako ngayong araw!

Umupo ako doon sa katabi ng isang bakanteng upuan. Maya maya pa't nandiyan na ang teacher namin.

"Hello class. I'm Mrs. Annica Zelestaire."

Woah! Parang ang bata pa ni ma'am para magka asawa. Ang ganda niya at ang kinis. Grabe hahangaan mo talaga ang pisikal niyang katauhan. Nag simula na siyang mag attendance.

"Hmm... Ms. Stanford?" tawag niya sa akin kaya naman ay nagtaas ako ng kamay. Nakatingin lang ako kay ma'am.

"Okay.. Mr. Carter?" sabi ni ma'am pero walang sumagot. Nilibot ko ang tingin ko at walang nagtataas ng kamay.

"Mr. Carter?" ulit pa ni ma'am. At sa pagkakataong ito ay may sumagot na. Pamilyar ang boses niya at parang galing sa may pinto. Hindi ako sigurado kasi nakatuon kay ma'am ang tingin ko.

"Hmm.. Mr. Carter you're late." sabi ni ma'am doon sa lalaki. Waahh! Ang ganda ni ma'am pag naka sideview shet!

"I'm sorry ma'am." paghingi ng tawad nung lalaki pero hindi ko siya pinansin. Wala akong pake sa kanya.

"It's okay Mr. Carter. You have no choice but to be Ms. Stanford's seatmate." hindi lang pisikal na anyo ni ma'am ang hahangaan mo! Pati na rin ugali! Ang bait niya.

Saka lang ako napatingin sa lalaki na tinutukoy ni ma'am nung sabihin niya ang apelyedo ko.

Teka...

Compilation Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon