𝘠𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘰𝘴𝘦 𝘥𝘢𝘺𝘴 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘢𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘯𝘰 𝘳𝘦𝘢𝘴𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘢𝘭𝘭? 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘣𝘰𝘥𝘺'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘷𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘪𝘴 𝘣𝘶𝘴𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘰𝘳𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘵 𝘢𝘩𝘦𝘢𝘥.
"Uy, May! Labas tayo mamaya? G?" tanong ko sa kaibigan ko na kasama ko rin sa trabaho.
Kakaiba kasi pakiramdam ko ngayon. Parang bigla nalang akong nawalan ng gana. Baka kailangan ko mag-relax.
"Uhm, sorry Ariana may kailangan pa akong tapusin eh. Baka mag-overtime ako? Pero salamat sa pag-imbita! Babawi ako next time!" sabi niya at tumakbo na.
"Hmm? Nako 'wag ka na umasa kay May, Ariana. Goal niyang ma-promote ngayon kaya nagpapaka-sipag 'yan," biglang sulpot ni Rhian.
𝘐 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘣𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘺 𝘴𝘦𝘭𝘧 𝘵𝘰 𝘨𝘦𝘵 𝘢𝘯𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘴𝘵𝘦𝘱. 𝘓𝘪𝘬𝘦 𝘐'𝘮 𝘭𝘦𝘧𝘵 𝘣𝘦𝘩𝘪𝘯𝘥 𝘣𝘺 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘰𝘯𝘦 𝘦𝘭𝘴𝘦. 𝘛𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘬𝘦𝘦𝘱𝘴 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘵 𝘐'𝘮 𝘭𝘰𝘴𝘵.
"Ah, everyone! I would like you to meet your new Marketing Manager, Ms. May Asuncion!"
Agad naman kaming nagpalakpakan. Worth it naman pala pag-sisipag ni May.
"Another. Ms. Rhian Santos?" at inilahad niya ang kamay, "I want you to know guys that Ms. Rhian here, is our new Office Assistant."
Muli nanaman kaming nagpalakpakan. Masaya ako para sa kanilang dalawa! Hindi nasayang yung effort nila.
Maya-maya pa, nagsibalikan na sa sila kani-kanilang puwesto. Babalik na rin sana ako nang may tumapik sa balikat ko.
"Ms. Torres, ano na ang balak mo? Dalawa sa kaibigan mo ay napromote na. Balak mo ba imentain ang pagiging office clerk mo?" sabi pa nito at umalis na.
Bigla akong nanlumo. Tama siya. Dalawa sa kaibigan ko napromote na ako nalang hindi.
"Ariana! Sama ka mamaya ah? Mag-celebrate tayo!" pag-yayaya ni Rhian at May.
Tumango nalang ako ng ngumiti.
---
Nasa party kami ngayon pero parang hindi ko kayang mag-enjoy paulit-ulit na nag-eecho yung sinabi ng Director sa akin kanina.
Pero, ano bang magagawa ng pagmumukmok ko? Cheer up, Ariana! Think positive at mag-enjoy ka. Nagcecelebrate kayo para sa friends mo kaya 'wag kang mag-inarte! Bukas na bukas, mag-sisipag ka pa lalo kaya dapat good vibes lang! Aja!
𝘠𝘦𝘢𝘩, 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘐 𝘨𝘰 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘴𝘵𝘰𝘱 𝘮𝘦 𝘪𝘯 𝘮𝘺 𝘵𝘳𝘢𝘤𝘬𝘴. 𝘔𝘺 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘨𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘰𝘶𝘯𝘥𝘦𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘐 𝘦𝘯𝘥 𝘶𝘱 𝘵𝘢𝘭𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘦𝘴𝘴. 𝘐 𝘳𝘢𝘯 𝘴𝘰 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘸𝘩𝘺 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘮𝘦. 𝘞𝘩𝘺 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘮𝘦.
Nagsimula na akong mag-enjoy at naki-ingay sa kanila. Hanggang sa may naaninag ako sa hindi kalayuan.
Stanley?
Wala sa sariling sinundan ko ang lalaki na naaninag ko. May kasama siyang babae kung saan naka-akbay siya.
Hindi ko namalayang nakalabas na pala ako ng bar. Pumunta sila sa likod kaya sumunod ako. Nang makarating ako, mukhang hindi pala magandang ideya na sundan sila. Kasi, gumagawa na sila ng kababalaghan.
Why am I even here at the first place?!
Aalis na sana ako nang magsalita ang lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali. That's Stan!
"Stanley?!" sigaw ko kaya naman napatigil silang dalawa sa ginagawa.
Napaamang ang lalaki habang walang pake na nakatayo ang babae. Ilang sandali pa, hinila si Stan ang kamay ng babae at lalagpasan na sana ako kaya naman hinila ko sa buhok ang babae.
"Ahhh! Stan, help me!" maarteng saad ng babae.
"Ariana, stop it! What you saw is real. Let's end things here. Ang boring mo kasi kaya nag-hanap ako ng iba." sabi niya.
Hindi pa man ako nakakapag-salita pero naka-alis na sila. The fudge?
𝘐 𝘭𝘪𝘦 𝘪𝘯 𝘣𝘦𝘥. 𝘈𝘴 𝘴𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘴 𝘐'𝘮 𝘩𝘰𝘮𝘦. 𝘈𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦𝘯 𝘐 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬, 𝘸𝘩𝘦𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘪𝘵'𝘴 𝘮𝘺 𝘰𝘸𝘯 𝘧𝘢𝘶𝘭𝘵. 𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘩𝘢𝘻𝘺 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵. 𝘐 𝘭𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦, 𝘪𝘵'𝘴 𝘢𝘭𝘮𝘰𝘴𝘵 12.
Nandito na pala ako sa kuwarto. Madilim. Malamig. Ang lungkot.
Mag-mamadaling araw na pero hindi parin ako makatulog. Andaming pumapasok sa isip ko. Mga tanong na hindi ko masagot.
Kasalanan ko bang ganito ako? Gano'n ba talaga ako ka-boring? Tama lang ba na iwan niya ako para sumaya na siya? Pero, ang sakit eh.
Namumugto na ang mga mata ko sa kaka-iyak. Tunog ng tunog ang cellphone ko dahil sa mga text messages nila Rhian at May na hindi ko sinasagot.
𝘞𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘯𝘰 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘱𝘢𝘪𝘯. 𝘚𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘐 𝘥𝘰𝘶𝘣𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘦. 𝘉𝘶𝘵 𝘢𝘵 𝘭𝘦𝘢𝘴𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘥𝘢𝘺 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘰𝘰𝘯, 𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 𝘵𝘰 𝘢𝘯 𝘦𝘯𝘥.
Binuksan ko nalang ang radio para kahit papaano gumaan ang loob ko.
"𝘞𝘩𝘦𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘢𝘯𝘥𝘴 𝘮𝘦𝘦𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘭𝘰𝘤𝘬 𝘴𝘵𝘳𝘪𝘬𝘦𝘴 12, 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘰𝘭𝘥 𝘪𝘵'𝘴 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘵𝘩𝘦 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘮𝘰𝘮𝘦𝘯𝘵, 𝘡𝘦𝘳𝘰 𝘖'𝘤𝘭𝘰𝘤𝘬. 𝘈𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘨𝘰𝘯𝘯𝘢 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘨𝘰𝘯𝘯𝘢 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺." tambad ng musika.
Sakto namang tumunog ang alarm. Tanda ng 12:00 na.
"𝘑𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘢 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘬 𝘰𝘧 𝘴𝘯𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘦𝘵𝘵𝘭𝘪𝘯𝘨. 𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘴 𝘪𝘧 𝘪𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘦𝘨𝘪𝘯𝘯𝘪𝘯𝘨."
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha sa mukha ko.
"𝘖𝘩𝘩 𝘰𝘩𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘨𝘰𝘯𝘯𝘢 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺. 𝘖𝘩𝘩 𝘰𝘩𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘨𝘰𝘯𝘯𝘢 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺"
Right. Wala akong mararating sa pagmumukmok ko.
"Pake mo ba kung iniwan ka ng hayop na 'yon self? Be greatful! Nawalan ka ng walang kwentang tao sa buhay mo!"
I laughed on my own thoughts.
"𝘛𝘶𝘳𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘢𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥. 𝘠𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯 𝘣𝘦𝘩𝘪𝘯 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘮𝘰𝘳𝘦, 𝘡𝘦𝘳𝘰 𝘖'𝘤𝘭𝘰𝘤𝘬."
Isa nanamang bagong araw! Time is gold. Kaya dapat walang masayang na oras ng dahil sa mga walang kwentang tao!