Unravel

1 0 0
                                    

Having a rich family is not easy. Kung sa pananaw ng iba, oo madali lang. Kasi kapag mayaman ka, kapag may pera ka, pwede mong makuha lahat ng materyal na bagay na ninanais mo.

Pero pagdating sa nararamdaman mo? Mahirap. Kasi kontrolado ka nila. Wala kang magagawa kundi sundin ang gusto nila. Sila ang mag dedesisyon kung ano ang mga bawal. Na dapat ganito ka! Dapat kagalang galang kang tingnan. Si ganito si ganyan ang mapapangasawa mo.

Malaya nga akong nakakabili ng kung ano anong mamahaling gamit. Pero paano naman yung kalayaan ko sa sarili ko? Sa nararamdaman ko? Feeling ko nakakulong ako.

I am already engaged. And I also have a relationship with my childhood friend.

Hindi ko alam kung matatawag na cheating ang ginagawa ko. Kasi hindi ko naman mahal ang dapat mapapangasawa ko. Hindi naman siya ang lalaking pinangarap ko.

Pasimple kaming nag kikita ng lalaking totoong mahal ko. Mag o-one year na nga kami. Nagkikita lang naman kami ng mapapangasawa ko kuno kapag may mga family reunion or other events na connected sa company.

Mahirap. Pero masaya ako. Mahirap kasi kailangan namin magtago. Pero masaya parin ako kasi kahit papaano, nagkakasama kaming dalawa.

"Aalis ka ulit love?" tanong niya.

Kasalukuyan kaming nasa isang convenience store. Namimiss ko narin magpunta sa mga ganito. Nakakasawa na ang mga restaurants na tahimik, puro classic music's, at medyo dim ang ilaw. Nakakaantok na ang boring.

"Yes love. Business trip kasi eh." niyakap ko ang braso niya. Aaahh! Mamimiss ko siya. "Tatawag ako pag wala sila okie? Love you."

"Nakoo, naglalambing ang love ko hahahaha! I love you too." sabi niya sabay halik sa noo ko.

•Kinabukasan•

"Yana! Lumabas ka dito ngayon din!" hindi na ako magugulat kung maaga palang ganyan na ang pang bungad ni mama.

May sinend na link sa akin ang secretary ko at, natungo ako sa isang site. May article doon. Na talagang ikakagalit ni mama. Sabi na nga ba't mangyayari at mangyayari 'to.

'The identity of the guy is still unknown.' napabuga naman ako ng hangin nang makita yun.

Mabuti naman. Argh! Pinapahamak ko ang taong mahal ko!

Nang makalabas ako, agad sumalubong ang hiyaw ni mama.

"Ano 'to ha?! Sabihin mong hindi totoo yan! Ilang beses ko bang sasabihin na wag ka na makikipagkita sa kanya ha?! Ikasisira 'to ng pamilya natin!"

Talak lang ng talak si mama habang ako, prenteng nakatayo lang doon.

"Simula ngayon hindi ka na pwedeng umalis ng magisa. Hindi na dapat kayo magkita ulit. Ayusin mo ang gulong 'to. Magkakaroon ng press conference mamaya." sabi niya lang at umalis.

Napaluhod nalang ako nang mawala na si mama. Kainis! Nakakainis! Bakit ba ayaw nilang intindihin yung nararamdaman ko?!

Buo na ang desisyon ko.

~•~

Nasa harap ako ngayon ng maraming tao. Mga flash ng camera, and repoters. Yan ang bumubungad ngayon sa akin.

"Ms. Sandoval. About sa article na kumakalat ngayon. Totoo po ba ito o false alarm lang?"

Ito na. Yung tanong na pwede kong sagutin ng totoo na maaring makasira sa reputasyon ko. O sagutin ko ng kasinungalingan na maaaring magligtas sa amin.

"Ang... lalaki sa picture ay kababata ko."

Nang tumingin ako kay mama, nakasilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Wala na akong pake. Desidido na ako.

"Ang kababata ko.. at ang taong mahal ko."

Natigilan ang lahat. Tumayo na ako at hinayaan sila.

~•~

"Look what you've done!"

Galit na sabi ni mama.

"Our relationship has been a secret for almost a year. It's time to uncover the truth. Hindi niyo ako maiintindihan kaya hindi na ako magpapaliwanag."

~•~

Huli kaming nagkita ni Steven, last week pa. Hindi pa nga siya makapaniwala na umamin ako sa harap ng maraming tao. Nandito ako ngayon sa Amerika dahil sa business trip. Tinatry ko siya i-contact pero hindi siya sumasagot. Arrgh.

Nag aalala na ako.

Then narinig ko si mama. May kausap sa phone.

"Nadispatsa niyo na ba? Good— wala akong pake! Sa ilog, sa basurahan! Basta itapon niyo!" then he ended the call.

"Haa! Sa wakas. Sorry yana. Kailangan yun gawin ni mama."

Kahit hindi niya sabihin, alam ko na kung ano ang ginawa niya... hindi.... hindi pwede...

~•~

Nandito ako ngayon sa cr. Hawak yung kutsilyo..

Siya nalang yung natira sa akin.. siya nalang yung nagpapatatag sa akin.. siya nalang yung dahilan ng kasiyahan ko... pero bakit? Bakit mo to nagawa sa akin ma!

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Patuloy na dumadaloy ang mga luha sa aking mga mata.

Ngumisi ako bago itinapat ang kutsilyo sa palapulsuhan ko.

Magkakasama din tayo ulit love..

~•~
3 days later..

In loving memories of  Steven Alcantara

In loving memories of Yana Sandoval

~•~

Compilation Of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon