Prologue
Mabango, malambot at mainit.
Teka muna.
Hindi mabango ang kwartong tinutulugan namin ni Chacha.
Hindi rin malambot ang papag na higaan ko.
Hindi rin naman mainit ang unang palagi kong yakap, pero mas lalo namang hindi ito huminginga.
Birthday ko kahapon, tapos...
Inaalala ko ang lahat ng pangalan ng santo na itinuro sa akin noong nasa bahay ampunan pa ako. Nagba-baka sakaling kapag nakapagdasal ako sa kanilang lahat ay maging mali ang hinala ko.
Kaso nga lang tanging si San Miguel lang ang na-aalala ko. Kaya mukhang hindi magiging epektibo ang dasal ko.
Bahala na.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Medyo malabo pa dahil diniinan ko ang pagpikit ng maisip kung ano itong katabi ko.
Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay dahan dahan ko naman inangat ang tingin ko at nakita kung tama ba ang hinala ko.
Sabi na eh, hindi nga umepekto ang dasal ko.
Isang mala anghel na may mabangong hininga ang bumungad sa akin.
Paano nya kaya nagagawang maging mabango ang hininga? Ako kase amoy bagoong na nabulok ang hinhinga ko tuwing gigising ako.
Napakatangos ng ilong, may kaunting maliliit na balbas ang tumutubo sa baba nya na siguro ay pag kiniliti sa akin ay mag mumukha akong inasinang bulate.
Napakakinis ng balat, ang kapal ng kilay at ang haba ng mga pilik mata.
Napaka gwapo siguro nito pag gising lalo na at maliwanag na ngayon. Mas klaro na ang mukha n'ya.
Gumalaw ako kaunti para sana bumangon at magibihis na. Ayokong maabutan nya ako sa pag gising n'ya. Nakakahiya pa rin kahit na pokpok ako.
Virgin na pokpok.
Pero hindi na ako virgin simula kagabi.
Nako dali ako nito kay Mamu. Reserve pa naman ako sa mga customer na willing magbayad ng malaki.
Walang bayad 'to ah? Nakalibre ang gago.
Pwede ko rin namang singilin no? Bahala na.
Kaso nga lang, hindi pa ako masyadong nakakagalaw ay bigla akong napa-aray sa sakit.
Biglang gumalaw ang lalaki sa tabi ko.
"Are you ok?" Sabi nya sa malalim na boses.
Nagising sya sa lakas siguro ng pag aray ko.
Lumingon ako sa kanya at tiningnan ang mala tsokolate nyang mga mata. Bumangon sya at tiningnan ako na parang nag aalala.
"T*angina naman. Sobrang laki ba nyan? Ang sakit ha."
——
Mi lugar seguro
——This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No copyright infringement intended.
-
This is my second published story here in wattpad. Expect some typographical and also grammatical errors in here. But I'll make sure to correct them po. :)
You can also use the song provided for every chapter to give you extra feel and emotion while reading.
Enjoy chicas❤️
BINABASA MO ANG
Mi Lugar Seguro
Teen FictionCelestina Del Mundo, a pretty orphan squammy. Celestina is known to be a not so lively convertionalist person, she is also dominating, cannot oppress, and also a fearless woman. Yet also has a very soft and delicate heart for orphans like her. She s...