Chapter 3
Ang ayoko sa lahat ay 'yong tinitingnan ako.
"What? Sorry?" Tiningnan n'ya ako habang nakakunot ang noo nya.
"Ah 'Hi' daw Engineer, Hi daw po." Sabat 'nong lalaking kamukha ni Chitae.
Sa pag kakaalam ko ay hindi 'Hi' ang ibig sabihin ng sinabi ko. Pero di bale na, bahala syang mag isip.
Hindi ko sya pinansin at tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga lalaking kinakain na ang gotong order nila.
"Hoy bayad n'yo, paubos na 'yang kinakain n'yo hindi pa rin kayo nagbabayad." Nilahad ko ang kamay ko sa harapan nila.
"Paki bilisan at may gagawin pa ako." Dagdag ko.
"Dondon, pautang nga muna bente, kulang pang-bayad ko e,." Sabi 'nong isang lalaking may nunal malapit sa ilong.
"Ano ba 'yan, sa susunod huwag kang bibili kung wala kang pang-bayad." Sabi naman 'nong Dondon sabay abot ng benteng lukot sa kausap nya.
"Bago kayo mag-away sa harapan ko ay magbayad na muna kayo." Sabat ko sa kanila.
Napaka maalikabok dito at gusto ko ng umalis. Gawa ng puro buhangin at semento ang paligid, sinabayan pa 'nong truck na dumaan. Edi nagsiliparan lahat ng alikabok. Peste lang.
"How much it is? I'll pay for it all." Sabi ni kuya mong Inglesero.
Hindi ko naiintindihan 'yong sinabi n'ya kaya naman bumulong ako doon sa lalaking mukhang nuno, sya kasi yung mas malapit sa'kin.
"Hoy, ano daw sabi?"
"Magkano daw lahat," sabay kain sa goto n'yang nasa plastik pa.
Ah, ok.
Humarap ako sa lalaking Inglesero na Engineer ata dito, 'yon ang tawag sa kanya e,. Wala akong pakeng pinamewangan sya.
"One tawsan." sabi ko habang nakataas ang kilay at nakatingala sa kanya.
"I see. Dollar or Peso?" Sabi n'ya sa'kin at parang may dinudukot sa likuran n'ya. Baka nangangamot ng puwet. Ewan ko lang din.
Nyala, dollar or peso. Madatung ang loko.
"Dalar." Taas noo kong sabi. Wala namang nakarinig dahil 'yong iba ay umalis na pagkasabi pa lang nung Engineer na sya ang taya. Mga pasal.
Itong atrimitidang nuno sa gilid ko ay nasabat pa.
"Uy 450 lang— aray!" Tinadyakan ko 'yong tuhod nya ng magtigil sya sa pag kuda, sisirain n'ya pa ang diskarte ko. Animal na 'to.
"Manihimik ka d'yan kung ayaw mong sabunutan ko yang balbas mo." Bulong ko sa kanya. "Bibigyan kita ng singkwenta mamaya, kaya itigil mo yang bunganga mo."
Mabilis na nagliwanag ang pagmumukha n'ya pagkasabi ko 'non at dali dali syang tumango. Mukhang pera rin ang isang 'to.
Nilabas n'ya yung wallet n'yang kulay brown, parang Louis Vuitton yung tatak. Namu-mukhaan ko 'yon dahil may ganoon si mamu na brand ng wallet at bag. Ang pinagkaiba nga lang ay mas mukhang tunay 'yong kay Engineer, ang kay mamu kasi kakabili pa lang namamalat na agad, sa lalaki namang 'to mukhang matibay, pang malakasan ganern.
"Here you go." Inabot ni Engineer sa'kin yung papel na may tatlong zero at numero na uno at mukhang dolyar nga kasi hindi pamilyar sa'kin.
Panalo 'to. Magkano ba palitan ngayon? Makakabayad na ako ng renta.
Inabot ko na ito sa kamay n'ya. Malutong ang perang inabot n'ya sa'kin, mukhang kakalabas pa lang ng bangko.
"You should go now, it's not safe here." Sabi n'ya at parang g na g sya sa mundo dahil nakabusangot sya. Pero gwapo pa rin, chos.
"Ano daw sabi?" Bulong ko kay nuno.
Hindi ba talaga 'to marunong mag tagalog? Nahihirapan na ako e,.
"Ang sabi n'ya, yung singkwenta ko daw wag mo daw kalimutan." Sagot n'ya sa'kin habang dinidilaan n'ya yung plastik ng goto.
"Kahit hindi iyon yung sinabi? Sampalin kita dyan eh..." Inirapan ko sya "At pwede ba, tigilan mo na 'yang kakadila mo dyan sa plastik. Hindi mo pa kainin, nahihiya ka pa." Dagdag ko.
Nakakadiri ang isang to.
Sinuksok ko sa bulsa ng sexy short ko ang isang libong dolyar na bayad sa goto. Pero syempre 'no, 450 lang ibibigay ko kay Te Suzette. Iisipin ko na lang na tip yung sobra dito.
Tumalikod na ako sa kanilang dalawa pero bago 'yon ay inirapan ko muna 'yong Engineer na kung makatingin sa'kin ay parang niloko ko sya. Totoo naman, niloko ko naman talaga sya.
Pogi sana kaso di ko naman maintindihan.
"Uy, yung singkwenta ko." Kalabit nung nuno sa'kin.
Kineltukan ko muna sya. Ang kapal ng mukha n'yang hawakan ako.
"Alam mo 'yong bar ni Mamu Brenda?" Tumango naman sya.
"Pumunta ka doon mamaya, ibibigay ko sa'yo doon." Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ano ba naman yan—-aray ko naman!" Hinawakan n'ya 'yong bunbunan n'ya na kineltukan ko ulit.
"Magrereklamo ka pa? ha?" Banta ko sa kanya.
"Hindi na." Sabi nya at ngumuso pa. Feeling n'ya siguro ay kina-cute nya yung ginawa nya. Napangiwi na lang ako.
"Sabihin mo 'Sorry po Master'." Utos ko sa kanya
"Sorry po Master." at ginaya naman ng uto uto. Kineltukan ko nga ulit.
Umalis na ako sa site nila pero bago 'yon ay lumingon muna ako sa Engineer nilang nakasunod ang tingin sakin.
Pasilay nga, bakat eh, chos.
---
Marami ring customer ang bar ngayong gabi gawa ng Biyernes ngayon at sweldo pa. Yung ibang walang kwenta at pabigat na asawa ay syempre dito ang diretso.
Hindi kami magkanda-ugaga sa pag asikaso sa mga kupal na 'to. Tawag dito at tawag doon. Order dito order doon.
May mga nagta-table ng babae, yung iba naman rumerenta ng kwarto sa taas. Yung iba kung saan saan na lang.
Ang bar namin ay 'yong bar na sinusugod ng mga asawang naghihintay ng sweldo ng mga asawa nilang walang kwenta. Itong bar namin ay iyong pugad ng karumihan, kasinungalingan at mga makamundong bagay. Kaya kung hindi mo bet dito, edi mag Padis Point ka, arte mo.
Isa akong pokpok pero hindi pa ako na po-plokplok. Bata pa daw ako sabi ni Mamu at reserba n'ya ako para sa mga customer na willing mag bayad ng malaki. Kaya serve serve muna ako sa mga customer naming mga manyak.
Hindi na sila lugi dahil maganda ako, makinis, maputi, matangkad, mahaba ang mga binti, at sa edad na disi-syete ay sexy at malalaki ang hinaharap ko.
May lahi daw ako, siguro ay nalahian ang nanay ko ng kano tapos iniwan na lang ako kung saan. Dati rin sigurong pokpok ang nanay ko kaya naman 'like mother like daughter' ang ganap ko.Wala naman na akong pake doon basta mapakinabangan ko 'tong ganda ko.
----
BINABASA MO ANG
Mi Lugar Seguro
Teen FictionCelestina Del Mundo, a pretty orphan squammy. Celestina is known to be a not so lively convertionalist person, she is also dominating, cannot oppress, and also a fearless woman. Yet also has a very soft and delicate heart for orphans like her. She s...