Chapter 1

32 2 0
                                    

Chapter 1

"Bakla! Isang bucket ng San mig light kina Ruben, T3 " Sigaw ni Isang, isa sa mga katrabaho dito sa Bar ni Mamu.

Kingina, nandito na naman si Ruben?

Kinuha ko mula sa ilalim ng stainless na lababo ang bucket na paglalagyan ko ng San mig. Nilagyan ko muna ito ng yelo at sinalansan na ang anim na bote ng alak.

Lumabas na ako sa backbar para dalhin itong mga alak sa Table 3.

Mabilis lang akong nakapunta sa lamesa nila Ruben dahil malapit lang ito sa pinanggalingan ko.

"Isang bucket ng San Mig light." Malakas kong inilapag ang bucket sa lamesa nila para maagaw ang atensyon ng tatlong kumag na 'to.

Kung magkekwentuhan lang din naman pala sila, sana doon na lang sila sa labas ng hindi nasisira ang gabi ko. Mga peste.

"Aba, wag kang galit Tinay, ang ganda ganda eh galit na galit, gustong manakit." Kinindatan n'ya pa ako pagkatapos n'yang sabihin 'yon.

Ay putangina gusto ko talagang manakit, lalo na at kung pagmumukha mo lang din naman ang makikita ko.

"Ay pasensya ha? Nadulas lang, hindi ako galit." Nginitian ko sila ng ubod ng tamis bago ako tumalikod para umalis.

"Teka lang Tinay," Pahabol pa nitong si Ruben.

Humarap ako sa kanila at ngumiti ng plastik.

"Walang pang ganito? Yung ganire?" Iminuwestra nya yung pangbukas ng bote.

Pang ganito? tangang to.

Opener na lang puta, hindi pa masabi. Pag katanga tanga.

'Yan oh, yung ngipin mo yung ipangbukas mo tutal mukha namang bakal na nangangalawang.' Gusto ko sanang sabihin pero kinalma ko na lang ang sarili ko. Mahaba pa ang gabing ito para mastress.

Yung ngipin n'ya kasi ay parang tinitipid sa toothpaste, para bang damit na sobrang mantsado ganun.

Nakakadiri.

"Teka lang kukuha ako." Aalis na sana ako ng tawagin n'ya na naman ako.

"Bakit na naman?" Tinaasan ko na sya ng kilay pagkalingon ko. Ang daming gusto ng pesteng 'to, nakakairita.

"Walang chicha?" Tanong n'ya habang tinitingnan ang lamesa.

"Um-order ka ba?"

"Hindi ngayon pa lang, isang chicha tsaka mani. Tsaka padagdag na din ng yelo Tinay na maganda." Nilakihan n'ya ang pag ngiti, mas lalo lang tuloy akong nadiri dahil lumabas yung gilagid n'yang maitim.

Umalis na ako sa harap nila at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maihambalos ko pa sa kanila yung mga bote ng alak sa lamesa nila.

Dumiretso ako sa kitchen para ipaluto yung mga gusto nila. Naghanap na rin ako ng opener sa dishwashing area dahil baka nasa hugasan lahat.

Medyo natagalan bago ako nakalabas dahil maraming order na niluluto si Ton-Ton, tagaluto namin. Hinintay ko na lang din at nakipag kwentuhan muna sa kanya.

Nang makarating ako sa lamesa nila, nakita kong naubos na sila Ruben ang anim na bote ng lights at tinutungga na nila yung panibagong order nila ngayon na stallion

"Saan kayo nakakuha ng opener?" Sabi ko habang nilalapag ang mga order nila sa lamesa.

"Ah, itong si pareng Mario, matitibay pala ang mga ngipin." Tumatawang inakbayan nya yung Mario. Mukhang lango na ang mga animal, mahihinang uri.

"Sya yung nagbukas ng mga bote, tagal mo eh." Patuloy nya pa habang tumatawa sila ng malakas nung Mario.

"Sorry ha? Kasalanan ko." Sarkastiko kong sabi. Inirapan ko na lang sila.

Biglang nabaling ang tingin ko sa isa nilang kasama na nakatungo na.

"Hoy Ruben, anong nangyari dito?" Tinuro ko yung lalaking nakatungo sa tabi nya. Hindi ko alam kung nahinga pa ba 'to, hindi na kasi gumagalaw.

"Ay ito si Dante.." Tumawa ulit silang dalawa ni Mario at nag apir pa.

"Ayan hindi matibay ang ngipin n'yan, tingnan mo," bigla nyang itiningala ang ulo nung Dante.

"Ayan nabungal." Bigla syang dumilat at ngumiti.

Inay ko po. May tumutulong maraming dugo mula sa bibig nung Dante at ang malala, nabasag yung mga ngipin nya sa baba at ubos naman ang sa taas.

Harujusko, anong trip ng mga 'to?

—-

"Dzai, paabot nga ng walis." Maarteng sabi ni Chacha, bestfriend kong beki.

Parehas kaming ampon ni Mamu dito sa bar nya. Ako ay pokpok, si Chacha naman taga make up ng mga pokpok.

"Alam mo, napepeste talaga ako kapag nakikita ko si Ruben." Kwento ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga lamesa.

Alas tres na ng madaling araw at sarado na ang bar namin. Kami ni Chacha ang naglilinis ngayon sa loob ng bar. Sila Tonton, Isang, at yung iba naman ay sa labas ng bar, sa kitchen at backbar.

"Palagi mong sinasabi yan Tinay, wala na bang bago?" Lumingon sya sa akin at pinamewangan ako.

Tumigil muna ako sa pagkuskos ng lamesang may chewing gum at humarap sa kanya.

Sino bang gago ang naglagay nito dito at ang mukha nya ang ipangku-kuskos ko dito?

"Marinig ko lang ang pangalan nya ay sira na agad ang araw ko, ewan ko ba kung anong meron sya at iritableng iritable ako..Makita ko pa lang ang anino nya ay naa-alibadbaran na ako" Umirap ako kay Chacha at nilabas ang isang pakete ng Marlboro Blue sa bulsa ng sexy short ko. Dalawang stick na lang pala ang laman.

"Cha, salo." Binato ko sa kanya yung pakete ng sigarilyo, tig-isa kami.

"Alam mo yung kasabihang 'the more you hate the more you love'?" Tanong ni Chacha habang sinisindihan ang sigarilyo nya.

"Hindi at wala akong pake sa kasabihan na yan," Umirap ako sa kanya. "Pasindi nga." Lumapit ako sa kanyang pwesto para makisindi sa sigarilyo n'ya.

"Malay mo si Ruben pala ang makaka-virgin sayo, ayieee." Kinikilig nya pang sabi habang lumalabas sa ilong nya ang usok ng sigarilyo.

"Parang awa mo na. Patayin mo na lang ako kung ganun lang din naman." Napangiwi ako sa isipin na iyon.

Hindi ko hahayaang mahawakan ako ng animal na iyon sa kahit anong parte ng katawan ko. Napakaswerte n'ya kung nagkataon.

Iniisip ko pa lang na hinahalikan ako ng gunggong na iyon ay kinikilabutan na ako. Kadiri.

"Oh, bakit ka naduduwal?" Takang tanong ni Chacha.

"Tangina naisip ko lang na nilalap-lap ako nung Ruben na 'yon ay nasusuka na ako....Tangina, wag na nating pag usapan 'yon." Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko dahil sa pagkaduwal ko.

Kinikilabutan ako, takte. Nag-isip na lang ako ng ibang bagay habang pinupunasan ko ang ulit 'tong lamesa na may chewing gum.

May makita lang ako na maglagay ulit ng chewing gum sa ibang lamesa ay ingu-ngudngod ko agad agad. Peste.

Mi Lugar SeguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon