Chapter 2
Inunat ko ang katawan ko habang nakahiga sa kawayan kong papag. Hinagilap ko rin ang cellphone kong Cherry mobile na keypad sa ilalim ng unan ko.
Nang makapa ko na ay saka ko iminulat ang mata ko at tiningnan ang oras.
Alas kwatro y media.
Dahan dahan akong bumangon para hindi mahilo. Kada bumabangon kasi ako ay biglang nandidilim ang paningin ko.
Nang sa tingin ko ay pwede na akong tumayo, tumungo agad ako sa palikuran namin para mag hilamos.
Pumasok ako sa maliit naming C.R at ginawa ang dapat kong gawin.
"Lipad ng lipad, paru paru ka ha? Tangina ka." Sabi ko sa ipis na pinatay ko gamit ang tsinelas ko. Lumipad kasi ito at dumapo sa buhok ko.
"Hay! peste naman." Kailangan ko tuloy maligo dahil humawa ang amoy ng ipis sa buhok ko. Mamaya pa sana ako maliligo dahil mamaya pang alas-otso ang pasok ko sa bar. Pero dahil mabaho na ang buhok ko ay mapapaaga ang ligo ko.
Hindi bale, maliligo na lang ulit ako mamaya.
Nang makaligo na ako ay lumabas na ako para mag bihis ng pang bahay. Dito na rin ako sa kwarto nagbihis, natutulog naman si Chacha kaya ok lang. Kahit naman gising yan ay wala naman sa kanya kung sa harapan n'ya ako magbihis. Hindi 'yan titigasan, duraan pa ako n'yan e,.
Nang matapos na ako sa pagbihis, lumapit ako sa higaan ni Chacha. Naririnig ko pang humihilik ang baklitang 'to.
Kinuha ko ang unan sa gilid n'ya at tinakpan ang mukha n'ya.
"Puki kang babae ka. Napaka hayup mo." Tiningnan ako ng masama ni Chacha ng tanggalin ko ang unan sa mukha n'ya
Pumunta na ako sa pintuan habang tumatawa.
"Bakla ka, ang baho ng jininga mo, abot ditey." Tinakpan ko ang ilong ko at nag-kunwaring naaamoy ang hininga n'ya kahit hindi naman talaga.
"Daisy ka, lumesga ka na nga at baka masampal pa kitang bruha ka." Binato n'ya ako ng unan bago sya humiga ulit. Siguro ay matutulog ulit sya, maaga pa naman e,.
"Babush." Pagpapaalam ko sa kanya.
Lumabas na ako sa inuupahang bahay namin ni Chacha. Sa squatter area kami nakakuha ng abot kayang bahay. Sa halagang 1,500 ay may sariling banyo na, na kung minsan ay barado kapag baha, kusinang hindi magamit dahil minsan lang kami magluto, kwartong maliit na kita ang langit dahil butas-butas ang bubong, at kuryente na galing sa jumper na 250 kada buwan.
350 talaga 'yon, pero dahil ginamitan ko ng kagandahan ay ayun at nakatawad.
Ayos naman din kaysa sa wala. Tsagaan na lang talaga at matinding sipag sa pag patay ng ipis pag gabi.
"Hay nako, tabi tayo at may pokarat na dadaan." Ay syempre mawawala ba ang mga chismosa sa ganitong lugar? Aba syempre hindi.
"Tantanan mo ako Marissa. Huwag kang kumuda d'yan."
Nilampasan ko sila ng mga kaibigan nyang kinulang sa hilod.
"Aba nga naman, napakatapang na talaga ng mga pokpok ngayon, ano? Ang kapal ng mukha." Sabi nya sa mga alagad nya kahit naman talaga para sa akin 'yon.
Humarap ako sa kanya para tingnan sya mula ulo hanggang paa.
"Aba, mas makapal ang banil dyan sa katawan mo, huwag kang papatalo, te." Inirapan ko sya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pasalamat sya at wala ako sa mood ngayon dahil nga kagigising ko lang. Kung hindi ay baka naisampal ko sa kanya yung hawak nyang abanikong nanggi-gitata na sa dumi.
Abot langit ang galit sa akin nitong si Marissa dahil ako ang sinisisi nya sa hiwalayan nila ng jowa nyang si Tolits na sidecar driver.
Sukat ba namang nginitian ko lang si Tolits ay nakipaghiwalay na agad sa kanya? Hay nako Marissa, mag si-sipilyo ka rin kasi.
Dumiretso na ako kina ate Suzette, may ari ng gotohan dito sa may amin.
Suma-sideline kasi ako sa kanya bilang dishwasher kada alas singko ng hapon hanggang alas syete y media ng gabi. Sakto lang sa oras ko at may trenta minuto pa ako para mag ayos papasok naman ng bar.
Nang makarating na ako ay nakita kong may iilang customer sa loob.
"Tinay may order 'yong sa construction site, dalhin mo muna." Tinuro sa'kin ni Te Suzette ang lamesang may eco bag na may lamang mga goto.
"Bayad na ba 'to, te? Tanong ko habang tinatantya kung paano ko binitbitin ang eco bag. Medyo mabigat kasi.
"Hindi pa neng, kunin mo na lang. 450 kamo 'yon. Walang lista ngayon punyeta kamo sila." Tinanguan ko na lang sya at umalis na din.
Malapit lang naman 'yong bagong construction site na sinasabi nya. D'yan lang sa may tawid.
Tumatakbo akong tumawid sa highway ng makitang walang sasakyang dumadaan. Sabi nila nakakamatay daw ang pag tawid sa highway, tama naman, mamamatay ka kung tanga kang tumawid.
Pumasok na ako sa loob ng site, malaki rin itong ginagawa nila. Ang sabi condo daw ito pag natapos, sabi naman ng iba supermall. Ang sabi ko naman ay wala akong pakielam.
Maraming nagta-trabaho dito. Hindi ko kilala 'yong iba pero may napansin akong pamilyar sa 'di kalayuan. Si Dante.
Kingina, kamusta na kaya ang ngipin nito? Gago ba naman 'tong si Ruben.
Biglang may nagpatunog ng bakal hudyat na para magbreak na sila.
Napansin naman ako ng iba, at daling pumunta sa akin.
"Ay miss, ikaw po ba yung jowa ni Engineer?"
Jowa ni Engineer? Pinag sasabi nito?
"Uy, huwag tayo lumapit, dali tayo kay Engineer." Suway ng lalaki sa mga kasamahan nya. Mas maliit ito sa akin at mahaba ang balbas.
Mukha s'yang nuno na walang punso.
Napansin kong madami na ang nakapalibot sa akin. Iyong iba ay umiiwas at yung mga manyak naman ay namamangha at tinitingnan ang dibdib at ang mga hita ko.
Naka sexy short at sandong pink na fitted kasi ang suot ko.
"Sino um-order kay Te suzette? Bilisan nyo at kunin nyo na, nangangalay na ako." Pag mamataray ko sa kanila.
Kinuha ng isang lalaking payat ang eco bag na dala ko, pinamigay n'ya ang laman sa mga taong um-order.
Hinayaan ko syang gawin 'yon. Sya siguro ang nakakaalam kung sino ang mga may order. Maiigi 'yan para hindi ako mabadtrip sa kanila. Basta siguraduhin lang nila na buo ang bayad nila.
"What's going on here?" Boses ng isang lalaki ang narinig kong papalapit sa amin.
Nilagay ko ang mga braso ko sa dibdib ko at hinintay kong makita ang lalaking nag-Ingles.
"Ay, Engineer, nakuha ho ng meryenda. Kain ho." Alok 'nong isang may hawak ng goto.
Nang makita ko na ang itsura ng tinatawag nilang Engineer ay hindi pa rin ako natinag sa pagtayo ko at tinaasan ko ito ng kilay ng malipat ang tingin n'ya sa'kin
Kinilatis ko sya. Maganda naman postura nya at ang pangangatawan. Matangkad din sya siguro nasa 6'3.
Nakasuot sya ng kulay puting polo na maiksi ang manggas, itim na pantalon na hapit at rubber shoes na may check. Nakasuot din sya ng sumbrero na katulad sa mga construction worker. Medyo singkit ang mga mata n'yang kulay abo, matangos rin ang ilong, mapupula ang mga labi at napakinis at puti ng balat.
Sinamaan ko sya ng tingin at pinamewangan.
"Tinitingin-tingin mo dyan, ha?" Pag mamataray ko sa kanya.
----
BINABASA MO ANG
Mi Lugar Seguro
Fiksi RemajaCelestina Del Mundo, a pretty orphan squammy. Celestina is known to be a not so lively convertionalist person, she is also dominating, cannot oppress, and also a fearless woman. Yet also has a very soft and delicate heart for orphans like her. She s...