Chapter 4

25 1 0
                                    

Chapter 4


Sarado na ang bar ngayon at heto kami nila Isang at Chacha ang nagbababa sa roll up ng bar.


Pumunta muna sa gilid si Isang para mag yosi.


"Tabi-tabi po." Sabi ni Isang.


"Bakla ka, anong tabi-tabi po ka dyan?" Lumapit si Chacha kay Isang ng matapos na syang maglagay ng padlock sa roll up.


Nandito ako sa likod n'ya at abala sa pag bukas ng cellphone kong masarap ibalya dahil hindi na naman nagbu-bukas. Kaurat.


"Ay oo nga, tabi-tabi po." Sabi ni Chacha


"Ano ba 'yang sinasabi nyo? mga pokpok kayo." Pumunta ako sa kanila para makita kung ano ba yung sinasabihan nila ng tabi-tabi po.


Nang makalapit ako, nakita ko na yung tinutukoy nila.


Hindi pala ano kung hindi sino ang pinagta-tabi tabi po nila.


"Hoy nuno!" Sigaw ko sabay sipa ng bahagya sa lalaking nakaupo at nakanganga na sa gilid ng bar namin. Nakatulugan n'ya siguro ang paghihintay sa singkwenta n'ya. Kawawa naman 'to.


Sinabi ko nga palang pumunta sya dito. Nawala rin sa loob ko na may atraso pa pala ako sa kanya.


Nang dumilat sya ay nag-unat muna sya ng katawan at humikab pa. Dahilan para maamoy ko ang hininga nyang amoy bawang, partida malayo ako n'yan, takte.


Tumingala sya at napadako ang tingin sa'kin.


"Ay Master." Nakangiti syang tumayo.


"Akin na uuwi na ako." Nilahad nya ang kanyang mga palad para doon ilagay ang singkwenta n'ya. Apurado ang puta.


Kinuha ko sa bra ko ang tip nakuha ko kanina. Buti na lang at may tip ako, hindi ko pa naman napalitan yung dolyar ni engineer.


"Oh, lesga na." Nilagyan ko ng isang daan ang palad n'ya. Ngiting-ngiti naman ang loko.


"Sabihin mo muna 'Salamat lods'." Tinaasan ko sya ng kilay.


"Salamat lods" Inulit n'ya ang sinabi ko. Ngiting-ngiti pa syang umalis at kumaway-kaway pang lumingon ang animal ng makalayo na sya.


"Sino yun kiks?" Sabi ni Isang na ngayon ay tina-taktak ang abo ng yosing hawak n'ya.


"Kailan ka pa naging sugar mommy, aber?" Sabat ni Chacha na ngayon ay nagsisindi ng yosi.


"Tanga mo, sugar mommy." Inirapan ko ang baklang si Chacha. "Doon yun sa site, may utang ako."


Hindi ko na sinabi ang diskarteng ginawa ko sa site at kay Engineer kanina dahil malamang sa malamang ay sasabunutan n'ya ako.

Mi Lugar SeguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon