Chapter 8
Ibinababa ko ang bag na pinahiram sa'kinsa tabi ko at tiningnan silang lahat na nakaupo sa couch sa harap ko.
Hindi ako umalis sa pagkaka-upo ko simula ng makita nila ako dito kanina. Baka mamaya kasi, isipin nila na uminom nga ako sa mga alak nila kaya ako aalis. Guilty ba ganoon.
Sumandal ako sa sa sandalan ng couch at nag-di kwatro. Tinaasan ko sila ng kilay isa isa para malaman nila na hindi ako nag papa-api, kahit na wala naman talaga silang ginagawa sa'kin.
"Oh? Tapos? Magti-titigan na lang tayo dito?" Inayos ko 'yong buhok kong lumaglag ng kaunti sa mukha ko at bumalik sa pagma-mataray
Tumawa silang lahat, nag-apir pa 'yong lalaking mukhang bunot at 'yong naka-antipara. 'Yong bet ko naman na mukhang anghel ay napangiti lang.
Bet ko lang sya pero wala akong balak ma-fall sa kanya. Chura n'ya.
"You're cute and seem fearless." Kinidatan ako nung naka-antipara.
Lumapit itong mukhang bunot ang buhok at tumabi sa'kin.
"Calvin the great, lady, and you?" Inilahad n'ya ang kamay n'ya sakin, tinaas-taas n'ya pa ang isang kilay n'ya, nag mukha lang tuloy syang manyak sa ginawa n'ya.
Parang may kaugali 'to na napapanood ko dati, 'yong Johnny Bravo ba 'yon?
May pagka-hambog din kasi ang isang 'to katulad sa nung Johnny Bravo. Ay ewan ko, tinatamad ako mag-isip.Tinaasan ko nga lang din sya ng kilay, aba syempre hindi ako magpa-pakabog.
Pogi naman pala sya, nag mukha lang syang bunot dahil sa buhok n'ya. Ano ba naman kasing trip nito at ganito ang gupit n'ya?
"Hindi ko tinatanong." Tumingin ako sa malayo at initsapwera ang pagpa-pakilala n'ya. Saka na siguro kung hindi na sya mukhang bunot.
"E, hindi naman pala tinatanong bro." Tumatawang sabi 'nong shibolin doon sa katabi n'yang poging singkit.
"'Yan kasi, panay ka hambog sa katawan." Kanina ko pa pansin ang pag suklay nitong naka-antipara sa buhok n'ya. Nakasanayan n'ya na siguro, ano?, kiber ko din ba.
Umalis na sa harapan ko ang nagpa-kilalang Calvin the great daw, sinuntok n'ya sa binti itong naka-antipara pag kaupo n'ya sa tabi nito.
Ang shokla ng pangalan, kung 'yon man ang buo n'yang pangalan.
"I'm Luke, ikaw? What's your name?" Ah, Luke ang pangalan 'nong mahilig suklayin ang buhok gamit ang daliri.
Inabot ko ang kamay n'ya at nakipag shake hands. Ang shala ng relo n'ya ha, pang-malakasan.
"Tinay." Walang emosyon kong sagot.
"Tinay? Cute name. I'm Khal." Ngiti sa'kin nung shibolin. Inabot ko rin ang kamay n'ya.
"Ang daya, she shook hands with you two while I just got ignored? That's unfair, bro." Parang iiyak na 'tong bunot na 'to sa pwesto n'ya ng dahil lang sa hindi ako nakipag kamay sa kanya. Inirapan ko na nga lang sya ulit.
Nagbago na ang isip ko, hindi na pala ako makikipag kamay sa kanya pag humaba na ang buhok n'ya. Ayoko sa ma-drama n'ya, che.
"Gab." Nakangiti habang nakaupong pagpapakilala 'nung poging singkit sa'kin.
Gab pala ang pangalan n'ya. Ang cool n'ya tuloy lalo na ngayon na nag va-vape sya.
"Ang baho ng juice mo, palitan mo 'yan bro." Tinakpan nung Khal ang ilong n'ya. Ok naman ang amoy ha? Amoy buble gum.
Pinitik lang sya sa noo nung Gab. Bagay talaga sila, sayang.
"Tinay, I'm Theo. Nice to meet you." Bigla akong napatingin sa lalaking mukhang anghel. Tumayo sya at lumapit sa'kin para abutin ang kanang kamay ko at halikan. Nagulat ako, anong pa-epek nito?
BINABASA MO ANG
Mi Lugar Seguro
Teen FictionCelestina Del Mundo, a pretty orphan squammy. Celestina is known to be a not so lively convertionalist person, she is also dominating, cannot oppress, and also a fearless woman. Yet also has a very soft and delicate heart for orphans like her. She s...