Chapter 10
"Ang shala naman ng sasakyan mo." Manghang saad ko ng makita ko ang nagmumurang kulay pula n'yang kotse.
"Thank you." Kininditan n'ya ako at pinagbuksan ng pintuan.
Chura, harot nito. Tss.
Lakas maka shala ng pagbukas epek ni Theo. Feeling amo tuloy ang ganap ko.
Pumasok na ako sa loob at inikot ko ang aking paningin sa loob ng sasakyan n'ya. Napakalinis at napakabango.
Umikot sya papunta sa kabila at sumakay na rin sa loob.
"Your seatbelt, Tinay." Tumingin sya sakin at inaayos n'ya na ang kanyang seatbelt.
Ginaya ko lang rin ang ginawa n'ya. Kaso medyo nahirapan ako.
Nakita n'ya ang sitwasyon ko at agad naman syang lumapit sa'kin para ayusin ito.
"Pasensya na, mahirap lang e,. Walang ganito sa bundok."
Ang bango na nga ng sasakyan, ang bango din ng may ari.
Tumawa lang sya ng mahina at umiling. Binuksan n'ya na ang makina ng sasakyan at kalaunan ay umandar na kami.
——
Malapit na kami sa Tambo. Dito ko na lang piniling magpababa dahil ayoko ng magpahatid sa kanya hanggang sa tinitirhan ko. Napaka abusado ko na pag ganoon.
"Ano nga palang nangyari sa kamay ko?" Tiningnan ko ang kamay kong may benda.
"Does it hurt?" Tumingin muna sya sa akin at sa kamay ko bago bumalik ang tingin sa kalsada.
"Ha? Pwedeng tagalog?"
Tumawa sya bahagya dahilan para makita ko ang maliit na dimple sa gilid ng labi n'ya.
"Sorry, masakit ba?"
"Medyo makirot."
"You- I mean, nahulog mo yung baso nung pinapainom kita ng tubig kagabi, then you insisted to clean it yourself. You already picked up the broken glass carelessly before I could even stop you. So yeah, it cut your palm."
Tiningnan ko lang sya ng masama at inirapan.
"Ang sabi ko tagalog, panay ka Ingles. Pampam ka din eh."
"I'm sorry...sanay kasi ako mag-english." Tumawa sya saglit. "Nabubog ka."
Bubog lang pala ang dami pang kuda. Echosero.
——
"Are you sure na dito ka lang magpapahatid?"
"Oo, salamat nga pala ulit...tsaka dito." Itinaas ko ang binili n'yang gamot at pang-linis sa sugat ko.
"Magkikita pa tayo, ulit."
"Ha?" Hindi ko masyadong narinig yung sinabi n'ya kasi may dumaan na bus tapos bumusina pa, ay peste lang.
"Take care, Tinay." Nginitian n'ya ako at sumakay na sya sa kotse n'ya at umalis.
Alas syete y media na at nandito ako ngayon sa bar at nagpupunas ng mga lamesa.
Laking pasasalamat ko at tulog si Chacha ng makauwi ako kanina, kaya naman hindi n'ya nalaman na tirik na ang araw ng makauwi ako. Buti na lang din dahil sampal de gulat ang abot ko.
"Tinay!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Mamu na sobrang fresh habang lumalakad ng pakendeng kendeng papunta sa'kin.
"Saan ka nagpuntang bata ka? Hindi na kita mahanap sa bar kagabi! Anong nangyari sayo ha? Virgin ka pa ba?" Tanong n'ya habang pinaikot ikot n'ya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Mi Lugar Seguro
Teen FictionCelestina Del Mundo, a pretty orphan squammy. Celestina is known to be a not so lively convertionalist person, she is also dominating, cannot oppress, and also a fearless woman. Yet also has a very soft and delicate heart for orphans like her. She s...