Chapter 11

8 1 0
                                    

Chapter 11

"Theo!"

Nakita kong busy sya sa cellphone na hawak n'ya habang nakasandal sa dingding sa labas ng bar nila Dhapny.

Ano bang problema ng lalaking ito at napadpad sya lugar na ito? Huwag n'yang sabihing taga dito lang sya sa malapit dahil alam ko kung saan sya nakatira.

Hindi naman din siguro ito yung mga trip n'yang bar ano? Kahit na medyo mas presentable ang bar ni Dhapny ay malayo pa rin ito sa bar kung saan ko sya nakilala.

Ayoko naman din na isiping sinundan n'ya ako nung huli naming kita kasi nakita ko kung paano sya umalis sa harapan ko.

"Hi, Tinay." Umayos sya ng tayo ng makita n'ya ako at inilagay na ang cellphone n'yang hawak sa kanyang bulsa.

Nakasuot sya ng kulay itim na t-shirt na may parang araw na mukha ring bulaklak na kulay puti ang disenyo sa harap. Ewan ko kung anong nakalagay doon, wala akong pake. Naka pantalon na kulay itim rin sya, hapit ito sa kanya. Puting sapatos naman ang sa paa n'ya. Halatang mamahalin ang mga suot n'ya, at bango rin n'ya ha. Partida malayo pa ako medyo sa kanya

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko sya ng kilay at pinamewangan. Parang wala syang pake kung tinatarayan ko sya kasi nakangiti lang sakin ang ungas at nakasuksok ang kanyang mga kamay sa bulsa ng patalon n'ya.

Pasalamat ka at gwapo ka kaya papayagan kitang ngiti-ngitian ako.

"At wag kang mag Ingles kung ayaw mong layasan kita." Dugtong ko.

"Syempre hindi, nag practice na ako kanina sa bahay before I- ay sorry, bago pumunta dito."

"Edi wow." Inirapan ko sya. "Eh bakit ka nga nandito? Trip mo ba sa mga ganitong bar?"

"Bakit hindi?" Napatawa sya bahagya.

"Mukhang hindi. Kasi mayaman ka no, malay ko na baka nadudumihan ka sa mga ganitong lugar. Dito sa mismong lugar namin." Inikot ko ang paningin ko at tiningnan ang paligid. Madilim at tanging mga ilaw sa poste at mga sasakyang dumadaan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid, sarado na kasi ang ibang bar kaya dagdag ang dilim.

May nakita pa akong asong tumatae malapit sa'min. Hay, peste lang.

Ito talagang si ate Chona, pabaya sa mga aso nyang galis, tss.

"Hindi naman ah. Ok nga dito, actually mas sariwa ang hangin here."

"Anong sariwang hangin ka dyan? Ikaw ba eh nasinghot ng dinikdik na chlorine?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. " Itigil mo yan, hindi maganda sa kalusugan yan."

Tao ba ito? Anong sariwang hangin ang meron dito? Eh nakahalo na sa hangin dito ang hininga at utot ng impaktong si Ruben, isama mo pa si Marissang kutuhin at ang tropa n'yang mana sa kanya.

Tumawa lang sya at hinila ako palapit sa isang sasakyan. Hindi ito ang sasakyan n'ya na ginamit paghatid sa akin, kulay itim ito at may dalawang tambutso.

"Hoy! Teka lang huwag mo nga ako hawakan." Tinanggal ko sa kamay n'ya ang kamay ko. Hindi porket betchay ko sya ay keri ng hawak hawakan n'ya pa ulit ako. Aba nakakailan na sya!

"Pasensya, pwede ka bang sumama sa akin? Ok lang?" Napatawa ako sa pag sabi n'ya niyon. Halatang hindi sya ganoon kasanay mag tagalog. Kawawa naman ito, pero mas kakawa ako no! Mas kawawa ako kasi hindi talaga ako nakakaintindi ng Ingles. Kaya naman pasensya na rin at sya ang mag-adjust.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Hindi ko alam pero gusto kong sumama sa kanya. Meron sa kanya na hindi ko malaman, yung pakiramdam na hindi sya gagawa ng kasalanan? Hindi ko alam kung sa itsura n'ya lang iyon na mala-anghel o ano ba. Pero iniisip ko lang na baka biglang magising si Chacha at hanapin ako, nako lagot talaga ako.

Mi Lugar SeguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon