WARNING: Graphic scenes.
Chapter Three
Margot
ALONA VISITED HER the next day. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pakay nito sa kanya. Magkaharap sila sa coffee table sa loob ng kwarto niya. Nakabukas na ang bintana at presko ang hangin. Ang view sa kwarto niya ay 'di gano'n kaganda. Meron kasing napabayaang garden sa labas nito. Puno na 'yon ng talahib, 'di naman daw pwedeng ayusin sabi ni Mendez.
"You're gonna work starting today. I'm sure Mendez told you, right?" Tumango siya rito. Nakasuot ito ng jeans at t-shirt. Naka-sneakers lang din ang babae, malayong-malayo sa ayos nito kagabi.
"So, just remember few things, okay. Hindi pwedeng kumain ang mga babaeng 'di sumusunod. Ang ibang sumusunod naman, tatlong beses, 'tapos ang—Margot! Are you even listening to me?!"
Nakatunganga lang kasi siya kay Alona. She blinked several times, trying so hard to digest what Alona just said. "When you said, they can't eat. Is it like...starving them?" nanlulumo niyang tanong.
"Ahhh!" Alona frustratedly excalimed. "For Pete sake, okay. Yes, they starve. Why would I even bother in making it all sound good? E gano'n pa rin naman," Alona mumbled. She leaned back on her chair and took a sip of her juice that was served by Kristina.
"T-talaga?"
"Yes, they starve if they don't follow the rules. They eat if they follow. Gano'n lang kasimple. Ituturo ko sa 'yo mamaya kung sino ang mga papakainin mo ro'n. Bigyan kita ng schedule—"
"Alona, how can you make it all sound so casual?"
Alona mockingly laughed. "So, what do you want me to do? Cry for them? Save them?" sarkastiko nitong tanong. Nainsulto si Margot. Akala niya talaga mukhang bitch lang 'tong si Alona pero bitch pala talaga 'to.
"Those women are for auction, Alona. Babae ka rin dapat alam mo kung ga'no kahirap malagay sa gano'ng sitwasyon!"
Tumigil si Alona sa pag-inom ng juice. Ang sama nitong makatingin sa kanya. "I know what they feel. I've been there. And I've done that." Humugot ito ng malalim na hininga. "But what can we really do, Margot? Look, I don't even know why the hell are you here. You're clearly not cut out for this. At sa totoo lang, wala akong pakialam. May sarili rin akong problemang inaalala. Pero Margot, just do your fucking job: feed them and don't talk to them. Okay?"
Napayuko siya. "I'm sorry. I didn't mean to snap at you."
"Naiintindihan ko naman," sagot ni Alona. "Dumaan din naman ako sa ganyan. Lahat ng 'to, bago sa 'yo and I really understand that. But you need to survive, we need to survive. And you won't survive if you would always use your heart here in Serafina. Tibayan mo ang sikmura mo, wala pa 'yan. Tip of the iceberg palang 'yan," dagdag nito bago umalis.
Gano'n din ang sinabi ni Kristina sa kanya. Kailangan daw niyang tibayan ang sikmura niya. Isang oras bago umalis si Alona, pumasok naman si Kristina. Naabutan siya nitong namumugto ang mga mata. Naaawa siya nitong tiningnan bago yakapin.
"Palagi ka na lang umiiyak dito." Parang ate niya na ang babae. Anim na taon ang tanda nito sa kanya. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, 'wag mo masyadong dibdibin lahat."
Bumitaw ito sa kanya. May binigay itong uniporme na pang-katulong. Lagpas tuhod ang palda at pormal naman tingnan. 'Yon din ang normal na suot ni Kristina kapag nagtatrabaho. "Ito na 'yong listahan. Pinapabigay pala ni Alona."
"Hindi ko 'to kaya."
"Ano ka ba! Kaya mo 'yan. Magbibigay ka lang naman ng pagkain, Margot. Huwag mo na masyadong isipin. Magbingi-bingihan at magbulag-bulagan ka na lang kapag nando'n ka na. Basta, 'wag mo dibdibin!"
YOU ARE READING
Kiss Me Death
General Fiction(18+) She was delivered to him like a burden. Margot Ledesma is a kind-hearted woman, young and trusting, with a deep desire to live a positive life. She believed she could convince the people cheated by Martin to forgive him. But fate had other pla...