Chapter Six
Margot
NAGISING SIYA SA init ng kanyang katawan. Pinilit niyang idilat ang mga mata at umaga na. Tumatama ang kaunting sinag ng araw sa kanyang hubad na katawan. 'Di na rin naman gabi pero nanginginig pa rin siya. 'Yong sugat niya pala sa leeg 'di pa rin 'yon nalilinisan.
Wala ring ideya si Margot kung anong oras na. Sabi ni Lukas kagabi, 'di na raw siya kakain at maliligo. Narinig niya naman kay Alona na gano'n daw talaga para sumunod ang mga babae. Gugutumin nila para manghina. At 'di hahayaang maligo para mas bumaba ang tingin sa sarili.
Margot badly wanted to drink water. She was thirsty and tired. Kakagising niya lang pero pagod pa rin siya. Wala rin kasing kalidad ang naging pagtulog niya sa malamig na sahig.
She was craving for warmth as her body shivered in cold. Sinandal na lang ni Margot ang katawan sa pader, sabay pikit ng mga mata.
Gusto niya na lang talagang pumikit at kalimutan ang lahat. Ang hina pala talaga ng katawan niya. Isang gabi palang na nilalamig ay nilagnat na agad siya. She wanted hot mushroom soup. Then warm shower.
Margot hummed and tried to lull herself to sleep. Hoping that when she woke up, it was all just a bad dream.
Lukas
WALANG NAGLALAKAS NG loob na kumausap kay Lukas. Umagang-umaga pero masama agad ang araw niya. Halata naman sa napaka-seryoso niyang mukha. Kaunting ingay lang ay naiirita rin agad siya. 'Di niya natapos ang agahan dahil nairita lang siya ng husto sa katulong. Umiyak kasi 'to agad ng sigawan niya. Pinapalitan niya lang naman ang timpla nitong kape.
"Nasa'n na ba 'yong dating nagtitimpla ng kape ko?!" singhal niya kay Mendez.
Seryoso rin ang matanda. Kahit ito, 'di rin kumikibo kung 'di niya kakausapin. Natatakot na mapag-buntunan niya ng galit. Dapat lang dahil 'di niya pa rin nakakalimutan kung pa'no nito dalhin si Margot sa auction hall para tagpuin ang kaibigan nito.
"She retired last week, Lukas," sagot ni Mendez.
"Pwe's, maghanap ka ng bago, 'yong hindi istupida magtimpla ng kape!"
"Wala ka namang naging problema sa kape na tinimpla niya kahapon. Siya na 'yong pamalit sa retired na helper natin—"
"Mendez, hindi ko gusto marinig ang paliwanag mo! Maghanap ka ng bago! 'Yong hindi masyadong emosyanal kapag nasisigawan!"
Kumibot ang labi ng matanda. "Why are you smiling? Are you insulting me? Do you really think I'm joking?" angil niya.
Mendez just sighed. Umatras na ang matanda. "I'm not smiling, Lukas. Sige, hahanap ako ng bagong katulong. 'Yong magaling magtimpla ng kape, hindi emosyonal at 'yong 'di sumasagot sa 'yo," pagpaparinig nito bago siya talikuran.
Wala naman siyang nasabi pagka-alis nito. Nanggigigil pa rin siya. Pumunta agad siya ng kanyang study pagkatapos ng walang kwenta niyang agahan. 'Di rin nagpakita sina Q at Win sa kanya dahil sa may pinaasikaso siya sa mga 'to tungkol sa casino. Si Alona, pumasok naman ng study niya para magbigay ng report tungkol sa auction sa Biyernes.
"Boss, madaming gustong makisali sa auction ngayong Biyernes. Nasabihan ko na sila kung sino ang isasalang natin. Pero si Paco, Boss. Gusto niya na lang bilhin si..." Napalunok si Alona.
Tumalim ang titig niya rito. "What?" he annoyingly asked.
"Si Margot, Boss. Gusto na lang siyang bilhin ni Paco. If you want Boss, I can arrange a meeting for both of you."
"Hindi na kailangan," he simply said. Alona just nodded. 'Di rin maintindihan kung ano nasa isip niya. Tutal, siya pa naman ang nagsabi rito kagabi na mag-organisa agad ng auction para kay Margot.
YOU ARE READING
Kiss Me Death
General Fiction(18+) She was delivered to him like a burden. Margot Ledesma is a kind-hearted woman, young and trusting, with a deep desire to live a positive life. She believed she could convince the people cheated by Martin to forgive him. But fate had other pla...