Chapter Five

1.1K 43 3
                                    

WARNING: Graphic scenes.

Chapter Five

Margot

KAPAG MAG-ISA KA kung anoano na talaga ang papasok sa isip mo. Her anxiety was crippling. Bakit mo sinabi 'yon? tudyo ng isip ni Margot. Wala e, nasabi niya na ang mga nasabi niya. She didn't want to take it back.

Madaling-araw na at nanonoot ng husto ang lamig sa kanyang katawan. 'Di na nga niya mapigilan ang panginginig. She was clenching her teeth so hard while hugging her knees. It was the only position that seemed comfortable. Lying on the floor and trying to sleep was pointless. Sa lamig ng sahig, 'di niya magawang pumikit man lang.

May maliit na bintana ang kanyang selda. Buwan lang ang nakikita niya ro'n. It was full moon today. And it was the only light that she can see. Sumasakit na ang leeg niya sa kakatingala niya rito. Ayaw niyang lubayan ang sinag ng buwan. Nag-uumpisa na kasing lamunin ng takot ang sistema niya. 'Tapos sobrang dilim pa sa barracks. At wala rin siyang marinig na kahit anong tunog, maliban sa malalim niyang paghinga at tumatambol na puso.

Sa halos isang linggo niyang paghahatid ng pagkain sa barracks, arawaraw niyang inisip kung may kahinaan ba ang lugar. Questions swirled in her mind: How can I help them? How can I get them out of here alive? It was all dead end.

Ginawa talaga ang barracks para maging kulungan ng kinseng babae. It was made of thick brick walls and separated by different compartment inside. Those were women's prison cell, cold steel bars caged them. Suffocated them. Walang laman ngayon ang mga selda. Naibenta na kasi 'yong mga babaeng nando'n dati, maliban na lang kay Althea.

'Yong ibang babaeng nakita niya ay naka-kadena at posas. Sabi ni Alona, gano'n daw talaga 'yon kapag 'di na makontrol ang mga babae. Kapag puro na lang iyak at sigaw ang mga ginagawa ng mga 'to.

Gustung-gusto niyang sagutin si Alona no'n. Sino ang 'di sisigaw at iiyak kung nasa gano'ng sitwasyon ka? Pero pwede pala. Dahil siya nga tumigil na lang din sa pag-iyak makalipas ang isang oras.

She was dead beat. Her eyes were swollen. And her neck was also painful. Hindi na nga 'yon nagamot. Pinunit niya na lang ang kapirasong tela ng T-shirt at pinalibot sa leeg, humihiling na sana 'di siya mainspeksyon. Hindi tumigil ang pagdugo ng sugat niya ro'n. She had this paranoia again. Pa'no na lang kapag namatay siya rito? No one will look for her. Her parents are dead. Her brother was hiding. She was all alone. Mamatay siyang mag-isa.

"You're crying again," a taunting voice said from the dark. Parang inasahan na talaga nito na iiyak siya. Na sa unang gabi palang ay bibigay na agad siya.

Hindi niya nga namalayan ang pag-iyak niya, pero nang ipunas niya ang kamay sa mga mata. Basang-basa na nga 'yon. Todo iyak na pala talaga siya kanina pa. 'Di niya kasi mapigilan, naiinis na lang din siya sarili niya.

Lumapit ang lalaki sa kanyang selda, pumagitna ito at nasinagan ng buwan. Kahit ayaw niya 'tong tingnan, 'di niya rin napigilan ang sarili. It was Lukas, he had this smug expression. The side of his lips curled upward, making him look more threatening.

"How's your new room? Liking it?"

Binuka ni Margot ang mga labi, 'tapos sinara rin 'yon. Ang mga mata ni Lukas naglakbay mula mukha niya at tumagal sa leeg niyang nasugatan. Tumingin lang ulit ito sa mukha kanya, walang pakialam na dumudugo pa rin ang sugat niya sa leeg.

"I'll forgive you, but you need to beg for my forgiveness," sambit nito.

Forgiveness? Nagpapatawa ba 'to? Narinig niya ba 'to ng tama? "Go on. Beg for my forgiveness. Kneel and ask me to forgive you," he arrogantly commanded.

Kiss Me DeathWhere stories live. Discover now