Chapter Four

1.2K 40 3
                                    

WARNING: Graphic scenes.

Chapter Four

Margot

ANG AKALA TALAGA ni Margot ay makakasali siya sa pagse-serve ng drinks sa auction mamayang gabi. Nadismaya talaga siya ng husto nang ibalita ni Kristina na 'di pwede. Gusto pa naman sana niyang makita si Althea. Kahit 'yon na lang, 'di niya rin kasi alam kung ano na ang mangyayari sa kaibigan pagkatapos ng bidding.

"I just wanna see Althea, Kristina. Please."

Kristina sighed heavily. "'Di nga pwede. Nagbilin na sa 'kin si Alona. Mainit na ulo no'n. Huwag ka ng makulit kasi."

Abala buong araw si Kristina, umaga lang siya nito dinalaw sa kanyang kwarto para maghatid ng agahan niya. Ibang katulong naman ang naghatid ng tanghalian at hapunan niya. Pasado alas-otso ng gabi, pinuntahan siya ni Mendez sa kwarto niya. Ngayon na lang ulit sila nag-usap nito matapos siyang bigyan ng utos.

"Hindi mo raw kinakain pagkain mo."

Mendez was looking at the untouch lunch and dinner on her table. Malamang sinabi ng katulong dito na 'di niya ginalaw ang pagkaing binigay sa kanya. Sinabihan naman siya ng katulong kanina bandang alas-siyete na kainin niya na 'yong tanghalian at hapunan niya. 'Di niya magawa lalo na't mamaya na ang auction para kay Althea.

"Margot, not everyone has opportunity to eat. I'm sure, you know that by now. Don't waste the food. Eat it."

Dapat aalis na rin agad ang matanda matapos siyang pagsabihan. Pero hinarangan niya ito bago lumabas ng pintuan. "Help me, please. I want to see Althea. Hindi ko alam kung makikita ko pa siya ulit. I just need to make sure that she's fine."

"Margot, iha, nothing will change. She's still going to be part of the auction," anito. "Eat your food. And help yourself."

Mendez sounded so unkind. Simula nang dumating siya sa Serafina, sina Mendez at Kristina lang ang nakakausap niya ng maayos. Mas madali niyang napakisamahan ang mga 'to. They have been kind to her that she easily noticed when their demeanor changed.

Hinawakan niya ang palad nito. "Mr Mendez," she softly called him. Bumuntung-hininga na lang 'to habang nakatingin sa kanya. "You see, I don't have many friends outside and Althea...she's my closest friend in college. She's the closest link that I have in my life before all of this happened."

"Hindi ka talaga titigil 'no?"

Nakangiti siyang umiling. "Mabilis lang, please. Kakamustahin ko lang siya 'tapos aalis na rin ako. Please."

Nararamdaman niya namang papayag si Mendez sa pakiusap niya.

Sumilay rin ang ngiti sa labi ng matanda. "Sige para tumigil ka na at kumain," anito.

Tumili siya at nayakap niya 'to. "Thank you, Mendez! Thank you," natutuwa niyang sabi. Bumitaw siya rito at umayos ang matanda ng tayo. Nailang ata ito sa pagyakap niya.

"Mabilis lang ah. Malalagot tayo kay Lukas kapag nalaman niya 'to. Dapat 'di kayo mag-pang abot do'n."

Naging totoo naman si Mendez sa naging usapan nila. Eksaktong alas dose ng hatinggabi ay sinundo siya nito. Wala ang palaging bantay sa labas ng kwarto niya. Naglakad sila papuntang North Wing, naka-jeans at t-shirt lang siya. Nag-flats lang din siya para 'di sumakit ang paa niya katulad no'ng nakaraan.

Nadaanan nila ang parking lot sa North Wing, andaming nakaparadang mamahaling sasakyan. May mga guards sa tabi-tabi pero wala namang sumisita sa kanya. Makalipas ang ilang sandali, nakarating na rin sila ng bulwagan kung sa'n gaganapin ang auction. Humugot siya ng malalim na hininga. Umaasa siya na kumakapit pa rin si Althea kahit na ang bigat ng pinagdadaanan nito.

Kiss Me DeathWhere stories live. Discover now