Don't mind the typographical and grammatical errors. EDIT KO NALANG PAG TAPOS KO NA LAHAT NG CHAPTERS.
*********
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya pakawalan sa mga bisig ko. Ang sakit ng makita ang mahal mong nagmamakaawang pakawalan mo siya kahit ayaw na ayaw mo.
Ang sakit kasi habang pinaglalaban mo na pasuko na siya. Ang sakit kasi parang samin dalawa ako lang 'Yong nagmamahal sakaniya.Kahit paulit-ulit niya akong saktan minamahal ko pa din siya. Kahit paulit-ulit niya akong pinapalayo nag s-stay pa din ako. Kahit nasasaktan ko na siya.
Diba pag nag stay sa'yo ang isang tao, kahit masakit dapat matuwa ka? Kasi kahit anong gawin mo hindi parin siya aalis sa tabi mo. Peeo bakit ako? Pinipilit kong mag stay sa taong matagal nang walang pakialam sa'kin.
Hindi ako kumain kasi gusto kong sabay kaming kumain ni Alexuse.
Nasa Canteen siya ngayon, lumapit ako sakanila. Nagulat ata sila sa biglaang pagsulpot ko.
Inilagay ko sa Mesa ang niluto ko. Habang gulat pa dim silang nakatitig sa'kin kaya mgumiti ako ng pilit.
"Christina,"saad ni Drake habang umiiling na wag ko na ituloy. Nagbabanta na baka masaktan lang ako.
Ngunit naglakas ako ng loob. Inilatag ko 'yon sa harapan ni Alexuse. At ganoon din sa kanila. Nagsimula namang kumain si Drake at Havier na sinabayan ni Charles.
"Wow, Christina ang sarap!"Nginitian ko lang siya. Habang sarap na sarap silang kumakain. Pilit naman nilalayo ni Alexuse ang dala kong Pagkain.
Nag luto kasi ako ng fried Rice Saka Adobo.
Ilang minuto pa bigla nalang tumayo si Alexuse kaya napatingin lahat sakaniya. Pati na din ang mga Schoolmate ko.
"Sabi ko tama na, Valedictorian ka pero napaka bobo mo? Ngayong Running Cum laude ka. Pero bakit hindi ka nakakaintindi? Subran akong nandidiri sa'yo 'di mo ba maramdaman 'yo? Tangina Christina 'wag kang maging Bobo."Nanlumo ako sa mga sinabi niya at unti -unting nagsituluan ang mga luha ko.
Napatayo naman sila Charles habang inaawat si Alexuse. Kinuha niya ang dala ko at mabilis 'yong tinapon kaya nagkalat ito sa sahig.
Tinakpan naman ni Drake ang Tenga ko.
"Christina wag kang martyr! Ayoko na! Ayoko na! Putangina ayaw kitang saktan! Tumigila kana!" Hindi ako makapagsalita. Parang umurong ang dila ko sa mukha niyang galit na galit.
"Ano iiyak ka nanaman? Nakakasawa kana enough na."paulit-ulit niyang sianabi sa'kin.
Napahawak ako sa Ilong ko. May dugo doon at parang napansin ata 'yon ni Drake kaya niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya ganon din ang mga kaibihagan niya.
Noong nakaharap na ako sakaniya, pasimple niya akong binigyang ng panyo.
Napansin din 'yon ni Charles.
Hanggang sa unti-unti akong nawawalan ng hangin sa katawan.
Lalong lumalalim ang paghinga ko. Napansin 'yon ni Drake. Noong makalabas na si Alexuse nang mawala na siya. Lumapit sa'kin si Havier habang pinapaypayan ako.
YOU ARE READING
OUR 11:11 AND 12:51 LOVE STORY.
Novela Juvenil"Once you're my 11:11 now I'm just your 12:51." "You know what's the most painful between 11:11 and 12:51?" "What?" "When your 11:11 turns into 12:51" "You know what's the most painful?" "W-what?" "When you're my 11:11 but now, I'm just your 12:51" ...